webnovel

A Little White Lie (Omorfos Band Series #1)

youngkore · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 2

Chapter 2

"Ikaw na mag-serve kasi kakausapin ako ni Madame. Naku talaga. Baka may ginagawa ka kaya papagalitan ako?" pang-aakusa agad ni Dexie.

Mabilis nanlaki ang mata ko at umiiling-iling sa kaniya. She's kind of mean talaga when it times of work.

Ingat na ingat siyang hindi mapaalis sa trabaho niya dahil ito nalang ang bumubuhay sa kaniya at sa anak niya.

"Hindi, ah. Never pa akong nakagawa  ng kasalanan here. "

Umirap siya sa'kin habang tinatanggal ang tali ng buhok niya. She looked at herself in the mirror na nasa loob ng locker niya at naglagay pa ng kaonting lipstick sa labi niya.

"Ang conyo mo talaga. Bumalik ka na doon sa trabaho. Mamaya niyan, may magalit na Pranses sa'yo. " pagtutulak niya sa'kin.

Tumango ako at bumalik na nga. Hindi ko maipagkakailangan nakakapagod ang trabaho.

Kung nasa Philippines ako ngayon, pagala-gala na ako. It will be worth it eventually naman. Siguro.

I've been working for 4 days na and I can't get enough rest. Sa Friday lang ang day-off ko at Sunday, pareho kamo ni Dexie.

Dito kasi, kapag Sunday, almost all shops are closed. Parang family day nila ang Sunday.

"You serve this to that guy. Okay?" lumapit sa'kin ang Assistant manager at tinuro ang lalaki na nasa labas.

Mag-isa lang ang lalaki kaya hindi na ako nahirapan.

"Okay, okay. " I nodded twice.

Nagpalinga-linga ako sa loob ng Restaurant, may pilit hinahanap na lalaki pero wala naman.

That guy named Primo Yuchengco! That smug! Buti nalang at hindi na siya dito kumain ngayon. Kahapon kasi, nandito rin siya. Baka nagsawa na.

Nagmadali na akong magpunta sa lalaking nasa labas at isa-isang nilapag ang mga inorder niya. He's wearing shades and a beret hat so I didn't recognized quickly na si Primo pala ito!

"Wew. Ikaw na naman. " anas niya at iling-iling na tiniklop ang shades niya. Bahagya niya pang inangat ang beret hat niya nang lumingon siya sa'kin.

What the hell is he doing here? All over again!

"Bonjour.I hope you don't enjoy the dessert and the tea so you won't come back here. " ngumiti ako.

Nag-dekwatro pa siya at maangas na kinuha ang tasa ng tsaa saka siya marahang sumipsip doon. Pinanood kong gumalaw ang adam's apple niya.

Hindi nakagawa ng ingay ang paglapag niya ng tasa. Masyadong maingat, pero sa mayabang na dating. He then looked at me with amuse in his eyes.

"Bumabalik ako dito hindi dahil sa mga pagkain niyo, bumabalik ako dahil may nakilala akong Pinay na kutis mayaman pero nagta-trabaho sa France? Ano 'yun? Pa-humble? " aniya.

Napatingin tuloy ako sa balat ko. Maputi ako, ganoon rin kasi si Mama. At ano bang pakialam niya? Hindi lahat ng magaganda, mayamanin! Ako ang patunay roon!

"Nakita mo 'yun?" yumuko ako at tinuro ang Restaurant na nakatayo sa may eskinita hindi kalayuan.

Tumingin naman siya doon at tumango.

"Nakita mo, 'diba? Sa susunod, doon ka na lumamon at 'wag dito. Hindi welcome dito ang aroganteng feeling Pranses!" bulyaw ko at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.

May ka-trabahong nakakita ng pag-sigaw ko kay Primo kaya nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa'kin. Shit, hindi niya kami naintindihan kaya baka akala niya inaaway ko ang costumer.

Mabuti at hindi siya nagsumbong. Sobrang kabado ako. Baka mamaya, ako pa maging dahilan na masisante si Dexie dito. Ang Primo kasi na 'yun!

What now if I have fair skin? Being not rich enough won't make me less beautiful.

Ang natural na kagandahan, hindi nawawala. Ang kayamanan, oo. Palibahasa, laking masalapi ang loko na 'yun kaya pa-petiks petiks lang sa France.

