webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 09

"Woahh!",

Mahigit kalahating oras rin ang byahe hanggang makarating kami dito. Hindi ako pamilyar sa lugar dahil puro puno ang nakikita ko, at madilim na kaya hindi ko rin lang makikita kung ano pa ang nasa paligid.

May pathway na gawa sa kahoy na para bang mini-bridge, puno ito ng lights kaya nagmukhang romantic. Inalalayan niya ako sa may pathway habang ako ay panay lingon sa paligid. Napakaganda. I wonder what is on the end of this.

Nang makalampas kami sa may pathway, natanaw ko ang swing na pandalawahan. Lumapit kami doon at lubos nalang ang sayang naramdaman ko nang matanaw ang ilaw galing sa baba, galing sa mga gusali, tanaw na tanaw mula rito ang buong syuda. Napakaganda.

"Omygod.", iyon na lamang ang nasabi ko sa sobrang pagkamangha.

"I usually come here when I feel downcast.", saad niya ngunit hindi ko iyon magawang bigyan ng pansin. Ang view. Napakaganda.

"Do you want to try the this thing?", tanong niya.

Napalingon at nakitang nakaturo siya sa swing. Magkakasunod na tango ang sagot ko.

"When I was young, my Mom gets mad everytime she caughts me playing with my friends in the playground.", nagsimula na akong nagkwento habang dinuduyan ng kaunti ang swing. Nakatingin siya sa akin habang nakaupo sa isang swing kaya alam kong nakikinig siya.

"She has trauma on playgrounds. Nawala ang kuya ko roon 15 years ago, ilang taon namin siyang hinanap ngunit hanggang ngayon wala kaming lead.",

Bakas ang lungkot sa mga mata niya at sapat na iyon para sa akin kahit wala siyang sabihin.

"I don't know what exactly happened because I was just 2 years old that time. My brother's name is Spark Fusion Grey Lacson. Nakikita ko na lamang siya sa mga pictures niya, and God knows how much I want to be with him. Minsan napapaisip ako, what if hindi siya nawala? Masungit kaya siya sa akin? Protective kaya siya?", napangiti ako ng mapait kasabay ng pagtulo ng ilang luha mula sa mga mata ko.

"Tingin niyo buhay pa siya?", tanong niya.

"I have this feeling that he's still alive. Stil out there kicking.", natawa ako ng bahagya sa sinabi.

Mula nang mawala siya, madalas makatulala lang si Mommy at nagiging masiyahin lang kapag kaharap ako. Si Dad inabala ang sarili sa trabaho. Maybe it's their own way to escape sadness.

"My Mom is with her new family now, and so is my Dad. But they support me financially and that's enough for me. They separated when I was 18. That is why I entered PNPA. To escape from them. To escape from everything.",

Nakatitig lamang ako sa kanya while he was saying those words.

"So, hindi mo talaga gusto maging pulis noon?", tanong ko.

"The truth is, no. My dream was to become an Accountant. Pero natutunan ko ring mahalin ang career ko ngayon. I was kinda fun. Pero yung training, hindi yung nakakatuwa.",

Natawa ako sa sinabi niya.

"Gusto ko ring pumasok sa PNPA.", I teased him.

Nagulat siya sa sinabi ko at napatayo pa.

"No.", matigas na sagot niya.

"Why not? It's kinda fun.",

Nagsimulang kumunot ang noo niya. Oh-oh!

"I said no, Ash. Hindi ka nababagay don.",

"Bakit nga?",

Nag-iwas siya ng tingin at nagpakawala ng buntong-hininga.

"Kasi m-mahirap. Ayokong mahirapan k-ka.",

Namula ang mukha niya sa sinabi kaya nag-iwas nanaman ng tingin.

"Mahirap kasi yung training. Kawawa ka hindi ka sanay.", pagpapatuloy niya.

Natawa naman ako don. Halata kasing pinagtakpan lang niya yung unang sinabi. Nako.

"Have you ever been in a relationship?", tanong ko.

