webnovel

A Heart Of Stone

A girl with a heart of stone.

istoryanialili · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Two

Best Kiss

Nang mag balik eskwela ay tinanggal na ni daddy ang mga bodyguards ko. Si Mang Rene na lamang ang lagi kong kasama. Though, I know. May mga guards na nakasunod sa paligid ko ng palihim. I'm not dumb. Kilala ko si daddy at si kuya.

Hindi na din naman ako nakapag party after ng party ni Lara. Kahit gustuhin ko man ay wala akong time dahil nauubos ang oras ko sa school at sa pag rereview dahil nitong weekend lamang ay kumuha ako ng online exam para sa isang prestigious fashion design school sa Paris. Why not try, right? Let's try my luck!

Dalawang buwan na din ang lumipas after ng party ni Lara ay araw araw siyang hinahatid at sinusundo ni Haze. Lagi ding nagkukwento si Lara tungkol sa kay Haze na wala raw ginawa kundi mag suplado sa kaniya. Cold daw treatment nito sa kaniya.

"Tash! Tara sainyo? Sleepover ako! It's friday.." ani Lara isang araw.

Katatapos lang ng midterms namin. Kaya siguro naisipan nitong mag sleepover.

"Sure! What do you want to do? Movie marathon? Spa? Mani pedi?"

Agad nag twinkle ang mga mata ni Lara sa mga sinabi ko.

"I want to do all of 'em!" excited niyang sagot kaya tumango ako at kinuha na ang phone ko para makatawag sa bahay.

"I'm going to text Haze para hindi na siya pumunta dito."

Ganoon nga ang ginawa niya at ako naman ay kinausap ang isa sa mga katulong namin sa gusto naming mangyari ni Lara.

"Inform Tita Ramona that you'll be sleeping over.."

Ginawa naman niya ang sinabi ko kaya nang okay na ay nagyaya siyang mag punta muna ng mall dahil doon na kami mag-spa at mani and pedi.

"Kailan ba ulit tayo magpaparty?" ani Lara na nasa tabi ko at minamasahe ang likod ng masahista ganoon din ako.

"I don't know. Halos araw araw akong wina-warn ni dad na huwag muna. Ayoko na ulit ng may mga guards na nakaaligid sa akin kaya lie-low muna.."

Pagkatapos mag pamasahe ay nagpa mani and pedi naman kami. Si Mang Rene ay hindi ko alam kung nasaan dahil kanina bago kami magpa-spa ay sinabihan ko siyang mag gala gala muna. Napilit ko din naman agad dahil hesitant pa nung una. Akala yata tatakas ako.

"Yes, kuya. We're done. We're on our way home.."

Palabas na kami ng mall nang tumawag si kuya.

"Alright. Take care." aniya saka pinutol ang tawag.

Everyday tumatawag si kuya to check on me. Nung una naiinis ako pero nasanay na ako. Tss. Para naman akong bata sa ginagawa niya pero hayaan na.

Nang makarating kami sa bahay nag dinner muna kami kasama si Lara. Napuno lang ang hapag ng mga usapan tungkol sa pag aaral namin ni Lara. After non ay inubos lamang namin ang oras namin sa panunuod ng movies sa aming sala.

"Are you girls sure you're going to sleep here?" ani daddy nang silipin kami sa living room bago sila umakyat ni mommy sa kanilang kwarto.

"Yes, Tito!" masayang sagot ni Lara kay daddy.

Ngumiti si daddy at saka tumango. Lumapit muna siya sa akin at hinalikan ako sa aking ulo bago pumanhik pataas.

"Hindi ko minsan ma-gets ang trip mo."

Tinignan ako ni Lara at nagkibit balikat na lamang. Bigla na lang kasi niya naisip na dito kami matulog sa sala kaya eto. May nilatag na makapal na comforter ang katulong dito sa aming sala.

"We never tried this way back! Kaya naisip ko.." aniya at tumawa.

Sabagay..

Hindi ko na alam kung anong oras na kami nakatulog. Basta alam ko kaka kwento niya tungkol sa kainisan niya kay Haze ay inabot kami ng madaling araw. Ako nga yata ang unang nakatulog e.

"Tash! Wake up! Oh my gosh.."

Niyuyogyog na ako ni Lara at pinipilit magising. Naririnig ko na siya pero hindi ko lang talaga madilat pa ang mata ko.

