webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 12

Kinaladkad niya ako papasok sa bahay namin at pinaupo ako sa sofa habang siya ay umupo sa tapat ko.

"Hanggang kelan ka ba madadala, Jamila?", pasigaw niyang tanong.

Hinihingal pa siya marahil dahil sa galit niya. Bakas ang pagod at puyat sa kaniyang mga mata pati na rin ang galit.

"Palagi nalang bang magiging matigas yang ulo mo? Wala ako lagi para iligtas ka. Wala ako lagi para bantayan ka. Can't you be more responsible? Malaki ka na. Alam mo kung gaano kadelikado sa labas!",

Tumayo siya at naglakad papalapit sa pader. Sumandal siya doon sabay hawak sa sentido niya. Hindi ko mapigilang umiyak dahil aminado akong kasalanan ko iyon.

"Kung hindi ko nasagot yung tawag mo, sino pang magliligtas sayo?", sigaw niya uli sa akin.

Napayuko na lamang ako at tinatanggap lahat ng sinasabi niya. Kasalanan ko naman e.

"Sino Jamila? Sumagot ka!",

Jamila? Sanay kasi akong Ash ang tawag niya sa akin. Ngunit iba ngayon, mukhang galit na galit talaga siya.

"Ano? Sagot!",

Napatayo ako at pilit pinupunasan ang mga luha ko.

"Oo kasalanan ko! Kasalanan ko yung nangyari! Pero kung nagkakaganyan ka lang dahil ayaw mong mawalan ka ng trabaho kay Daddy dahil sa akin, wag kang mag-alala dahil kakausapin ko siya. Makikiusap akong wag kang tanggalin.", nakayukong saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Do you think that is my reason? Na trabaho ko ang iniisip ko?", naging malumanay ang tono niya.

"Totoo naman e. Like what you said, you care for me because it's your job!", umiiyak na saad ko.

Hindi ko alam kung nasan sina Mommy at Daddy pero hinihiling ko na sana hindi pa sila nakauwi pero imposible iyon dahil mag a alas otso na ng gabi. I wonder where they are.

"This is not about my job! I just don't want you to get hurt! Sobra akong nag-alala. I care for you. I really do. Not because it is my job. But because...", pinutol niya ang sasabihin.

"You care because?", hindi ko napigilang itanong.

"You should get some rest now. It's late. I'll fetch you tomorrow. Goodnight.",

Umalis na siya pagkatapos sabihin iyon. Nanlulumo akong napaupo at hindi malaman ang gagawin. Ginugulo ang isipan ko ng mga salitang binitawan niya. Bakit hindi niya magawang sabihin kung bakit? Bakit naapka-unfair niya? Palagi nalang niya akong iniiwang may tanong sa isipan?

Itinulog ko na lamang matapos kong gamutin ng mag-isa ang mga gasgas ko sa braso, siko at tuhod.

Kinabukasan, nang matapos akong makapag-ayos ng sarili, dumungaw ako sa bintana ng kwarto ko at natanaw ko sa baba si Cros. Nakasandal siya sa kotse niya. He is already wearing his police uniform without a cap. Siguro'y nasa loob ng sasakyan niya. Dali-dali akong bumaba at lumapit sa kanya.

"Let's go ", malamig na saad niya.

Galit parin siya. Ramdam ko iyon kahit hindi niya sabihin. Nang nasa daan na kami, walang nagsalita ni isa. Ang awkward tuloy.

"Ingat ka.",

Iyon nalamang ang nasabi ko nang nasa tapat na kami ng FU Main Gate. Hindi niya ako nilingon. Kaya bumaba na lamang ako. Nang makababa ako at maisara ang pinto at mabilis siyang nagpatakbo na tila ba nagmamadali.

"Ash!",

Papalapit na si Josh sa akin, marahil ay kararating din niya gaya ko.

"Hey", bati ko.

"I heard what happened. Are you okay? May masakit ba sayo? Anong ginawa sayo ng taong yun? Gusto mo ba sapakin ko? Tell me.", nag-aalalang saad niya.

