webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 14

"So, saan tayo ngayon?", tanong ko habang kumakain kami ng breakfast.

Dito kami kumain sa hotel tutal libre naman daw ang breakfast, sulit na rin yung bayad.

Well, sa executive suit, may tatlong kwarto kaya hindi kami tabi matulog.

"Burnham? Diplomat Hotel?", suggest ni Cros.

He is wearing his plain black shirt and pants while I am wearing a pink crop top paired with ripped jeans.

"Diba nakakatakot don?", saad ko habang ngumunguya ng bacon and rice.

"Hindi naman. Alam mo yung mas nakakatakot?", biglang hirit niya.

"Ano?",

"Mawala ka.", he chuckled.

Binato ko siya ng crampled tissue. Korni!

"Napakakorni mo a.", natawa naman ako.

"Sayo lang.", mahinang sabi niya ngunit narinig ko.

Nagpatuloy siya sa pagkain at iyon djn ang ginawa ko. Binalewala ko na lamang ang narinig ko. I don't want to assume things.

Habang nasa daan kami papunta sa Burnham ay hindi namin naiwasang mag-asaran. Oh, yung naghatid sa akin kahapon pinauwi ni Cros, ansama talaga ng ugali netong taong 'to. Charot.

"Bakit Crosvelt pangalan mo? Ano yan Roosevelt? May Romeo pa ha?", asar ko sa kanya.

"Ikaw nga Ash, bakit abo ka ba?",

Nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng pagkakunot ng noo ko. Hinampas ko siya at wala na akong pake kung mabangga kami. Nakakainis a.

"Why do you care? Amoy Belt yang pangalan mo. Ambantot.", umirap ako sa kanya.

"Abo!",

"Sinturon!",

"Abo!",

"Sinturon!",

"Ikaw nga, Jamila e. Jam? Strawberry Jam?", asar pa niya.

"Hoy! Nakakailan ka na a!",

"Dito sa Baguio may Strawberry Jam kako.", palusot niya.

Ngayon ko lang nasaksihan ang makulit na side niya.

Nakakapanibago. Sanay akong makita siyang seryoso ang mukha, madalas nakakunot ang noo. Pero ngayon, ibang Cros yung nakikita ko. Hindi ko napigilang ngumiti.

"Now, you're smiling.", ngumiti rin siya sa akin.

Ngiting mukhang hindi na mabubura sa isipan ko. Napakaganda ng pagkakakurba ng mga labi niya. Sino na kayang nahalikan niya?

"AY HALIK!",

"What?", he chuckled.

"Ano ba!",

"We're here. Hindi ka ba bababa?", tanong niya.

Nag-ayos pa ako konti saka ako bumaba. Dumampi agad sa balat ko ang malamig na hangin. Luminga-linga ako sa paligid, napakaganda.

Natanaw ko agad ang Burnham Lake, may mga nagbabangka na roon umaga pa lang.

"That lake is a man-made lake. It was built for a century now.",

"It's beautiful. Pwede ba tayong magbangka?", tanong ko ng may halong pagmamakaawa.

He sighed. Mukhang wala rin siyang magagawa dahil nandito ako para mag-enjoy. 5 days left.

Sumakay kami sa bangka na duck-like, malaki iyon kaya ayos lang kahit umupo kaming dalawa ni Cros dito.

Puro tawa kami at kakanta-kanta pa, masaya iyon. Sobrang saya. Matagal rin kaming sumakay don bago bumaba. Sulit ang bayad, kaso si Cros pala nag nagbayad dahil sumampa ako agad kanina.

Naglalakad kami at nagtitingin-tingin, nasa tabi ko lang siya at sinasabayan ang lakad ko kahit maliit ang mga hakbang ko. Naririnig ko pa siyang napapabuntong-hininga dahil siguro sa bagal ko maglakad. E sa maliit ang hakbang ko e.

"Diba may bikes dito?", tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad pero puro halaman lang at mga orchids ang nakikita ko.

"Yes. Kaso muntik sa kabilang dulo, ibang way ata yung dinaanan natin.", sagot niya.

Malawaka ng Burnham Park kaya naman maliligaw ka talaga lalo na kapag unang beses mong pumunta rito.