"Ugh! Lara! I'm still sleepy.." tamad kong sagot sa kaniya ng matigil na siya.

But the bitch didn't! Ugh!

"Uh, Tash! May bisita kayo! Bumangon ka na!"

Pinipilit niya akong bumangon pero nanatili akong nakadapa at nagtalukbong na lamang ng unan.

"I don't care! I'm sleepy!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa tabi ko. Better. Inaantok pa ako e. Anong oras na ba? At sino naman iyong bisita namin? Kainis!

"U-uh.. hi Dimitry.. sorry ah! Umaga na kasi kami nakatulog nitong si Atasha.."

Dimitry? What? Agad akong umupo at tinignan kung sino itong kausap ni Lara.

"It's okay, sorry at mukhang nagising ko pa yata kayo."

Tinignan ko ang lalaking ito na nakahilig sa pader at nakatingin sa akin.

"Tash! Buti naman gumising ka na!" ani Lara na hindi ko pinansin.

Tinignan ko ng masama ang manyak na ito na nasa harap ko. "What are you doing here?"

Tinaasan niya ako ng kilay at ganoon din ako. Palipat lipat naman ang tingin sa amin ni Lara.

"Perverts aren't allowed to enter our house!"

Tumayo na ako at humalukipkip sa harapan niya. Ganoon din si Lara na takang taka lamang sa inaasal ko. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako. "Hey, Tash.. what's your problem?"

Hindi ko pinansin ang bulong ni Lara. Nakatingin lang ako sa manyak na ito na nasa harapan ko habang nakangisi akong tinitignan. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko sabay iling. Tinignan ko rin ang sarili ko at ngayon ko lang napagtantong ang suot ko ay isang malaking puting t-shirt at black na cycling shorts. Aakalain mong wala akong salawal dahil sa laki ng shirt.

"Pervert!" sigaw ko sa kaniya saka siya binato ng unan na nasalo naman niya agad.

"Tash!" saway ni Lara sakin pero hindi ko na pinansin at dire-diretsong umalis doon para umakyat sa kwarto ko.

"Tash! Wait!" ani Lara na kasunod ko na din.

Nakasalubong ko naman si kuya na pababa naman ngayon.

"Good morning, Lara.. Tashy.. oh? ang aga aga ganiyan ang mukha mo?" ani kuya ng mapansing sambakol ang mukha ko.

Mukhang good mood siya ngayong umaga ah? Pwes ako? Hindi! Hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lamang siya at pumasok na sa kwarto ko.

"Hey, anong problema mo kay.. Dimitry?"

Sinamaan ko ng tingin si Lara. Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"I don't wanna hear that annoying name!"

Kunot ang noo ni Lara habang nakatitig sa akin. "Siya iyong nagtapon ng alak sa gown ko noong party mo!"

Naalala ko nanaman tuloy iyong gabing iyon. Kainis! Imbis na nagsaya ako doon sa party eh napauwi agad ako. Dahil sa kaniya!

"Baka naman hindi niya sinasadya.." ani Lara at naupo sa aking kama.

Ako ay nakatayo at nakahalukipkip na tinitignan siya. "I don't think so! Minanyak niya ako!"

Nanlaki ang mata niya at biglang napasigaw, "What?"

Umirap na lang ako sa hangin at kinuha ang tuwalya.

"Wala naman sa mukha niya na magagawa niya 'yon, Tash.. baka hindi lang sinasadya!"

Bago ako pumasok ang banyo ay sinamaan ko siya ng tingin. "Seriously? You're going to defend that pervert? Tss.."

Umiling naman siya at nag peace sign sa akin. Inirapan ko siya at pumasok na ng tuluyan sa banyo.

"Tash! Sa guest room na lang ako liligo. Hurry up! Ala una na pala. Gutom na ako!"

Hindi ko siya sinagot at nag patuloy sa pagsho-shower. Ala una na? Siguro kung hindi lang ako ginising ni Lara ay mamaya pa ako gigising. Kung hindi dahil sa manyak na iyon natutulog pa sana ako! Siya nanaman ang dahilan! Una, sinira ang gabi ko. Ngayon, sinira naman ang tulog ko! Kainis!

"Tash! Hindi ka pa rin tapos? Mauuna na ako ha? Hindi na kita masasabayang mag lunch. Pinapasundo na kasi ako ni Haze!"

Pinatay ko ang shower bago sumagot. "Alright! Take care!"

