webnovel

A Little White Lie (Omorfos Band Series #1)

youngkore · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 5

Chapter 5

"We are heading to Deauville's beach, a closest beach town to Paris. Tanyag ang kilala nilang seafoods sa French coast doon, kaya madalas sa tour package katulad nito, hindi pweding hindi mapuntahan ang Deauville. " Ate Bianca smiled. "Matagal-tagal pa ang byahe natin, magpahinga muna kayo."

Inayos ko ang nagkagulong earphone bago pinaslak sa tainga. Ang tahimik ni Primo. Hindi niya ako kinulit at hindi ko rin siya kinausap. Suot-suot ko pa ang Dior na loafer na binigay niya sa akin kagabi.

I feel so comfortable with the shoes. Nakakahiyang macarons lang ang nailibre ko sa kaniya kagabi sa Champs-Élysées.

At hiyang-hiya ako sa sinabi ko kagabi! Why did the hecking heck I said that? Not that I was assuming Primo would fall inlove with me. Siya na mismo ang nagsabi sa akin, hindi sa tulad ko siya babagsak. It was kind of offensive pero mabuti na rin iyon! Pero nakaka-offend pa rin ng kaonti!

Nakaidlip ako saglit. Nagising lang ako nang maramdaman ang ulo ni Primo sa balikat ko. Nilingon ko siya at kunot-noong tinitigan.

"Are you really sleeping?" tanong ko at tinulak ang ulo niya.

He frowned. "Tulog ako! Pasandal nalang. "

Umakto siyang sasandal ulit sa'kin pero tinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo.

"Why me? Pwedi kang maupo katabi ng mga abnoy mong mga kaibigan at doon sumandal sa balikat nila. 'Wag sa babaeng gaya ko. People might assume we're a thing. " binulong ko ang huling sinabi.

"Babae ka?"

"Oo at matino akong babae. Hindi ako tulad ng mga babaeng basta-basta nalang pumapatol sa mga manloloko."

"Share mo lang?"

"Oo, ikaw ang manlolokong tinutukoy ko. Share ko lang din."

Umawang ang bibig niya saglit at saka nakangising napailing-iling. Hindi ko alam kung tama bang ganito ang trato ko sa kaniya gayong binilhan pa'ko ng mamahaling sapatos.

Magdadasal nalang akong sana hindi niya 'to babawiin tulad ng 20 Eurong naging bato.

Hindi na kami nagkausap ulit. Nakipag-asaran nalang siya kila Isacc at Chaz. Si Aiken kasi, siya lang ang nangungulit kay Acel, pero ang lalaki, deadma lang.

Mapapaisip nalang talaga ako kung bakit pumayag si Acel na magbakasyon kasama ang mga bangaw na'to.

Hinintay ko ang maleta kong makuha mula sa compartment ng bus. Tumabi si Acel sa'kin habang naghihintay kaya napamaang ako. Binaba ko ang aviators at tumingin sa kaniya.

"Hi. " I raised a hand in greeting.

Naka-shades rin siya at bucket hat dahil tirik na tirik nga ang araw. At dala-dala namin ang maleta dahil bukas pa ng umaaga kami aalis patungong Marseille.

Babalik kaming Paris sa sabado tapos huling araw na ng tour package sa linggo. Parang ang dali lang ng oras. Kulang na kulang ang isang linggo para malibot ko ang France.

"Hey. " sabi ni Acel.

I tittered.

"Ang ganda dito. First time mong makapunta dito?"

"Yes. You?"

"Oo din. So ilang araw ka ng nasa France? "

He shoved his hands into his pocket. "Weeks. My family has business here. Minsan, ako ang nag-aasikaso kaya pabalik-balik ako. "

Umawang ang bibig ko. I really thought he's the bad boy type of a person. Well, he maybe is dahil medyo suplado siya at tahimik minsan pero mas nakakahanga parin pala talaga na malamang may alam na siya sa business ng family niya sa ganitong kaagang edad.

He knows how to obey his parent which I couldn't do.

"Babalik ka ng Manila pagkatapos nito?"

He bobbed his head. "Yes, of course. With them. "

Nilingon ni Acel ang mga kaibigan niyang abala na sa pagpi-picture. Hindi ko alam na mahilig pala sila sa ganoon. May kaniya-kaniya pang DSLR na nakasabit sa leeg nila.

Si Aiken ang nakita kong nagpo-posing habang sila Isacc at Chaz ay halos dumapa na para lang makuhanan siya ng magandang picture.

Napailing-iling ako. I heard Acel chuckled so my eyes quickly went to him.

"Kailan kayo naging kaibigan ng mga 'yan? Ibang-iba ka sa kanila. Parang hindi mo sila kasama ngayon. " tumawa ako.

