webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 03

I am supposed to have a group activity this afternoon kaso may biglaang gagawin daw yung mga kasamahan ko. Weird.

Susunduin dapat ako ng driver namin bandang alas singko ng hapon dahil iyon ang sinabi ko sa kanya. Ala una palang kaya naman nag-iisip nalang ako ng pwedeng puntahan para magpalipas.

Palabas na ako ng library nang makaramdam ako ng mga pares ng mata na nakamasid sa akin. Kinilabutan ako sa isiping iyon.

Isinawalang bahala ko na lamang at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa main gate ng FU. Nag-aabang ako ng masasakyang taxi nang dalawang lalake ang lumapit papalapit sa direksyon ko. Mukha silang buttler at may mga tattooes. Nagsimula akong kabahan nang nakatingin ang mga ito sa akin, hindi makagalaw ang mga paa ko sa takot at kabang nararamdaman ko.

Nagpalinga-linga ako para tingnan kung may mga tao ba na pwede kong hingan ng tulong ngunit wala ni isa. Papalapit na sila nang papalapit. Inilabas ko ang phone ko at idinial ang pangalan ni Josh. Shit, answer the phone!

Halos mapamura ako nang isang metro na lamang ang layo nila sa akin. Napaatras na lamang ako sa pangamba na baka saktan nila ako. Paatras ako ng paatras haggang sa naramdaman ko ang malamig na wall sa likuran ko. This is the end for me.

Naglabas ang isa ng maliit na kutsilyo, sapat para saksakin ako.

Isang tunog ang nakapagpatigil sa dalawa, sirena ng mga pulis. Nagkatinginan pa muna ang dalawa bago tumakbo. Muntik na ako don.

Tumigil ng police car sa harap ko at lumabas ako dalawang nakaupo aa backseat para sundan yung dalawang nagtangka sa buhay ko. At ang huling bumaba ay ang nasa driver's seat.

Napalingon ito sa akin at halos mapanganga ako sa nakikita ko. Makapala ng kilay niya, matangos ang ilog, namumulang labi, matangkad siya at maganda ang pangangatawan. Ang buhok niya ay nasa ayos at nakaclean cut. He looks fresh?

Suot niya ang uniporme ng mga pulis at sa gilid nito sa bansang dibdib, nakita ko ang apelyedo niya.

'DELAVEDA'

That surname is familiar. San ko ba narinig yon?

"Miss?",

Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya habang iniisip kung saa ko narinig ang pangalan niya.

"Miss?", Pag-uulit niya.

"What?", masungit na tanong ko.

"Kelangan mong pumunta sa prisinto para magbigay ng testimonya mo.", pagpapaliwanag nito sa akin.

Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad palayo. Pinanood ko lamang siya hanggang makalapit sa police car nila.

Susunod ba ako? Wala naman siyang sinabi a. Lumingon ito sa akin nang nakakunot ang noo at nakatingin ng masama sa akin. Moody masyado!

Tumaas ang kilay ko nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at tinitingnan lamang ako ng mariin.

"Hindi ba't sabi ko sasama ka sa prisinto?", may tatlong metro ang pagitan namin kaya kelangan niyang lakasan ng konti ang boses niya.

"Wala ka namang sinabi na sasakay ako jan. At isa pa, dalawa yung kasama mo tapos dalawa pa yung mahuhuli. Edi wala na akong space jan.", pagpapaliwanag ko.

Narinig kong napamura ito at napailing. Mukhang napipikon sa akin.

"Ngayon lang ako nakakita ng police na mabilis mapikon at mawalan ng pasensya.", sinadya kong iparinig sa kanya.

"Ngayon lang rin ako nakakita ng babaeng tatanga-tanga at mahina makagets.",

Tatanga-tanga? Aba'y anong klaseng pulis 'to.

"Hoy mamang pulis! Hindi ka ba tinuruang rumespeto ng babae?", wala na akong pakealam kung may makarinig sa amin, nakakainis siya. Nakakainis!

Magsasalita pa sana siya ngunit dumating na ang dalawang kasamahan niya kasama ang dalawang nagtangka sa buhay ko.

"Sir, eto na po.", saad ng isa.

Pinasok na ang dalawa sa backseat kasama ang isang pulis, sa shotgun seat naman ay ang isa pa. Oh kung sasakay pa ako jan san ako uupo? Papakandong ako?

Lumingon siya sa akin nang marealize na wala nga pala talaga akong uupuan. see? Sinong mahina ang utak satin?

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga saka bumulong sa isa pang kasamahan niya. Lumingon siya sa akin at sumenyas na sundan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit pero tila ba kusang gumalaw ang mga paa ko para sumunod sa kanya. Ginayuma ba ako nito? Nauna siya sa akin kaya naman nakikita ko ang kabuoan ng likuran niya. Maskulado, ilang beses kaya siya mag gym sa isang linggo?

Lumiko ito sa bandang kanto malapit sa school. Wait papunta 'to sa parking lot ah. Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa pagsunod sa kanya hanggang sa huminto siya sa isang Tesla. Nagulat ako dahil bago pa lamang ang ganoong sasakyan. Yamann!

Nakatitig lamang ako sa harap nito nang dalawang metro ang layo sa pagkamangha at hindi namalayang nakasakay na siya sa driver seat. Pinaandar niya ito at mukhang babanggain ako kaya napatili ako at umupo na lamang dahil hindi alam ang gagawin.

"SASAKAY KA BA O KAKALADKARIN PA KITA?", sigaw niya nang makababa sa sasakyan niya.

Nagulat ako sa sigaw niya kaya napatayo ako at sumakay sa backseat.

"Hindi mo ako DRIVER, Miss",

Kaya naman lumabas ako at pumasok sa may shotgun seat. Stress ako netong pulis na 'to. Kung hindi ka lang pogi. Tiningnan ko siya ng masama sabay irap nang makasakay ako. May araw ka rin.