Narinig kong nag sara ang pinto ng kwarto kaya baka nakalabas na si Lara. Nag punas na ako ng katawan ko at lumabas ng naka bathrobe lang. Pumasok ako sa aking walk in closet at nag bihis.

"Miss Atasha, ready na po ang pagkain ninyo."

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin ang isa sa aming katulong na ka-edad ko lang yata. Tumango ako sa kaniya saka lumabas na ng tuluyan sa aking kwarto nang hindi pa rin tinatanggal ang tuwalyang nakapulupot sa ulo.

Pagbaba ko ay wala ng tao kundi ang mga katulong. Mabuti at wala na iyong damuhong iyon! Panira lang ng araw!

"Where's kuya?" tanong ko doon sa katulong naming ka-edad ko.

"Si Sir Andres po?" tanong niya habang nilalagyan ng tubig ang basong nasa tabi ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "May iba pa ba akong kuya dito? Tingin mo?"

Kainis! May iba pa bang kuya sa pamamahay na ito?

"Ah, sorry po. Nag basketball po kasama ang mga kaibigan niya."

Inirapan ko siya matapos niyang sagutin ang tanong ko. Umalis na rin agad siya sa tabi ko at pumunta ng kusina. Mabuti naman kasi nakakairita siya!

Pagkatapos kong kumain ay inantay kong mag alas kuwatro kung saan hindi na masyadong mainit ang sinag ng araw dahil gusto kong mag swimming.

"Dadalhan ko po ba kayo ng meryenda?" tanong ng ka-edad kong katulong namin.

"Malamang." malamig kong sagot sa kaniya bago ako mag dive sa pool at lumangoy.

Ang pangit ng gising ko ngayon kaya huwag na niyang dagdagan ang inis ko.

Halos dalawang oras yata akong lumangoy bago ko napag pasyahang umahon na dahil ginugutom ako. Umupo ako sa sun lounger at uminom ng juice na nakalagay sa lamesa sa tabi nito.

"Atasha! Mag banlaw ka na agad! You'll get sick!" sigaw ni kuya mula sa terrace ng kaniyang kuwarto.

Tiningala ko siya at mukhang katatapos niya lang maligo. Hindi ko namalayang nakauwi na siya.

"Yeah!"

Kinuha ko ang tuwalya sa gilid ko at nagpunas ng katawan bago magsuot ng bath robe at pumasok na sa loob ng bahay.

"Oh, nag swimming ka?"

Kasunod ko na pala sina mommy at daddy. Nag beso muna ako sa kanila bago sumagot.

"Yes, mom."

"Mag banlaw ka na. You'll get sick. Bumaba ka na rin agad para sa dinner." ani daddy sa akin kaya umakyat na ako sa aking kwarto para makapag banlaw na.

Pagka banlaw ko ay bumaba na rin ako para sumabay sa dinner. Habang papaupo ako ay mukhang pinapagalitan si kuya.

"Where did you get that? Andres?" mataray ngunit malumanay pa rin na tanong ni mommy kay kuya.

Bumaling ako kay kuya at nakita ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.

"It's nothing, mom. Umawat lang ako kanina. Unfortunately, natamaan ako ni Haze."

Nakatingin si mommy at daddy sa kaniya at ako ay nakatingin din kay kuya at tinaasan siya ng kilay. Haze?

"Haze? Why? Sinong kaaway niya?" tanong ni daddy na sa pagkain na niya ngayon nakabaling.

Si mommy ay nakatingin pa rin kay kuya at nag aantay ng sagot.

"Dimitry. We're in the middle of the game nang bigla silang nag suntukan."

Napairap ako ng marinig ang pangalan ng damuhong manyakis! At ano namang pinag awayan nila ni Haze? Kaya siguro narito iyon kanina kasi may game sila nila kuya. Wait? He's friends with kuya?

"Baka masyado lang intense ang game niyo kanina.." ani daddy at sumulyap kay kuya na umiling naman.

"We were on the same team, dad. I don't think it's about the game. I don't know the exact reason but I have a guess.."

Tumingin bigla si kuya sa akin at tinaasan ako ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. What?

"Maybe girls.." nagkibit balikat siya at binalik ang tingin sa kaniyang pagkain.

Tumawa naman si dad sa sinabi ni kuya.

"Mga kabataan talaga.." iiling iling si daddy habang nakangisi.