"Bad trip, ah? Anyare? Nag-away kayo ng Mama mo?" tanong ni Dexie habang naglalakad na kami pauwi.

Niyakap ko ang yapos-yapos na coat at nanghimutok. Napabaling si Dexie sa'kin dahil doon.

"Wala. I'm just tired. "

"Do you regret it?"

Hindi ako tumugon sa tanong niya. Hinilot ko ang balikat ko at nag-inat ng braso. Masakit rin ang paa ko dahil may maliit na takong ang sapatos na suot ko kanina.

"Hoy, pinagsisihan mo bang mag-trabaho? Dapat nga talaga nag-chill chill ka nalang dito. Bakasyon pinunta mo, 'diba?" si Dexie.

"Vacation at si Mama. " sagot ko.

May nakita akong bench kaya naupo ako doon. Naupo rin naman si Dexie sa tabi ko. Ang lucky ko na makilala siya dito. Akala ko, magiging loner ako dito at panay hintay nalang kay Mama ang magagawa ko.

Tinanggal ko ang flip flops ko, pati ang medyas. Sinuri ko kung saan masakit doon.

"Bakit kasi naghe-heels habang nagtatrabo? Ewan ko talaga sayo, Cheyenne." iling-iling na sambit niya.

"Hindi 'yun heels. Slight lang." ngumuso ako. "Look, namumula ang foot ko, Dex."

"Umuwi ka na sa inyo at magpahinga. Tumayo ka na diyan. Kaya mo pa bang maglakad?"

"I don't know..."

Sinuot ko pabalik ang medyas at tsinelas saka sinubukan tumayo. Humapdi ng bahagya ang paa ko kaya napangiwi ako sa sakit.

I don't like heels! Mapanakit ang heels ko. I just want to look decent at work, eh.

"Naku, paano 'yan? Malapit naman apartment niyo, 'diba? Ihahatid nalang kita sa inyo." umakto siyang ilalagay ang braso ko sa balikat niya pero agad akong lumayo.

Umiiling-iling ako sa kaniya. "There's no need. Kaya ko pa naman. Malayo sa intestine ito, 'no. "

Nakangising umirap siya. Sinuot niya sa'kin ang coat ko bigla. Ang bait talaga ni Dexie. I wonder why did his boyfriend left her.

"Sigurado ka? Baka may dadaanan ka pang club niyan. " nang-aakusa na naman siya.

"Grabe. Hindi na'ko nagpupunta sa club! "

Naabutan niya kasi ako one time na kakalabas sa club at lango pa. She helped me sober up.

The second time she saw me coming out from a club, may French na sumusunod at nag-mamanyak sa'kin tapos tinulungan niya ako.

Nagpaalam na si Dexie dahil tumawag bigla ang Nursemaid na nag-aalaga sa anak niya. Bumalik ako sa bench at nag-rest saglit.

Kung minamalas nga naman, nakita ko si Primo na nagske-skate board pabalik-balik sa harapan ko. Sinasadya niya iyon talaga! Tuluyan siyang huminto sa harap ko at naglagay pa ng Euro sa kandungan ko.

I quickly slapped his hand. "What are you doing? Pervert!"

"Me? Pervert?" he mocked while pointing his forefinger sa sarili niya. "I thought you're a kind of beggar. Merci. "

Ginaya ko ang sinabi niya at mukha niya saka mabilis na tumayo. Hindi ko pa pala suot ang slipper ko kaya nang tumayo ako, natapakan ng paa ko ang parang bato.

"Ouch!" I winced when I felt the pain.

Naupo ako ulit at naiiyak na tiningnan ang napuruhang paa.

Nakatanaw lang si Primo sa'kin, walang balak tulungan ako. Not that I want his help!

Sinubukan kong tumayo at balak na sanang umalis pero naalala ko ang perang binigay niya.

Tumitig ako sa perang naihulog ko kanina at sa kaniya.

"You know, it's rude not to accept the blessing. " sabi ko at yumuko para kunin ang pera pero naunahan niya ako.

Naipatong ko tuloy ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. Inis akong tumayo.

Nagbibigay siya ng pera tapos aagawin din naman pabalik! Nagpa-choosy lang ako saglit, eh!

"Anong gagawin mo sa 3 Euro?" 

My forehead creased. "Ibibili ko ng manners para sa'yo. Akin na. " nilahad ko pa ang kamay ko pero humakbang siya papalayo.

"Ang pangit mong kausap." he then turned his back at me.