"I'm fine. Ayos na yung mga sugat ko, hindi na masyadong mahapdi.", ngumiti ako para ipakitang okay lang ako.

He sighed.

"Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?", bakas ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

"Ahm, I thought you we're busy. That's why.", pagrarason ko.

He sighed.

"Alam mo namang kaya kong isantabi lahat para sayo diba?",

Josh was always there for me. Kapag kelangan ko ng makakausap, kapag kelangan ko ng kasama. Andyan siya palagi.

"O baka kaya hindi ka tumawag kasi alam mong maliligtas ka niya.", ngumiti siya ng pilit.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya napatungo na lamang ako habang pinipigilan ang sariling umiyak. Bakit ganun? Habang nilalayo ko ang sarili ko sa kanya mas lalo akong nasasaktan. Siya ba talaga yung gusto ko?

"Ashh!", napalingon ako sa pinagmulan ng sigaw. Si Kea.

"Omygosh, I was texting you last night kung nakauwi ka na ba. Are you okay?",

"Yes.", simpleng saad ko.

Nirason ko na malapit na ang first subject namin kaya kelangan na naming pumasok. Saktong pagkapasok namin sa classroom ay nagring yung buzzer.

Discuss

Discuss

Discuss

Lutang ako maghapon, pati nang lunch break hindi nila ako makausap ng maayos. Siguro'y naramdaman nilang gusto ko munang mag-isip-isip, kaya hinayaan naman nila ako.

"Ash. Sabay ka na sakin.", aya ni Kea nang makalabas kami sa Main Gate.

"No, sa akin na siya sasabay tutal madadaanan ko naman yung subdivision nila.", aya ni Josh.

Tumango na lamang si Kea.

"Okay then. Drive safely.", bumeso pa siya sa akin saka ngumiti kay Josh.

Hinarap ko si Josh, ayokong sumabay sa kanya. Ayoko muna, gusto ko munang mag-isip.

"Josh, susunduin ako ni Cros.", pagdadahilan ko.

Hindi ko alam kung susunduin niya talaga ako, pero kung hindi siguro magpapakuha nalang ako sa driver namin.

"I'll stay here until he arrives.", pagpupumilit niya ngunit hindi ako pumayag.

He sighed.

Wala rin namang na siyang magagawa kaya pumayag na siya. Nang makaalis siya ay napalingon ako sa right side ng gate ng school namin. Napansin ko agad ang itim na sasakyan na pamilyar sa amin. Naglakad ako papalapit doon para masigurado kong kay Cros nga iyon.

At nang makalapit ako, nakita ko siya sa may driver's seat, tulog. Hindi gaanong tinted ang sasakyan niya kaya makikita ko siya sa loob.

Napangiti ako ng bahagya habang pinapanood siyang matulog. Hindi na ako nag-abalang gisingin siya kaya nagpasundo na ako sa driver namin.

Saktong pababa na ako sa hagdan para kumain, katatapos ko magshower, nang makarinig ako ng malalakas na yabag mula sa living room.

Nagulat ako nang makita ang lukot na mukha ni Cros, mukhang galit nanaman.

"C-Cros?",

Banggit ko ng pangalan niya nang mapansing parang may hinahanap siya.

Napabuntong-hininga siya matapos akong makita.

"Ahm, tulog ka kasi kanina kaya hindi na kita ginising. Pasensya na. P-Pero nagpasundo ako kay Kuya Jun.", pagpapaliwanag ko.

Lumapit siya hanggang sa bigla na lang niyang hinatak ang kamay ko papalapit sa kanya. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

Hindi ako nakagalaw agad dahil sa gulat. Literal akong napanganga sa inasta niya. Gusto ko mang kumawala dahil baka maramdaman niyang mabilis ang pintig ng puso nginit tila ba ayaw niyang bumitaw, ayaw niya akong bitawan.

"C-Cros?",

He hugged me even tighter.

"Nag-alala ako sayo.",

My heart melted when he said those words. Pati ako nanghina dahil sa sinabi niya.

"I'm s-sorry.", saad ko.

AUTHOR'S NOTE:

Hey, thanks for reading. Salamat sa mga nag-aantay ng update. Godbless!