Kumunot ang noo ko at tinignan si kuya na busy sa pagkain. Girls? Sinasabi ko na nga ba e! That Haze is a jerk! Paano na si Lara kapag kinasal sila sa future? Kawawa naman 'yon kung babaero ang magiging asawa niya!

"Hindi ba't engaged na si Haze kay Lara?" singit ni mommy na mukhang nagtataka rin. "Well, I get that pinag kasundo lang sila pero kawawa naman si Lara.."

Exactly! Parehas talaga kami mag isip ni mommy! Sa kaniya yata talaga ako nag mana.

"Maybe Haze is just exploring, hun. Alam mo na? Ine-enjoy ang pagkabata.. mare-realize niya din na si Lara ang para sa kaniya.."

Tss. Mag kaibigan talaga sila ni Tito Lorenzo. Parehas sila ni dad mag isip! Talagang agree si daddy sa arrangement na iyon, ano? God! Kapag sa akin ginawa ni daddy iyon? Maglalayas talaga ako!

"Lara won't mind. She hates Haze so much.." wala sa sarili kong singit sa kanilang usapan.

Umiling naman si mommy sa tabi ko.

"I'm really against arranged marriages. I tried to stop Ramona but knowing Lorenzo's condition right now? Hindi ko na lamang pinilit pa.." ani mommy na umiiling pa rin.

I care for Tito Lorenzo but I care for Lara more.

"I understand Lorenzo for doing this. Anyway, I know, matututunan din ng dalawa na mahalin ang isa't isa. Lara is a nice girl. Tingin ko nama'y magugustuhan siya ni Haze.." ani daddy

"I don't think so, dad. You can't just force your heart to love someone.."

Ugh! Bakit ba hindi makapag pigil ang bibig ko ngayon? Now, all their eyes are on me! Good job, Atasha. The spotlight is now yours. Tss. Note the sarcasm..

"Look who's talking.. what do you know about love, young lady?"

Tinaasan ako ng kilay ni kuya kaya naman inirapan ko lamang siya.

"Yeah right! I don't know much about love. Kaya nga hindi naman iyon natututunan. Kung sana it can be taught edi sana matagal ko ng na-master ang love? Kuya?"

Umiling lamang si kuya at bumaling sa kay daddy na tumikhim at nakatingin sa akin.

"Do you already have a boyfriend?" tanong ni daddy at mataman akong tinitigan.

Agad akong umiling at isang disgusted face ang pinakita sa kaniya.

"Are you kidding me, dad? I don't have time for that.."

Uminom ako ng tubig dahil para akong masusuka sa isiping may boyfriend ako. Bumaling ako kay mommy na naka kunot ang noo sa akin.

"What? Why, Tash? You should date!"

Ngumiwi ako sa sinabi ni mommy. Tumango naman si daddy. Seriously? Sila pa talaga ang magpu-push sa aking makipag date?

"Mom, she's just nineteen!" reklamo ni kuya kaya siya naman ang binalingan nina mommy at daddy.

Kunot ang noo ni mommy habang si daddy ay naka ngisi lamang.

"Masyado mo yatang binabakuran ang kapatid mo kaya walang nagiging boyfriend e!" ani mommy kay kuya na lalong nangunot ang noo.

"Why not, mom? And besides, sakit lang dulot niyan sa mga lalaki."

Tinignan ako ni kuya at tinaasan ng kulay. What? What does he mean?

"What do you mean, Andres?" seryosong tanong ni daddy.

God! Bakit lovelife ko ang topic namin? Great, just great! Bakit pa kasi ako nag salita!

"She considers them as her toys."

Aapila na sana ako ng tignan niya ako ng masama. What the hell? Sasabihin niya talaga kay daddy iyon? And anong toys?

"Atasha.. is that true?" tanong ni mommy sa akin kaya agad akong sumagot.

"That's not true! Kuya's lying! Why would I treat them as my toys? What do you think of me? Play girl?"

I can't believe kuya! Sarap supalpalin ng bibig!

"Do you want me to give you a list? Listahan ng mga lalaking sinaktan mo?"

Seriously? Kainis! As if nasasaktan ang ma lalaki? Sila nga 'tong mahilig manakit. They're all pro!

"Kuya, sila ang lumalapit sa akin at hindi ako. Hindi ko sila pinipilit or what!"

"But you're taking advantage of their feelings, Tash. One time may nag sabi sa akin na may nag suntukan dahil sa 'yo. Mayroong magkaibigan na nag away dahil sa 'yo. At marami pang iba!"