Naikuyom ko ang kamao sa inis. 3 Euro na 'yun, naging bato pa!

Hindi na siya humarap sa'kin. Winawagayway pa niya ang pera habang nagske-skate board palayo. Masama ang timpla ko nang makauwi ako. Wala na naman si Mama.

Kinabukasan, nagising ako para magtrabaho na naman. Medyo ganado ako ngayon dahil day-off ko bukas. I used my flat shoes today so I would not be in pain again.

Hindi na'ko nabigla nang makita ko na naman si Primo. Ang aga-aga, mukha niya pa ang bubungad sa'kin. Among all the costumers, siya lang ang good-looking.

May mga poging foreigners naman pero mas iba pa rin pala talaga ang dating at karisma ng kapwa mo Pilipino.

"How's your day?" nakangiting tanong niya sa'kin nang lapitan ko siya.

"I was doing fine. Really. And then you came. " tiningnan ko siya ng masama.

Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko sa kaniya. Pero ang arogante niya kasi. Parang hindi ko matanggap na may kilala akong aroganteng Pinoy dito sa France.

Not that he's the only arrogant Filipino alive. Hindi lang tugma sa hitsura niya.

"Nang makita mo ako, mas lalo kang naging fine? Wew. " he teased.

I grimaced.

"Fine my ass. Assuming. Ano bang order mo?"

"Ikaw. " nakangusong sagot niya habang nakatingin sa menu. I was about to strike him using my notepad but he continued to speak. "Ikaw, ano bang bagay kong kainin ngayon? Parang nangangayat kasi ako simula nang kumain ako dito. Puro nalang French cuisine nakakain ko. I miss Filipino foods already. "

"Share mo lang? "

Ngumuso siya sa sinabi ko. Nagtitimpi na talaga ako kakahintay sa order niya. I wanted to shout but I don't want to get dismiss.

"Mag-order ka na. Ayokong matawag na makupad dito. Baka mapagalitan pa'ko dahil sa'yo." pamimilit ko.

"Eto. " may tinuro siya. I jotted it down. "Tapos eto. Eto at eto. "

Natigilan ako nang ituro niya ako. Seriously, maluwag turnilyo nito, eh. Kung anu-anong trip sa buhay.

"I want to know your name. Bibilhin ko. " 

"Bili ka manners. Bago mo'ko kausapin, ayusin mo sarili mo. At isa pa, I don't talk to stranger. "

Iniwan ko siyang nakangisi doon. Sa iba ko pina-serve ang order niya, buti nalang at may pumayag. Pogi kasi, malakas ang dating niya maging sa mga French girls. Ang fluent din niya magsalita.

Naabutan ko si Mama nang umuwi ako. Malinis naman ang kuwarto ko kaya hindi ako napagalitan. Nagluto siya ng sinigang at sa paghuhugas lang ako may ambag.

When I was in the Philippines, washing the dishes at pag-wawalis lang talaga ang kaya kong gawin. I was really irresponsible and still I am.

"Kamusta ang trabaho, Che? Hindi ka nakabasag?" tanong ni Mama.

"I didn't and still haven't break things. Wala ka bang trust sa'kin?"

She smirked.

"Don't use your salary for your tuition. Magwaldas ka ng kahit ano gamit ang pera mo. "

"Mama, sa Pilipinas sabi ako mag-aaral!" tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Kahit mag-promise pa ako na mapasali sa honor rolls, basta doon lang ako! "

The side of her lips turned up, like I said something ridiculous.

"Wala akong sinabi. " aniya at nagkibit-balikat. "Stop working after you get your salary. Sa Pilipinas ka na rin mag-aaral, at ako ang magpo-provide ng gastusin doon. "

Nanlaki ang mata ko. Akala ko mas lalong titigas ang ulo niya at pipilitin akong dito mag-aral. I love Mom so much. I lived half of my life without her so leaving her here is painful.

Ngayon lang kami nagkasama ulit kaya durog na durog ang puso ko habang iniisip ang pag-babalik ko sa Pilipinas na hindi siya kasama.

Pero hindi rin naman puweding hayaang dito ako mamuhay. My Mom would surely drag me to work along with her than to study. Mahahati ang oras ko dito sa pag-aaral at pagta-trabaho. I don't want that.

"Thank you, Mama!" I quickly hugged her and she pushed me a bit.

