webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 01

GWYNETTE'S POV

Naglalakad ako ngayon papasok sa eskwelahan habang iniisip ang magandang concept para sa story na gagawin ko mamaya. I'm a writer. At Rom-com ang genre ng mga stories ko. Wala akong experience pagdating sa love pero dahil sa mga nababasa ko nagkakaron ako ng ideas na ina apply ko sa mga stories ko. Masaya maging writer kaso minsan may mga bashers pero hindi naman ito maiiwas--

"AY KAMOTE!",

Napalingon sa akin ang may nakakasalubong ko sa hallway ng paaralan dahil sa pagsigaw ko. Masama kong tiningnan ang gumulat sa akin.

"Ano ba!", singhal ko sa kanya saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Eto naman ang aga-aga nagsusungit. Ganda ka 'te?",

Si Keanna, matalik kong kaibigan mula sa pagkabata.

"So maganda lang pwede magsungit sa umaga ganun?", pambabara ko sa kanya.

"Tss! Anong drama yan ha? Gutom lang yan tara muna sa Cafeteria, wala naman si Prof e.",

Wala na akong nagawa nang mahila niya ako papunta sa Cafeteria. Malaki ang kabuoan ng eskwelahan namin, may malawak na field, buildings ng different departments, auditorium, library, etc. No wonder kung bakit halos dito pinapasok ng mga mayayaman yung mga anak nila. Kumpleto kasi sa facilities at hindi siksikan sa classroom.

"Anong sayo?", tanong niya nang makarating kami.

"Kung ano sayo.",

Hindi naman na siya nagreklamo. Mabuti na iyon dahil nakakarindi yung boses niya, isama mo pa yung hindi magandang gising ko.

Nilibot ko ang tingin ko habang hinihintay siya. Maraming magkakaibigan sa isang table na nagbabangayan, sa ibang table naman may magjowa. Tsk! Walang poreber!

Napatingin na lamang ako sa mesa nang ilapag ni Keanna ang pagkain. Fried Rice with bacon and egg tsaka orange juice. Ayos na din 'to. Masyado bang sosyal?

"156 yan a.", napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya.

"Papabayad mo pa 'to?", sabay taas ng kilay.

"Aba'y wala nang libre libre ngayon no. Tsaka madami naman kayong pera.",

"E kung ikaw kaya singilin ko sa mga kinakain mo sa bahay araw-araw.",

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Ano ka ngayon?

"Tsk oo na. Nagbibiro lang e.",

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin. Biro daw. Tss.

Mabilis na lumipas ang oras, apat na subject lang ang nasa schedule ko maghapon kaya naman maaga akong umuwi.

Ang bahay namin ay nasa isang subdivision na may kalayuan sa eskwelahan na pinapasukan ko. Kaya hassle kapag late akong umuuwi dahil sa traffic even though hindi ako nagco-commute dahil may private car naman ako.

Oh well, hindi naman talaga ako hard-headed. Uhm, minsan lang kapag desperada akong makuha ang isang bagay. Gagawin ko talaga lahat ng makakaya ko para makiha iyon. Lumaki akong spoild brat, I guess.

"I'm home!", sigaw ko nang makapasok sa loob ng bahay. Mukhang hindi pa nakakauwi sina Mama. I took a glanced at my wrist watch. It's still 3:47 pm.

*sigh*

Pumihit na ako papuntang second floor. Hindi ko alam pero parang gusto kong magpahinga ng maaga. I took a shower pagtapos kong kumain. Tinamad akong bumaba kaya naman nagpakuha nalang ako kay Yaya Karing.

Pagkatapos, isinalampak ko ang sarili ko sa kama ko at tumitig sa kisame. Gusto ko lang magpahinga hanggang sa nabored ako at nagscroll scroll lang sa social media sites.

Mukhang trending yung kanta ni Kim Chui a. Hindi ko na ito masyadong binigyan ng pansin dahil mas gusto kong pakinggan ang mga classic musics gaya nung mg 90's.

Ganoon ang nangyari nang mga sumunod na araw. Papasok sa eskwelahan, uuwi ng maaga depende sa schedule, kakain, magpapahinga, matutulog. Repeat!

"Ash! Bangon na jan! Alaa nuebe na! Anong oras kaba natulog kagabi ha?", sigaw ni Yaya Karing sa labas ng kwarto ko.

Inis kong itinalukbong ang kumot sa mukha ko. Gusto ko pangmatulog.

"Ash! Malalate ka na.",

Doon nagising ang diwa ko, ni minsan hindi ako nag cut sa klase. Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa mini-orasan na nakapatong sa side table ng kama ko.

7:23 pm.

9 naman ang klase ko ngayon kaya lang panigurado matatagalan ako sa daan dahil sa traffic. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Nang makababa ako sa kitchen, ay nadatnan ko don si Mama na naghahanda ng meryenda niya dahil mas magastos daw kung bibili pa siya sa eskwelahan na tinuturuan niya tsaka hassle daw iyon.

"Late kang nagising ngayon a", saad niya sabay balot ng mga sandwiches.

"Opo, may ginawang papers lang kagabi.",

"Kung nahihirapan ka, you can ask your Dad. He can help you. Napagdaanan na din niya iyan.",

Hindi na ako sumagot dahil pakiramdam ko wala silang tiwala na kaya ko itong mag-isa. Nawalan ako ng gana kaya naman nagpaalam na lamang akong umalis.

*sigh*