Inirapan ko siya at nanahimik. Totoong may mga nag aaway dahil sa akin. But the hell I care? Hindi ko sila inutusang mag away. Hindi ako nag take advantage sa kanila and that's the truth!

"Enough.." ani daddy habang tumatawa. "Andres, you should be grateful that your sister is not like most girls nowadays.. she knows how to handle men.."

Ugh! I just want to end this conversation! Bakit ba kasi napunta dito?

Hindi maka paniwala si kuya sa sinasabi ni daddy ngayon. Binelatan ko lang siya dahil alam ko ngayon ako ang panalo.

"It's good that you're not like most girls na mabilis maloko, Tash. But, know that you shouldn't hurt anyone's feelings. Okay?"

Now it's my kuya's turn to stick his tongue out to me. Annoying! Inirapan ko nalang siya at saka tumango sa pangaral ni mommy.

"She's still off limits habang nandito ako." ani kuya at saka nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

Tinapik lang ni daddy si kuya habang natatawa pa rin. Si mommy naman ay napailing na lang. Ako? Gusto ko na lang matapos itong pagkain ko para maka akyat na ako.

*

"It's Valentine's day! Don't you have a date?" tanong ni Lara sa akin sabay siko sa aking tagiliran pero sinimangutan ko lang siya.

"Why? You have a date?"

Bigla siyang namula at tinarayan ako. "W-wala!"

Ngayon ako naman ang sumiko sa kaniya. Sinong kayang ka-date nito? Huwag sanang yung fiancé niyang gago.

"You're not a good liar, Lara."

Inirapan niya ako at naunang mag lakad. May feb fair ngayon sa school. It's a three day celebration. May mga iba't ibang booths and food stalls. Ngayon ang first day at katatapos lang ng opening ceremony. Mga juniors and seniors lang ang naatasang mag tayo ng booths like wedding booth, horror booth, jail booth and many more corny things.

"Let's try this one, Tash!"

Itinuro niya ang isang booth na may mga balloons na kailangang putukin gamit ang dart at ang price ay stuff toys.

Lumapit kami doon pero siya lang ang naglalaro. Pero puro sablay. Duling ba siya? Nakailang try pa siya at sa pang anim ay saka lang siya nakaputok ng lobo. Isang flamingo na stuff toy ang nakuha niya.

"Try it! It's fun!"

Tumango ako at nag bayad sa bantay ng booth. Kukunin ko na sana ang dart ng may nauna sa akin. "I'll do it for you, Atasha.."

Tinignan ko ang lalaking senior na ito. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hinayaan sa gusto niya. But he failed. Hindi niya naputok ang inaasinta niyang lobo.

"Try and try until you succeed, right?" aniya at bumaling sa akin. "I'll try again, isa pa!"

Tinaasan ko lamang siya ng kilay. And he failed again for the second try. Masyadong pasikat. Tss.

"Move."

Kinuha ko ang dart na hawak niya.

"I'll get the big bear for you. You know, I'm just nervous when you're around.." malambing niyang saad pero hindi ko pinansin.

Inasinta ko ang balloon kung saan ang prize ay ang pinaka malaking bear.

"Woah! Ang galing mo, Tash!"

Naputok ko ang balloon with no fucking sweat. Tinignan ko ang lalaking gulat pa rin sa nangyari. Kinuha ko ang bear at saka tinapik siya sa kaniyang balikat.

"What a shame.. hindi ka magaling umasinta? Tsk tsk.."

And with that ay nilagpasan ko siya. Sumunod naman si Lara sa akin na tawa ng tawa.

"Masyado mo sigurong na-hurt iyong ego non!"

Ngumisi ako. "I know right. Masyadong pasikat e."

"But you're so good, huh! Magaling ka nga pala sa archery! That's your favorite sport!" ani Lara habang tawa pa rin ng tawa.

Tinignan ko ang bear na hawak ko at saka binigay kay Lara.

"Akin na lang? Ayaw mo?"

Tinanggap niya ito at niyakap. "Yeah."

Dumiretso kami ng locker room dahil iiwan muna raw ni Lara ang bear na hawak niya doon pati na rin iyong flamingo.

"Hindi naman kasya ang bear diyan sa locker mo!"

Inirapan ko siya sa ka-engotan niya. Ngayon niya lang din na-realize kaya nag-decide siyang iwan na lamang muna sa guard house at ihabilin sa guard bago kami bumalik sa pwesto ng mga booths.