"I called a travel agency. Nag-book na ako ng package tour gamit ang pangalan mo and you can use your money for the payment. The tour is exclusive only for Filipinos kaya hindi ka mahihirapang pakisamahan ang mga kasama mo habang nagto-tour. Dadagdagan ko ang pera mo kung gusto mo. "

"Wow! Thank you so much!" niyakap ko ulit siya.

Mabait din pala si Mama. I worked really really  hard pagkatapos kong malaman ang tungkol doon. Ganadong-ganado ako kahit minsan, nabi-bwisit ako sa presensiya ni Primo.

Noong last weak ko sa trabaho ay hindi ko na siya nakita. Ayos lang naman pero confusing din.

Nagkibit-balikat ako habang naghihintay na may pumasok na ungas sa Restaurant pero wala talaga hanggang sa uwian na. Sa mga sumunod na araw ay hindi na talaga siya bumalik.

"You did a great job, Cheyenne. Mami-miss kita. " niyakap ako ni Dexie nang huling araw ko na.

Natanggap ko na ang salary ko at bukas na rin ang package tour. Gusto ko sanang pati si Dexie ay isasama ko pero workaholic siya at may anak pa.

"I'm gonna miss you, too. Ingat ka dito. " I initiated the hug this time.

Nakaka-miss mag-serve at mag-entertain ng mga foreigners. Parang ang dali ko lang nasanay sa trabaho. Ayoko pang mag-resign pero gusto ko rin namang magsaya. Pera ko rin naman ang gamit ko kaya ang sarap sa pakiramdam.

I packed my things right away when I went home. Tinulungan akong mag-impake ni Mama at binigyan talaga niya ako ng pera.

'Yung sahod ko kasi, kulang pa 'yun para sa babayaran ko sa tour. One week din kaya kaming pagala-gala sa France.

"Thank you. " I smiled at Mama.

"Enjoy the tour, Che. "

Tumango ako sa kaniya. Maaga akong sinundo ng bus service namin kinabukasan. I hugged Mama before I went inside the bus.

May nakita akong mga Pinoy sa loob pero kaonti pa lang sila. May couple at dalawang magkaibigang babae. Kasama na rin ang tour guide.

Naupo ako sa tabi ng bintana at saglit naka-idlip. Nagising lang ako nang huminto ang bus sa harap ng isang 5-star hotel. Tumingala ako sa hofty na building at napamaang.

"Did you know, French women usually have se-"

"Dapat iniwan mo sa Pilipinas ang kamanyakan mo, Aiken! Nakakahiya ka. "

"Playing innocent. I can't believe it!"

"Guys, shut up. "

Napabaling ang tingin ko sa mga lalaking nagsipasukan sa bus. Ang unang lalaking nakita ko ay ang una kong narinig na dumaldal. Kasunod niya ang sumaway sa kaniya.

Ang ikatlong lalaki ay kumaway sa'kin at kumindat.

The three are all good-looking. The way they dressed up, sobrang fashionable. Akala ko silang tatlo lang pero may sumunod pang isa, naka-poker face habang tinitiklop amg shades niya. Parang nakita ko na siya before.

Siya 'yung lalaking nakabanggaan ko noon! Na-scam na naman ako. Akala ko French siya, eh.

Sinundan ko ng tingin ang lalaki. Naupo siya doon sa tabi ng may blondeng buhok na madaldal, saka siya mabilis na naglagay ng headphone sa tainga niya. Ang gwapo! Kitang-kita ko pa ang adam's apple niya nang sumandal siya sa backrest.

Nang mag-iwas ako ng tingin ay may bumulaga sa'king pamilyar na mukha. Gulat ako nang makita si Primo na nakatayo habang nakayuko sa'kin. Bakit na naman siya nandito?

"Hi, Cheyenne. Sinusubok tayo ng tadhana talaga. I'll buy this seat. Dito ako uupo. " aniya, may binigay siyang 20 Euro sa'kin bago tuluyang naupo sa tabi ko.

Nataranta ako.

"You can't sit here! Akin t-"

"Bayad na. "

Inis kong tiningnan ang pera at napanguso. Ayos lang 'yan! May 20 Euro ka naman, eh! Tiisin mo nalang! 20 Euro na 'yan, dapat hindi na maging bato pa!

"Tanggapin mo na. Nahiya ka pa. " pang-aasar niya pa.

Tiningnan ko siya ng masama bago dahan-dahan nilagay sa bag ang pera.