"Since elementary. Hindi ko rin alam kung bakit napunta ako sa grupo nila. It was so sudden. "

"Ang tahimik mo pa. Hindi ka ba naiingayan sa kanila?"

"Who would not get annoyed with them? But I'm used to it anyway. "

Magsasalita na sana ako pero biglang lumapit si Primo sa akin, hila-hila ang kulay pink kong maleta. Pumagitna siya sa'min ni Acel at humarap pa siya sa binata.

"Puntahan mo si Aiken, baka maligaw 'yun. Nawawala ang pota." narinig kong sabi ni Primo.

Acel snorted. "Yeah, right. "

Hindi ko sila maintindihan. Nang tingnan ko ang kinaroroonan nila Isacc ay sila nalang dalawa ni Chaz ang nakita ko, wala ng Aiken. Naglakad palayo si Acel, ni hindi na naman ulit ako tinapunan saglit ng sulyap.

"Maleta mo. " masungit na sabi ni Primo.

Nakangusong lumingon ako sa kaniya at mabilis na kinuha ang maleta.

"Thanks. "

Naglakad na rin ako palayo, nakasunod kila ate Bianca. Tumabi si Primo sa'kin sa paglalakad at panay lingon siya sa'kin.

"Nawawala ba talaga si Aiken? Baka napano na 'yun?" I worriedly asked.

He gave me a half shrug. "Nagsa-sight seeing panigurado 'yun. "

"What kind of sight-seeing is that? Iyong kunwari naka-shades pero ang totoo ay naninilip na pala ng babaeng maiksi ang damit at nakayuko?"

Nahinto siya sa paglalakad at hindi makapaniwalang tumingin sa'kin habang pinipigilan ang sarili na hindi matawa.

"Masama ang mang-akusa agad ng walang matibay na ebidensiya, Chen." nanunudyo ang ngisi niya.

"Nakita ko na ang strategy na'yan sa'yo! Noong nasa Park ako at nakaupo ka sa bench! Sinilipan mo'ko doon!"

"What?" humagalpak siya ng tawa. "Ikaw mismo ang yumuko, harap-harapan, kaya bakit parang kasalanan ko pa?" madrama niyang hinawakan ang dibdib niya.

"Whatever! Mga bangaw kayo!"

Umirap ako sa kaniya at nagmamadaling humabol sa mga kasama. Nagpunta kaming Hotel na hinanda mismo ni ate Bianca at kumain saglit sa malapit na Restaurant. Nahanap na rin si Aiken na nagpunta lang palang CR.

We went to Deauville's tourist destinations afterwards. Binisita namin ang field ng golf courses, racecourses sa Deauville-La Touques, nag-stroll down sa Les Planches, nat marami pang iba.

Pawisan ako nang makabalik kami sa Hotel ng mga bandang ala-singko na. Mamaya, may night tour pero hindi na'ko nagbalak sumama. Iyong mga couple lang ang nakita kong interesado doon.

I have plans anyway. Nagmamadali akong bumalik sa Hotel nang matapos akong kumain sa baba. Muli akong lumabas matapos kong maglinis ng katawan at magbihis.

"Where are you going?"

I jumped in surprise. Inis na tiningnan ko si Primo na kakalabas lang din sa room niya. Hindi ko alam na magkaharap lang pala kami ng hotel room!

"Why are you asking? I want to be alone. 'Wag mo'kong susundan. "

He folded his arms and smirked.

"May date ka ngayon? French man? "

"Wala! Kakasabi ko lang na gusto kong mapag-isa. "

Nakangusong tumango siya. Iling-iling na tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Inayos ko ang trench coat na suot at tinitigan pa ang ankle booties. I also have my beret hat to spice up even more my Parisian looks.

Wala akong nakitang Isacc, Chaz at Aiken sa lobby katulad ng ginagawa nila doon sa Paris. Dinala ako ng mga paa ko sa isang shop at doon naghanap ng Polaroid land camera. I found a pink one so I reached for it, saka nagbayad.

Isinantabi ko pa ang planong bumili ng mga damit at kung anu-ano pa para sa Camera na'to!

Nagpunta akong boardwalk at nagpahinga. Sinubukan ko ang Polaroid dito. Tinitigan ko ang developed picture ng Deauville's beach at napabuntong hininga. I regretted I joined the tour earlier.

I should have spend my time roaming around the 2 kilometers beach.

"Aren't you cold?"

Nagitla ako nang marinig ang boses ni Acel sa tabi ko. Ngayon ko lang naramdaman ang presensiya niya. Naka-trench coat din siya at titig na titig sa'kin.

"Acel! Hi!" mabilis akong bumati.

"Hindi ka ba nilalamig?"

Tinago ko ang malamig na kamay sa pocket ng coat ko. Sinundan niya iyon ng tingin.