"Hi, Atasha.." bati ng isa sa mga ka-batch namin.

Nginiwian ko lamang siya saka nilagpasan. Narinig ko namang binati siya ni Lara.

"Hi, Aron! Gutom na kasi si Tash.. sorry ah? Una na kami."

Dire-diretso ang punta ko sa isang stall. Kasunod ko naman sa likod ko si Lara.

"Tash, wait for me!"

Luminga ako at nang may makita akong upuan na bakante ay umupo na ako. Ganoon din ang ginawa ni Lara.

"Ang suplada mo talaga! Paano ka magkakaroon ng date niyan?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "I don't need a date to celebrate valentine's day."

Ngumuso si Lara at saka binaling ang tingin sa stall na nagtitinda ng iba't ibang healthy drinks. "What's yours?"

"Four seasons, please.."

Hindi rin kami nag tagal sa stall na iyon. Pagka order namin ay umalis na kami agad dahil sinundo siya ni Haze. May date daw sila. Kaya naman ako ako ay nag pasundo na lang kay Mang Rene para makauwi na. Tss. Date? Sila ni Haze? Mamaya iiyak nanaman itong si Lara kasi masisira lang date nila sa kagaguhan ni Haze.

Pagdating ko sa bahay ay may mga nakaparadang sasakyan sa aming garahe. Mukhang may mga bisita.

"Tashy! You're early.." ani kuya sabay tingin sa kaniyang mamahaling wristwatch.

Tinignan ko ang living room na puro mga kaibigan ni kuya na lalaki at iilang babae. Hindi na ako dumaan pa doon dahil baka may makita lang akong damuhong manyakis ay masira lang ang araw ko.

"Dating place ba ang bahay natin?"

Tanong ko sa kaniya kaya naman tinaasan niya ako ng kilay.

"Nagkayayaan lang kami. They brought their dates. Mamaya din ay aalis kami para mag bar."

"Well, whatever."

Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa aking kwarto. I'm going to have a beauty rest!

Nagising lamang ako ng bigla akong uhawin at gutumin. Kaya bumaba ako para makakuha ng pagkain at inumin. Inaayos ko ang ponytail ko nang marinig ko ang ingay galing sa aming dining room. Nang nakapasok na ako ay agad silang natahimik. Nandito pala sila kuya..

"Oh, walang date?"

Alam kong iyong damuhong manyakis ang nag tanong kaya sinikap kong hindi lumingon at sumagot. Pumasok ako ng aming kitchen at binuksan ko ang double doors na ref namin at kumuha ng yogurt at bottled water.

"Mas okay na walang date yan ngayon.." ani kuya na nakahilig sa hamba ng pintuan ng kusina.

"Can you move? Tss.." mataray kong saad kay kuya na tinaasan muna ako ng kilay bago siya tumabi.

Inirapan ko lamang siya at dinaan na ng harangin ako nitong katulong naming ka-edad ko.

"Miss Atasha,"

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?"

May inabot siyang white envelope na may pangalan ko. "Letter para po yata sa inyo.."

"Obviously, sakin 'to. See my name?" mataray kong sambit sa kaniya saka tinuro ang pangalan ko sa sobre.

Tumungo naman siya at nag sorry bago ay umalis na din sa harap ko. Nakita ko naman agad ang mukha ni kuyang galit.

"You're being too harsh on her. Ka-edad mo lang iyan. Bago pa lang. She's Yaya Didith's niece."

"The hell I care?" Umiling si kuya at tinignan na lamang ang hawak kong letter.

Tahimik lang ang kaniyang mga kaibigan at parang pinapanood kaming nag uusap ni kuya.

"Try to be nicer sometimes.." nilingon ko naman ang damuhong manyakis na nasa may counter at umiling.

Inirapan ko siya bago lumabas ng dining room. Habang palabas ako at pataas ng hagdan. Unang step palang ay binuksan ko na ang letter. Nilapag ko muna sa hagdan ang dala kong yogurt at tubig.

"Oh my gosh!"

Nang mabasa ko ang kabuuan ng letter ay hindi ko na napigilang tumili. Agad namang tumakbo palabas ng dining room si kuya at sinilip ako. Kasunod niya iyong damuhong manyakis kaya inirapan ko nalang.

"What is it?" tanong ni kuya.

Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha ko habang binabasa ulit ang sulat.

