webnovel

A Heart's Grave

Elle Marie Gomez loves playing games, not the one's you think. While Riley Troy Montemayor is her partner in crime, the two made an agreement to pretend as a couple to make a girl Jealous and hopefully shoo her away, with all this time spent together and With Riley's confusing actions. Will the game be real? Or will it stay just a game until someone wins and someone loses.

TalaEstrella · Teen
Not enough ratings
25 Chs

Kabanata 7

A Cafe Movie Scene

"Order na tayo tara" nagsipila sila hindi na ako sumama hindi naman ako iinom ng coffee at busog pa ako maganda dito sa napili nilang cafe ang ganda ng interior ang warm ng feeling lalo na ngayon at gabi na sinilip ko ang cellphone ko, wala pa akong tawag o text kay mama nakakapanibago pero di ko nalang pinansin.

Matapos nila umorder ay bumalik na sila sa pwesto namin sa tapat ng entrance sa tabi ng glass wall nagpatuloy ang kuwentuhan ng biglang may pumasok sa Cafe. si Yra, bakit siya nandito? kung minamalas ka nga naman oh. nagulat ang mga kasama ko dahil napansin na kami ni Yra ay binati namin ito.

"Dito ka nalang umupo samin, pumupunta ka pala dito" tumango ito at umupo sa harap ni Riley magkatabi kasi kaming dalawa sa sofa sa kabila ay si Yra, Gale at Xiara nauna ng umuwi si Erin at Nathan pati si Matthew dahil strict ang parents nun eh.

"Napunta kayo dito?" tanong niya samin agad namang nagsumiksik sakin si Riley, lalayo na sana ako ng maalala kong andito nga pala si Yra. "Nag aya kasi si Riley dito try lang naman" tumango ito at ngumiti kay Riley hindi naman siya pinansin nito, "Iyon na pala order niyo kunin niyo na" tatayo na sana ako para tumulong pero pinigilan ako ni Riley saka tumayo si Gale at Xiara.

"Sige kami nalang kukuha chikahan muna kayo diyan" nagthumbs up pa sakin si Xiara bago umalis. Umayos ako ng upo sa tabi ni Riley nagcecellphone lang ito sa tabi ko umayos din siya ng upo at umakbay sakin tinuro niya ang phone niya "Look nakakatawa oh"may pinakita lang itong meme nakisakay ako sa palabas niya tumawa din ako at pabiro siyang hinampas.

"Uhm kailan pa naging kayo?" napatingin kami kay Yra na nakatingin pala samin. "Last month"maikling sagot ni Riley sabay higpit ng hawak sakin kaya nginitian ko nalang si Yra tumango tango ito at nagcellphone nalang pagbalik nila Gale ay nagsimula kaming kumain. "Ito coffee you can try some" abot ni Riley ng inorder niyang drink sakin nag ngitian naman yung dalawa sa gilid at nakatingin lang samin si Yra.

"Nga pala malapit na fieldtrip kelan niyo balak pinagbabayad na ako" reklamo ni Xiara samin tinawanan ko ito mukhang malalayo na naman pwesto niya samin at mapupunta pa siya sa unahan, "Sabay sabay na tayo nila Erin para magkakalapit lang" nag agree kami don tinanong ko naman si Yra.

"Ikaw Yra nagbayad ka na ba" tumango ito samin, nice malayo siya samin ni Riley if ever. Ngumiti si Riley at bumulong sakin "Malayo na satin yang babaeng yan" natawa naman ako napansin kami nila Gale "Kayo ahh anong pinagbubulungan niyo diyan?"  tinawanan namin ito sabay sensyan ng secret inasar tuloy nila kami. Matapos namin magkuwentuhan ay umuwi nadin kami.

"Mauna na kayo ihahatid ko pa to si Elle" nagpaalam na kami sa tatlo pumara ito ng tricycle padiretso sa bahay namin hindi ko ito napigilan at hinila na ako agad paupo ng makarating sa bahay ay agad din itong nagpaalam nandito kasi si mama sinigurado niya munang makapasok ako ng bahay. "Chat mo ko pag nakauwi ka na ingat!" kumaway ako dito saka ito umuwi pagpasok ko ay naabutan kong kumakain na sila.