"Ayos lang. I've been here since last month, nasanay na rin sa lamig. "

"Bring your scarf next time. " aniya.

Nabigla ako nang may kinuha siyang pulang scarf galing sa bulsa ng coat niya at nilahad sa'kin.

"No, it's okay. Aalis din naman ako maya-maya. Ikaw? Magtatagal ka pa ba dito?"

"I was strolling around when I saw you. Sabay na tayong umuwi kung ganoon. " ngumiti siya at lumapit sa'kin lalo. I stiffened when he wrapped the scarf around my neck. "Malamig talaga dito. Even your neck were cold."

Nakatingala ako sa kaniya dahil matangkad siya. Natikom ko ang bibig at napalunok sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.

This feeling feels so strange. Kahit sa ex boyfriend ko noon, hindi ako nakaramdam ng matinding kilig at kaba.

Ibang-iba si Acel. Kahit pagsusuplado niya at pag-irap irap ay hindi nakakaumay panoorin. Sobrang effortless.

"Thank you. " I said with my little voice.

Bumaba ang tingin niya sa'kin at lumayo. He smiled a bit and looked away. Palihim kong inamoy ang scarf niya.

"Hindi ka pa babalik sa Hotel?" tanong ko.

"Later. You can go first. "

Napanguso ako. Akala ko sabay kaming babalik!

"Mamaya na rin ako. " sabi ko. "College ka na?"

Sumulyap siya sa'kin saglit.

"Yes. Business Ad. " he sighed. "You? Nursing? "

"Hindi pa'ko sure. May one year pa naman ako para makapag-isip isip. Hirapan rin kasi sa pagpili lalo na sa situation ngayon, life's getting more harder. Kailangan kong mamili between dream and practicality. "

"Life's getting harder? Sa financial ba 'yan?"

"Papetiks-petiks lang ako dito sa France pero tagilid na talaga kami."

Nakangising suminghap siya. Iniwas ko ulit ang tingin sa kaniya at nagtingin-tingin nalang sa paligid.

"All your hardworks and sufferings will paid off eventually. Wait for that day. " nakangiting lumingon siya sa'kin. "Chen..."

Ang sarap sa tainga na marinig ang pangalan ko galing sa kaniya. Nakagat ko ang labi para pigilan ang sarili na hindi mapangiti. Iba talaga ang epekto ni Acel sa'kin.

"Why? Babalik ka na?"

"I have something to ask. " natigilan siya saglit. "What would you say if you and me would go somewhere else?"

Napatitig ako sa kaniya ng ilang saglit, hindi kayang e-process sa isipan ang sinabi niya. Sure akong hindi ako bingi or nag-iimagine lang!

"Tayo? Saan tayo pupunta?"

"I'm still thinking. " he massaged the back of his neck. "Kapag nasa Marseille na tayo ako mag-isip isip kung saan. It's getting late now."

"Are you sure?"

"Yes, why would I not be sure?"

Nagkibit-balikat ako at napangiti na talaga. My teeth exposed. Hanggang sa makabalik kaming Hotel ay nag-uusap pa rin kami at nakapaskil parin sa labi ang ngiting hindi ko matanggal-tanggal simula doon sa boardwalk.

"Good night. Ingat ka!" sabi ko nang nasa floor na kami ng rooms namin. Magkatabi lang pala din sila ng room ni Primo. Buti nalang hindi siya sumulpot, baka sirain pa ang gabi ko.

"Good night. "

Tumango ako. Hinintay niya pang makapasok ako sa room ko bago siya pumasok sa kaniya.

Huli na nang marealize na nasa leeg ko parin ang pulang scarf. Lumabas ako ulit pero gulat na gulat ako nang makita ko si Chaz, nakasandal sa tabi ng room ni Primo.

"Bonsoir, Chen. " pagod na bati niya sa'kin.

"Bakit 'di ka pa pumapasok sa room mo? May hinihintay ka?"

"Oo, 'yung gago. " umirap siya.

"Which one?"

He frowned. "Si Primo, 'yung pinakagago. "

Lumingon ako sa pinto ng kuwarto ni Primo. Mukha namang wala siya sa loob. Chaz seemed mad for something.

"Ikaw? Lalabas ka ulit?" he asked. "Wait, is that Acel's scarf?"

Napatingin ako sa hawak-hawak ko. I was about to answer but a cough interrupted us. Umayos ng tayo si Chaz at masamang tiningnan si Primo na kakarating lang.

Pero sa'kin nakatingin si Primo, a cold stare I did not expect he could give me. Para akong may kasalanan sa kaniya.

"Prim, inindian mo ang kapatid ko. She waited for hours. What the fuck!"

Hindi ko maintindihan si Chaz. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalwa.

