webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 02

"Uhm, what if makita ni Charles na kasama ni Rose si Vron?",

Kasalukuyan kong kinakausap ang sarili ko habang iniisip ang susunod na mangyayari sa bagong kabanata ng kwentong isinusulat ko. It is entitled 'Not in a Fairytale'. Kwento ito ng magjowang si Charles at Rose na kung saan hindi tanggap ng pamilya si Rose si Charles dahil ang lola nito ang pumatay sa kamag-anak ni Rose.

"What if may magsabi kay Ro--",

"What if gusto kita?", napatingin ako sa lalakeng umupo sa tabi ko.

Andito ako ng garden ng bahay namin kaya wala akong inaasahang maggugulo sa akin dahil Saturday ngayon.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Naka long sleeves ito na kulay navy blue na naka tuck in at ripped jeans. Nakataas ang buhok nito at nasa ayos.

"I'm Josh. Josh Silerio.", nakangiti ito sa akin.

"I don't care.", saad ko at ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. He's my childhood bestfriend.

Nantri-trip nanaman. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya, gusto ko siyang yakapin at sakalin hanggang sa gustuhin ko. Nakakabanas hindi man lang nagparamdam nung naaa America siya. Tangina niya.

"Ay grabe siya. Di moko miss?", sabay kiliti sa tagiliran ko. Agad akong napatili sa ginawa niya. He really knows how to annoy me and at the same time, how to get my attention.

"Ano ba! Ano nanamang kelangan mo? Nandon sa kusina ang mga pagkain, wag mong hanapin sa akin.", pagsusungit ko sa kanya.

It was a couple of months ago mula nang umalis sila at akala ko ay magtatagal sila doon. Like me, Engineering din ang kinuha niyang kurso. Gaya-gaya! Magkababata kami kaya naman magkasundong-magkasundo kami. Kaso minsan talaga, nakakapikon kaya nasasapak ko e.

"Hindi naman pagkain ang hanap ko e.", nakanguso niyang sagot sa akin. Hindi na tuloy ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Etong hinayupak kasi e.

"E ano nanaman? Nanggugulo ka nanaman kita mong may ginagawa ako.", suway ko sa kaniya. Mas lalo lang siyang napanguso.

"Galit ka ba?", tanong nito kaya napatigil ako sa ginagawa.

Hindi ko na lang siya pinansin pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, siguro ay namimiss ko lamang siya kaya ganon. Hindi siya bumitaw sa pagkakatitig sa akin at ganun din ako. Hanggang sa unti-unti niyang inilapit ang mukha ko kaya napaiwas ako. Tarantado.

Tumawa siya habang nakahawak sa tyan. Sayang-saya ang loko.

"You... should have... seen your face.", saad niya at halos di na matapos ang sasabihin dahil sa kakatawa.

Nakakahiya. Siguro'y pulang pula ako kanina.

"Hey stop!", suway ko sa kanya dahil napipikon na ako. Tiningnan ko siya na masama para malaman niyang nagsisimula na akong mainis sa kanya.

"Hey I was just kidding", sabay taas ng dalawang kamay niya para sumuko at kagat sa ibabang labi niya na tila na pinipigilan ang sarili ng matawa. Hayp na 'to.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo. Bahala ka jan. Nagsimula na akong maglakad nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

"So, kamusta kayo ni Lieutenant?", mapag-asar na tanong nito.

"Uunahin mo pa iyong kamustahin kesa akin?", pagtanong ko pabalik.

"Sagutin mo nalang kasi!", tila napipikon na saad niya.

"Hindi ko iyon kilala okay? At ayoko sa pulis. Babaero sila. Tsaka I never even met him.",

Bakit ba kasi nila pinagpipilitan sa akin iyong taong yun. Hindi ko nga iyon kilala.

Pumasok ako sa kwarto ko at inilapag ang mga gamit ko doon. Sumunod siya sa akin at humiga sa kama ko. Kahit kelan talaga feel at home etong lokong to.

"Hoy madudumihan yang kama ko.", pagsuway ko sa kanya.

"Hindi naman ako madumi a.", sabay tingin sa damit niya kung madungis ba ito saka ibinalik ang tingin sa akin.

"Yang ugali mo, madumi.",

"Ang ugali masama, hindi madumi. Takte.", natatawa niyang pambabara sa sinabi ko.

"Ganun na din iyon. Pareho lang.", pagdedepensa ko sa sinabi ko. Parang tama naman iyon a. Madumi ang ugali.