"Ikaw bata ka umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis matulog ka na maaga pa pasok mo bukas" tumango lang ako at nakangiting umakyat ng kwarto. Patulog na ako ng magchat si Riley sakin "Nakauwi na ako, anyways goodnight" ngiting ngiti ko itong nireplyan "Goodnight see you tomorrow" saka ako natulog.

It's been days halos nakakalahati na namin ang school year, graduating na kami ng Junior High and I haven't even thought kung ano ang kukunin ko sa Senior High. Bukas ay Fieldtrip na namin mas excited pa ako sa fieldtrip kesa sa graduation, araw araw naiisip ko kung gaano ko mamimiss tong mga siraulo kong kaklase, best batch kasi.

"Ano kailan naman natin balak mamili?" Balak ko sana umabsent before fieldtrip kaso nakakatamad nadin lumabas eh bibili lang naman ng snacks. Nagdecide nalang kaming tropa na magkanya kanya snacks lang naman di naman kami gagala. Mostly these days apura ang gala namin kaya baka pagalitan na ako humindi muna ako saka wala na akong pera no. Naguwian na inaya ko agad sa supermarket si mama konting snacks lang naman bibilhin ko, ang sabi kasi ni Riley siya na bahala kaya tuwang tuwa ako na katabi ko yun free food din no.

Konti lang ang kinuha isang chips isang inumin si Riley katabi ko no mayaman yun lalo na sa pagkain ang sarap ng may kaclose na Rich kid. Natatawa ako sa naiisip ko madalas din ay kausap ko si Riley sa chat siguro ay nabobored yun. Nagusap kami ni Erin na hindi matutulog mamaya nakakaexcite saka taon taon naming ginagawa yun.

Niready ko ang nga gamit ko ng mag gabi naligo nadin ako madaling araw kasi ang alis ng bus wala ng time para sa mahabang pag gayak saka susunduin ko pa si Gale sabay kami pupunta.

It's 4:30 am nakila Gale ako at hindi pa siya tapos gumayak natatawa ako nagpapanic na kasi to ng makitang andito na ako sakanila natutulog pa ang nga kapatid niya si tita na ang naghahatid samin sa bus. All this time kachat ako ni Riley, sinabi kong papunta na kami ni Gale malamang papunta nadin sila Erin magkakachat kasi kami lahat.

"Tara na bili baka andun na sila" ng mahatid kami ni tita ay agad kaming pumwesto sa bus nakakainis lang dahil may listahan nga pala ang teacher at ang layo ni Riley sakin, okay lang magagawan naman ng paraan ni Nathan to mamaya.

Lumabas muna kaming Bus ni Gale nandito nadin sila Erin nginitian ko si Riley pagdating niya nag aya naman to agad sa 7/11 sa tapas ng bus.

"Oh bakit maminili ka palang?" Tumawa to saka ako hinila sa section ng chips "Bilhin mo kung ano gusto mo, ako na magbabayad" magugulat na sana ako pero si Riley nga pala to mas galante pa to kay Mayor.

"Bakit? Eh ikaw kakain ahh" umiling ito "Ikaw na ang mamili para sakin" napangiti naman ako at habang namimili ay nakasunod lang ito sakin ng nasa counter na kami ay nakakita ako ng lollipop kumuha ako ng isa "Ito akin to ahh" tumango lang siya at kumuha din ng isa.

"Dami niyan ahh, kakain lang ata kayo sa bus eh" nag kukwentuhan lang kami dito sa 7/11 maaga pa naman 6 am aalis ang Bus 5:00 am palang.

"Libre ni Riley?" Tumango ako kay Matthew inakbayan ko si Riley "Mayaman tong jowa ko eh" hindi naman inalis ni Riley yung kamay ko nagtawanan nalang kami. Nagsisidatingan nadin yung iba naming kaklase mga namimili din ng pagkain para sa byahe mamaya."Excited na ako" bulong ko kay Riley, nginitian ako nito.