"Oh, what's happening? I heard someone screaming.."

Narito na pala sina mom and dad. Tinignan nila ako at si kuya. Pero bigla na lang akong lumapit sa kanila at niyakap si mommy.

"I passed, mom! Dad!"

Kumalas si mommy sa yakap ko at tinignan akong nagtataka. Hindi ko nga pala sinabi sa kanila na kumuha ako ng exam. Dahil baka bumagsak lang ako kaya hindi ko na sinabi muna.

"What? Saan ka pumasa? Finals niyo na ba?" ani mommy pero umiling lang ako.

Kinuha naman ni daddy sa kamay ko ang letter na hawak ko at binasa niya iyon. Lumapit sa kaniya si mommy at nakibasa na rin. The letter is from Ecole De La Chambre Syndical, one of the best and most prestigious fashion design school in Paris.

"Oh my gosh, Tash!" ani mommy na gulat na gulat sa nabasa.

Si daddy naman ay nakangiting bumaling sa akin.

"What is it mom? Dad?"

Lumapit na rin si kuya at kinuha ang letter. Nung una ay gulat siya pero agad ding napalitan ng ngiti.

"You didn't tell us about this, Tash!" ani daddy

"I want to surprise you all.."

"I'm so proud of you!" ani mommy at niyakap akong muli.

Ganoon na rin ang ginawa ni daddy at hinalikan pa ako sa pisngi. "Dad!"

Tumawa naman si daddy at si mommy. "I'm just so proud of you!"

"Are you sure about this?" singit ni kuya na nakatitig pa rin sa letter.

"Aren't you happy for me? Kuya?"

Huminga siyang malalim at tinitigan ako.

"Of course, I am! But.. malayo ang Paris.."

Tss. Alam kong iniisip niya!

"Kaya mong mag-isa? You'll live alone? Kaya mo ba?"

Halos parang mag makaawa si kuya na wag akong tumuloy dahil sa tono ng pananalita niya.

"Andres, kaya naman siguro ni Tash na mamuhay mag isa doon. Hindi naman siya totally mag-iisa e. Ipapasama ko ang dalawang katulong natin sa kaniya doon." Ani mommy na hindi pa rin natatanggal ang ngiti.

Tinignan ko naman si kuya. "I know you'll miss me! You can visit me there anytime you want!"

"How about her house?" hindi pa rin talaga siya titigil ha?

"I'll buy a condo near the university. Andres, don't worry about Atasha." ani daddy kay kuya.

Huminga naman ng malalim si kuya saka bumaling ng tingin sa akin.

"Fine." aniya at ginulo ang buhok ko

"Kuya!" tumawa lang siya sa ginawa niya.

"I'm so proud of you, brat!" aniya at bumalik na sa mga kaibigan niya.

Nagpaalam na rin ako kay mommy at daddy na babalik na muna ako sa kwarto. Nang makabalik ako ng kwarto ay agad kong binalita kay Lara na nakapasa ako. Tuwang tuwa naman siya pero malungkot din daw dahil iiwanan ko siya. Ipagpapatuloy ko lang naman ang pag aaral ko doon eh. So baka dalawa hanggang tatlong taon lang ako doon. Pwede naman akong umuwi every Christmas and New Year.

*

"Tash! Hindi ka na ba mapipigilan?" ani Lara habang sumasayaw kasabay ko.

Bakasyon na kami ngayon. At nandito kami sa bar ngayon para sa aking despedida. Pumayag si daddy at wala ng nagawa si kuya. Dahil sa isang araw na ang alis ko pa-Paris.

"Nah!" sagot ko sa kaniya.

"I'm going to miss you!" aniya at niyakap ako.

"I'm gonna miss you too! But get your hands off me! Sasayaw ako.."

Tinangal niya ang kamay niya at humagikgik. Natatamaan na rin siya kaya ihinatid ko muna sa table namin.

"Nakakainis talaga yang si Haze!" sigaw niya ng nakaupo na siya sa sofa.

Umiling na lamang ako iniwan siya doon. Ano nanaman kayang problema niya sa gagong iyon? Tsk. Bago ako makaalis sa table ay bingyan ako ng isang shot ng tequila ng isa sa mga ka-blockmate ni Lara. Ininom ko ito agad at bumalik sa dance floor.

"Hoo! Yeah!" sigaw ko habang sumasayaw sa gitna ng dance floor.