"Let's talk tomorrow, Chaz. Pagod ako." akmang pipihitin ni Primo ang siradura nang muli siyang mapatingin sa'kin.

He looked down at the scarf in my hands and snorted.

Pinanood namin ni Chaz ang pagsirado ni Primo. That was the first I saw him in very bad mood!

"What happened? May kapatid ka?" mabilis kong tanong kay Chaz.

Nasabunot niya ang buhok at tumango sa'kin.

"Oo, ewan ko ba sa babaeng 'yun! Buntot ng buntot kay Primo. Hirap na hirap na'ko dito kaka-ayos ng date nila tapos iindianin lang pala ng ungas. " inis na tugon niya.

"Maganda ba kapatid mo?"

Tumingin siya sa'kin at tumawa.

"Nakikita mo 'tong mukha ko, Chen?" he asked and I nodded. "Sobrang gwapo ako kaya 'wag ka ng magtaka kung pati kapatid ko, maganda rin. Of course, she's beautiful! May problema lang sa mata si Primo. "

Tumatango-tango ako.

"He's blind and heartless. But he's a playboy, namimili pa ba ang playboy na babaeng jojowain?"

"Chen, 'wag ako tanungin mo. Ang bait-bait ko tapos sa'kin mo itatanong 'yan? Syempre, wala akong alam diyan. "

Umirap ako sa kaniya. Natigilan kami nang bumukas ang pintuan, revealing Primo who's half naked. Nagsipasukan agad kami ni Chaz sa kuwarto namin dahil ang sama na ng tingin ni Primo. Naudlot tuloy ang plano kong ibalik ang scarf kay Acel.

Kinabukasan, maaga ang alis namin papuntang Marseille. I returned the scarf to Acel right away when I saw him.

"Good morning. " he greeted first.

"Good morning. Ayos ba tulog mo?"

He nodded while smiling. Iyong smile na hindi abot tainga pero mahahalata paring masaya siyang kausap ako. I silently tittered.

Pinagmasdan ko siyang buhatin ang maleta ko para ilagay sa loob ng compartment.

Nang kompleto na kami ay nagsipasukan na kami sa bus. Doon parin ako sa puwesto ko pero at nandoon na si Priml. Hindi siya tumayo para makadaan ako papuntang seat katabi ng bintana. He just looked at me and snorted.

"Good morning, Madame. " sabi ni Aiken.

"Chen, mas maganda ka pa sa umaga."  Isacc winked.

Umirap ako sa kanila. Si Chaz ay masama ang timpla ng mukha pero kumaway din naman siya sa'kin. Nang tuluyang makaupo ay nilingon ko si Primo.

Hindi niya ako nilingon pabalik. Nagkibit-balikat nalang ako at nakaidlip sa byahe. Nagising lang ako nang tapikin ako ni Ate Bianca.

"May alitan na naman kayo ni Primo? Sobrang bad trip, kagabi pa 'yan. " bulong niya.

"Tinopak na naman 'yan. It's none of my business anyway. Hayaan mo na siya. "

Ate Bianca rolled her eyes. Nasa likuran lang ako habang naglalakad kami at panay kuwento si Ate Bianca sa harapan. I was roaming my eyes around when I bumped into someone's back.

"Ouch!" napahawak ako sa noo ko dahil tumama ang noo ko sa bag na suot ng lalaking nakabangga ko.

"Hindi ko kasalanan 'yan. " sabi ni Primo. May something na matigas sa bag niya kaya masakit sa noo nang tumama ito doon.

"Shit, masakit. " bulong ko at hinimas ang napuruhang noo.

Humarap siya sa'kin. Iniwas ko ang mukha nang yumuko siya palapit. Nakita ko pang natigilan si Isacc, Chaz at Aiken sa paglalakad para tingnan kami.

"I'm sorry. 'Wag ka kasing tatanga-tanga. Masakit?"

"Mas masakit pa magagawa ko sa'yo pag hindi ka pa umaalis sa harapan ko, Kade. Go walk! Lumayo ka kasi tanga ako, baka masaktan ko pa ang sarili ko dahil tatanga-tanga ako. "

It pissed me off. Puwedi namang mag-sorry nang hindi ako sinasabihan ng pagkakamali ko. Harap-harapan! I don't like it! I can admit my mistake by my own!

"You're always rude, Chen." iling-iling na sabi niya. "Kung hindi kita madala sa santo-santo, idadaan ko sa dahas, makuha ko lang ang gusto ko. "

My forehead furrowed.

"I don't understand but you're selfish, Primo, do you know that?"

I stiffened when he leaned against me.  I wanted to push him but my hands were to weak to do that.

"I'd be more selfish. Aakuin kita kahit hindi mo ako gusto."