webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 11

"Thanks for the ride.", akmang tatanggalin ko nag seatbelt ko ngunit inunahan niya ako.

"T-Thanks.",

Ngumiti lamang siya at bumaba sa sasakyan para pagbuksan ako.

"Drive safely.", sabi ko sa kanya.

Since hindi ako maihahatid ni Cros gaya ng sabi niya, si Josh ang naghatid sa akin.

"I will. Pasok kana.",

Tumango na lamang ako at tinalikuran na siya. Bawat hakbang ko papasok, kinakain ako ng konsensya ko. Nakokonsensya ako para sa bestfriend ko dahil hindi ko magawang gustuhin siya pabalik. I think I am being unfair.

Nang matapos akong magshower at mag-ayos, I decided to call Keanna.

"[Hoy babaita nagquiz kami kanina lagot kayo!]", bungad niya.

"May binigay bang task? Etong si Josh kasi e nandamay pa.",

"[Wala naman. Nacancel ang classes kanina dapat sa biglaang symposium about sa drugs. Sana pala sumama na din ako sa inyo kanina. Sobrang init kanina 'te. Di keri ng ganda ko magpawis.]", reklamo niya.

"Ganda ka? Buti di ka nila pinaghinalaang nagdrodroga, mukha ka pa namang adik.", pinigilan kong tumawa sa sinabi ko.

I always find my comfort zone with Keanna. She's always there. Kahit hindi sila gaanong magkasundo si Josh kapag magkakasama kami, hindi ko maipagkakailang palagi siyang nag-aadjust. Kahit inaasar ko palagi, hindi ako iniiwan, inaaway lang.

"[Wow 'te. Buti nga wala ka don, paniguradong huhuliin ka agad. Wala nang hina-hinala.]", natawa kaming pareho.

"Kea?",

"[Yes baby girl? May problema ba?]",

She knows me very well.

"I don't know what to do anymore.", naluluhang saad ko.

"[Kwento mo makikinig ako.]", tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magkwento. I told her about the confession, pero hindi ko sinali sa usapan si Cros. She doesn't know her anyway.

"[If you have no feelings for him, then tell him Ash. Wag mong paasahin yung tao.]",

"Sinabi ko na sa kanya.",

"[Ayun naman pala e. Anong ine-emote mo jan?]",

"Nakokonsensya ako kasi gaya mo, he's always there for me. Hindi ko gustong masaktan siya. I know he's hurt deep inside, ayaw lang niyang sabihin. Kilala mo siya Kea, hindi siya vocal na tao.",

"[I know. Pero hindi mo naman kasalanan na wala kang maramdaman para sa kanya. Hindi mo rin ginustong magkagusto siya sayo. It is not your fault. It is not your intention to hurt him Ash.]",

Matapos ang ilang advice niya ay nagpasya na kaming matulog. Lilinawin ko muna ang nararamdaman ko para kay Cros. And kung hindi ko naman pala talaga siya gusto, I think I need to give Josh a chance.

Kinabukasan, walang Cros na sumundo sa akin. Ngunit may nag-aantay sa labas ng bahay namin at sinasabing inutusan daw niya na ihatid ako sa school. Wala akong nagwa kundi magpahatid sa inutusan niya.

"Is he that busy? Na pati paghatid sa akin hindinna niya magawa?", inis na singhal ko.

"Ahm Ma'am, hands on kasi si Sir sa task dahil siya ang inaasahan ng team ngayon.",

Omygod! Napatakip ako sa bibig ko, napalakas yata yung pagkakasabi ko.

"O-Okay. It's okay anyway. I understand.", kunwari'y palusot ko. Shit shit.

Lumipas ang oras, dismissal na. Kasama ko si Kea at Josh palabas, sa kanan ko si Josh at sa kaliwa naman si Kea.

"Hahatid ko na kayo", alok ni Josh ngunit agad tumanggi si Kea.

"May driver ako, tsaka may dadaanan kami ni Ash sa mall. Right Ash?",

Alam kong nilalayo lang ako ni Kea kay Josh. Gusto ko muna kasing malinawan tong nararamdaman ko at magugulo lang iyon kapag lagi kong nakakasama si Josh.

"Ah ganun ba? Okay. I'll see you tomorrow. Mag-ingat kayo. I can't go with you, may family dinner kami.", Josh said while looking at me.

"Yeah, It's okay.",

Nang makaalis si Josh, humarap sa akin si Kea at hinawakan ako sa balikat.

"Are you sure you can go home alone? Pwede kang sumabay sa akin.",

"No, okay lang ako. Magtataxi nalang ako, di naman masyadong malayo.", I smiled at her parang ipakitang ayos lang talaga.