Mayroon silang Children's Playground, Man-made lake, Skating Rink, Rose Garden, Orchidarium, Igorot Garden, Melvin Jones Grandstand, Athletic Bowl, Picnic Groove, Japanese Peace Tower, at Pine Trees of the World.

Sa medyo dulo ang Bike Rentals. Iba't-ibang klase ng bisikleta ang makikita doon. May pang-single, I mean, pang-isahan, dalawahan at marami pang iba. Di hamak na dinaragsa ng mga turista ang Baguio dahil rito. Napakaganda. Makikita mo ang saya sa ng mukha ng nandito.

"Wanna try?",

"Yes!",

Nagpunta kami sa may rentahan. 150-200 depende sa gagamiting bike at kung ilang oras.

"Cros, hindi ako mag-eenjoy kung sa dalawahan tayo.",

Nag-aaway nanaman kami. E kasi gusto ko nga mag-isa ako. Ayoko nang may kasama.

"No. Baka matumba ka, masugatan ka pa.",

"I'm big girl na. I can handle myself.", depensa ko.

"Yes, you're big girl na but you look so lampa.", ginaya niya ang pagsasalita ko.

"So gagaya.", inirapan ko siya.

"So cute.", ngumiti siya ng matamis sa akin.

Hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo, Cros.

"Cute are only for dogs.",  saad ko nang nakakunot ang noo.

"Then consider yourself as a dog. A cute dog. Maybe like bulldog. Or something like that.", pang-aasar niya.

Himpas ko siya sa balikat at kunwari nama'y nasaktan siya doon, ngumiwi pa.

"Aray! Masakit a.", reklamo niya.

"Gusto mo pa masaktan?", pagbabanta ko.

"Sasaktan mo pa ba ako?",

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang marinig 'yon. Seryoso ba siya don?

"Basta don ako sa isahan.",

Kinuha ko na ang bisikleta at bumelat sa kanya. Napabuntong-hininga siya dahil wala na rin siyang magagawa.

Four lanes ang daanan ng mga bisikleta. At sa magkabilang dulo ay may gulong na kung saan don ka iikot pabalik. Nasa likuran ko si Cros at hindi ko maipagkakailang pinagtitinginan siya ng mga narito. Tsk, mga impaktang papansin.

Nang iikot na ako pabalik ay nawalan ako ng balanse kaya natumba ako. Maraming lumapit sa akin para tulungan ako ngunit nagsalita si Cros.

"Don't touch her.", banta niya sa mga lalakeng tutulungan lang sana ako.

Tinignan niya sila ng may matalim na tingin kaya nagsilayuan ang mga naroon.

Ramdam ko ang sakit sa bandang ankle ko at tuhod. Napigtas din ang suot kong sandals kaya hindi rin ako makakalakad.

Binuhat niya ako at inilayo roon. Iniupo niya ako sa isang bench malapit sa mga nagtitinda ng streetfoods.

"I already told you.", panenermon niya.

"Here we go again.", saad ko na tila ba sawang-sawa na sa sermon niya.

Tiningan niya ako at gumuhit ang inis sa mga mata niya.

"Kelan ka ba matututong makinig sa akin?", seryosong tanong niya.

Bigla akong kinabahan dahil sa paraan ng pagtanong niya. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko para tingnan ang angkle kong medyo namamaga.

"Bakit ka ganyan? Ayaw mo bang inaalala kita? Ayaw mo bang nag-aalala ako sa kapakanan mo?", seryosong tanong niya.

Natigilan ako doon. Ano bang kasing problema ko at ganito ako?

"I'm just scared.", sagot ko.

"Scared of what?", tanong niya uli.

"That you're just doing this because it is your job.", naluluhang saad ko habang nakatungo.

What the hell is wrong with me? Bakit ako maiiyak sa simpleng sitwasyon na 'to? Myghad Ash.

Hinawakan niya ang baba ko at iniangat. Nagulat ako nang napakalapit ng mukha niya sa mukha ko, maling galaw ay magdidikit 'yon.

"But loving you isn't part of my job, but why am I doing it?",

Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nagtagal ang halik na iyon ng ilang segundo. Iyon ang unang halik ko.