I will enjoy this night kasi pagkarating ko ng Paris ay hindi na ako pwedeng mag party. That's daddy's condition. Kapag nalaman niyang nag inom ako or nag party ay iuuwi niya raw ako dito sa Pilipinas. And I don't want that to happen! This is my dream we are talking about. Parties and drinks can wait. Pwede naman akong uminom pero hindi ako pwedeng sobrang malasing. That's their conditions..

"Let's party!" sigaw kong muli at sumayaw ng sumayaw.

Biglang may naramdaman akong sumasayaw sa likod ko kaya hinarap ko ito.

Mapupungay ang kaniyang kulay brown na mga mata. Matangos ang ilong. Maninipis at mapupula ang labi. Perpekto ang pagkaka hulma ng kaniyang panga. At ang bango niya kahit amoy alak siya. Nag hahalo ang amoy ng alak at pabango niya.

"Aalis ka na ba talaga?" aniya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

I'm too drunk to even understand what he's saying. Kaya lumapit ako sa kaniya. Muntik pa akong matumba kaya agad niyang hinawakan ang aking beywang.

"What?" tanong ko dito ng makalapit ako.

I swear. Ang bango niya! Narinig ko naman siyang suminghap. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. At inilapit lalo ang aking katawan. He just smell so good! It's addicting!

Inilapit ko ang ilong ko sa kaniyang leeg at inamoy ito. Hindi ko na kailangan tumingkayad dahil ka level ko lang naman ang kaniyang leeg. Humigpit lalo ang hawak niya sa beywang ko at nagpakawala ng isang mahina ngunit nakakaakit na mura. I didn't know cursing would be this hot?

"Damn, Atasha.."

He knows my name! Oh well! What's new? Tinignan ko ulit siya pero dahil sa kalasingan hindi ko maaninag kung sino. Kahit kanina ay pinilit ko lang aninagin ang mga features ng mukha niya. Pero hindi ko talaga maisip kung sino ito..

"Shit. Atasha!" sigaw niya ng mag simula akong sumayaw ng sexy sa kaniyang harapan.

Magkadikit parin ang aming mga katawan. I can feel his growing glory in between the sheets of our clothes. I'm freaking turning him on!

"You better stop, Atasha.." aniya sa isang malamig at husky na boses.

Ang lamig ng boses niya pero bakit ang hot pa rin pakinggan? Damn!

"What if I don't... huh?" maarte kong tanong sa kaniya.

Pinirmi niya ang aking katawan. Nasa beywang ko pa rin ang mga kamay niya na unti unting tumataas at ngayon ay hinahaplos naman ang aking braso pataas sa aking balikat at pataas sa aking leeg hanggang tumigil ito sa aking panga. Para akong nakuryente sa ginawa niyang iyon! Damn!

"What will.. you.. do?" ulit ko sa aking tanong dahil hindi na ulit siya gumalaw at nanatili ang kaniyang mga kamay sa aking panga.

Bigla niyang hinaplos ang aking labi. Dahan dahan at ilang beses niyang hinaplos iyon. Damn! Ayan nanaman ang kuryenteng naramdaman ko!

"What? You'll kiss me?" tanong kong muli at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang batok. At mas nilapit ang mukha namin.

"Damn!" aniya at bigla akong siniil ng halik.

Mabagal lamang ito, mabagal ngunit malalamin na halik. Mabagal, malalim at mainit na halik. Nang sabayan ko siya sa pag halik ay lalo niyang idiniin ang kaniyang labi sa akin. Ang kaninang mabagal ay ngayon ay bumibilis at mas pumupusok. Sinuklian ko ito ng kaparehong intensidad tulad ng kaniya.

"I'm going to miss you.." sambit niya sa gitna ng aming halik na mas lalo pang lumalalim at pumupusok. "big time.."

"Hmm.." I moaned in between our kisses because of the sensation it gives me. Para akong kinukuryente..

Unti unti ay tumigil kami. Nanatili akong nakapikit habang siya ay hawak hawak pa rin ang aking panga. I'm so drunk. Drunk because of the alcohol and drunk because of his hot kisses.

"We'll stop here.. kasi kung hindi baka hindi ka na makaalis.." aniya at binigyan ako ng isang magaang halik. Una ay sa aking noo, sa tungki ng aking ilong, sa aking pisngi, at sa aking labi.

"That was the best kiss.. thanks.." saad ko at ngumisi bago siya layuan at nag simula ulit sumayaw.