"Tawagan mo ako kapag nakauwi kana!",

"Yes boss.", sumaludo pa ako akya natawa kaming dalawa.

Nakalayo na ang sasakyan niya at halos di ko na matanaw dahil sa traffic. Nagsimula na akong maglakad, ngunit hindi ko naman alam kung san ako patungo. Palubog na ang araw at hindi ako pwedeng abutan ng dilim dahil delikado.

Pumara na ako ng taxi dahil wala naman akong aasahang susundo sa akin.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa daan. Ngunit pansin ko ang pagsulyap-sulyap ng driver sa akin. Napatingin ako sa suot ko, uniform namin. Long sleeves na puti at skirt na nasa 3 inches above the knee na tinernuhan ng medyas na puti na hanggang tuhod.

Nagsimula akong kabahan ng madalas na itong sumulyap sa akin pababa sa thighs ko. Agad kong nilabas ang cellphone ko at dinial ang numero ni Cros.

Ringing....

Please! Please answer the phone!

"[Hello Ash? I'm busy. What do you need?]",

"H-Hello Cros. H-Help me.]",

Narinig ata ng driver kaya mas naging matulin ang takbo ng sasakyan at sa maling direksyon na ang tinahak. Natatakot na ako. Hindi na ako makaupo ng maayos dahil sa kaba.

"[Nasan ka?!]",

May halong galit ang pagkakasabi niya roon kaya alam kong mayayari nanaman ako sa kanya.

"I d-don't know where he's taking me.", nagsimula na akong maiyak nang makitang puro puno na ang dinadaanan namin. Omygod thisnplace is familiar.

"[Fuck!]", sigaw niya sa kabilang linya.

"Cros! Cros! Sa pinuntahan natin non.", bulong ko.

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil inablot ng driver ang cellphone ko. Nanginginig na ako sa takot nang i-end niya ang tawag. Hindi ko namalayang nakahinto na pala kami. Puro puno ang makikita sa paligid. Ghad!

"Walang makakahanap sayo rito, Miss.", saad ng driver sabay lipbite. Yak!

Agad kong binuksan ang pintuan at lumabas na. Nagtatakbo ako habang sumisigaw ng tulong kahit alam kong walang makakarinig sa akin.

"Huli ka!", saad niya at hinapit ang bewang ko paharap sa kanya.

"Bitawan mo ako!", pilit kong inilalayo ang sarili sa kanya. Nanginginig na ang mga braso ko kya nang bitawan niya ako at napaupo ako sa daan.

"Walang makakarinig sayo dito kahit pa magsisisigaw ka. Kung ako sayo, patikman mo nalang ako nang makaalis na tayo pareho dito.", palapit siya ng palapit habang ako ay nakatukod ang parehong braso sa sementadong daan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Please God!

Binuhat niya ako palapit sa taxi niya at pinasok sa loob, sa may likod. Pumasok rin siya bago sinara ang pintuan nito.

Hinaplos niya ang mukha ko pababa sa leeg ko, panay ang iwas ko sa haplos nito at pilit sinisiksik ang sarili sa pinagilid. Sinubukan kong buksan ang kabilang pinto ngunit ayaw nitong bumukas.

"Masarap 'to, bata pa.",

"Wag mo akong hawakan!", umiiyak na saad ko.

Ngunit tila ba wala siyang naririnig. Hinaplos niya ang hita ko kaya pinaghahampas ko siya ngunit nahawakan niya ang dalawang kamay ko. Akmang hahalikan niya ako nang makarinig kami ng ingay, mga pulis. Nakaramdam ako ng ginhawa dahil alam kong dadating si Cros para iligtas ako.

Bumukas ang kabilang pinto ng taxi at tumambad sa akin ang galit na mukha ni Cros.

"Baba!", sigaw niya.

Dali-daling bumaba ang driver habang ako ay inalalayan ng mga kasamahan niya pababa dahil sa panginginig at panghihina.

Dinala nila ako sa sasakyan nila habang pinoposasan ng ibang pulis ang driver.

Muntik na ako roon.

"Hindi ka ba nagpasundo sa driver mo?!", galit na tanong ni Cros. Nagulat pa ako dahil hindi ko naramdaman ang paglapit niya at pagbukas niya ng pinto ng sasakyan nila.

"N-No.", nakatungong sagot ko.

"Alam mong hindi kita masusundo pero hindi ka nagpasundo sa kanya? Sinong inaasahan mong maghahatid sayo pauwi?!",

Hindi na ako sumagot bagkus ay umiyak na lamang ako.