Hindi siya sumagot at nagpunta sa likod ko. Nagtaka ako ngunit naramdaman ko ang paggalaw ng swing na inuupuan ko. Dinuduyan pala niya kaya nasa likod ko siya.

"Ikaw?", pagbabalik niya ng tanong.

I wonder why he did not answer my question. Pero baka isipin niya mapilit ako kaya hindi ko nalang itatanong uli.

"Wala akong experience sa love. I mean an intimate one. I never had boyfriends, even crushes. Wala talaga.",

"Why?",

"Nasabi ko na sayo diba? I don't want to lose myself.",

"How about your bestfriend?",

Si Josh? Yeah right. Narinig pala niya yung confession niya noon.

"I don't feel the same way.",

Nakaramdam ako ng lungkot nang maalala siya. Naguguilty ako. I can't love him back.

Hindi na siya nagtanong pa at idinuyan nalang ang swing. Habang ako naman, nakatingin lang sa view, napakaganda talaga. Nakakarelax.

Hindi kami nagtagal dahil kelangan kong bumalik agad sa bahay. Nasa daan na kami nang marealize ko na wala pala akong nakuhang picture doon. Napahilamos ako sa mukha. Hays! Nakakainis naman. Na amaze ako masyado, hindi ko na naisip kuhanan ng picture.

Napansin ata ni Cros na nakabusangot na ako.

"Aren't you happy?", nagtatakang tanong niya sabay sulyap sa akin saglit.

"I am.", nakangusong sagot ko.

"Masaya tapos yang nguso napakahaba na.", he chuckled.

"Eh kasi!", pagmamaktol ko na parang bata.

"What?", natatawang tanong niya.

"Wala akong picture don!", mas lalo pa akong bumusangot. Nakakainis naman.

"We can't go back so you could take a picture. It's already 4.",

"No, it's okay. Babalik nalang ako don soon.", I giggled

"Ahm, a-actually I....",

"You what?",

"I took a picture of y-you.",

Did I heard it right? Omygosh.

"Kanina sa swing, I took a picture of you with the view. I c-can send it to you.",

Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumalabas na salita mula sa bunganga ko. Well, I don't want to assume things.

"O-okay.", tanging sagot ko na lamang.

Ngumiti na lang rin siya ng tipid. Wala nang nagsalita sa amin kaya naging awkward ang moment. E kasi siya e.

Nang makauwi, sa back door kami dumaan papasok. Tawang-tawa pa kami dahil para kaming mga bata na nakipaglaro sa tanghali sa labas tapos dahan-dahan bumalik sa bahay nila. Nang nasa tapat na ako ng room ko, humarap ako sa kanya.

"Thanks for tonight.",

"Gabi pa ba?", loko-lokong tanong niya.

"Then what am I supposed to say?", kunot-noong tanong ko.

"Ahmm, midnight? Thanks for the midnight?", he chuckled. Pati pagtawa ang pogi. The way his lips form a smile, his laugh, hays!

"It's not midnight. It'a dawn!", natatawang sagot ko.

"Okay then. Thanks for the dawn, too!",

"Tang*na", sabay kaming natawa.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nang maisara ko iyon, sumandal ako don sabay hawak sa dibdib ko. Ambilis ng tibok ng puso ko. Omygod!

Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari, hindi sa ganda ng lugar kundi dahil kay Cros.

Kahit anong anggulo, hindi maipagkakailang gwapo ka. Yung tipong kapag jowa mo na siya, gusto mong ikaw na lang ang makakita. Pwede ba yun?

My phone beeped!

Binuksan ko ang message nang makita kong galing kay Cros iyon. It wss may stolen picture. Nakatalikod ako sa kanya habang nakakapit ako sa magkabilang gilid na swing at nakuha ang magandang view. Medyo madilim ang kuha pero sakto lang. Sinave ko agad at pinost sa Instagram.

'Romeo save me, I've been feeling so alone.'

Ayan ang caption. Madami agad naglike and comments, tinatanong kung saan daw iyon. Hindi na ako nagreply, hanapin nila kung gusto nila.

CrosveltRomeo: I'm coming.