webnovel

A Four-Year Installment

Sabi nila kapag bata ka pa raw hindi ka pa pwedeng umibig, hindi pa raw totoo ang nararamdaman ng iyong dibdib, iyong paglukso raw ng iyong puso, at pagsisikip ng iyong dibdib ay dala lang daw siguro ng musmos mong puso na maagang namulat sa konsepto ng pag-ibig. Kaya naman nang maramdaman ko ito sa murang edad ay agad ko itong sinikil, ayoko kasing magkaroon ng kasalanan sa aking pamilya, ayokong isipin nila na imbes mag-aral ay kung anu-ano ang aking inaatupag. Ngunit sa hindi maintindihang dahilan tuwing lilipas ang apat na taon mula sa huli naming pagkikita, kami'y muling pinagtatagpo. Kasalanan pa rin ba itong maituturing kung hindi ko naman ito sinasadya? Kailan nga ba magiging tama ang panahon para sa amin? Kailan ko maaangkin ang pag-ibig na paulit-ulit ibinabalik sa akin? BASED ON TRUE EVENTS

Kai_Reyes · Teen
Not enough ratings
5 Chs

2016

Isang oras lang ang naging tulog ko sa araw na ito paano ba naman kasi ay magdamag akong nagrevise ng research namin dahil bukas naman ang pasahan nito, at dahil kasal ng ate ko ngayon ay talagang pinilit kong tapusin kagabi.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at bumilib ako sa baklang nagmake-up sakin mukha pa rin akong fresh kahit na halos hindi na ako natulog.

Pagdating sa simbahan ay pinapila agad kaming mga abay sa gilid ng pinto, kasi maya-maya lang ay lalakad na kami dahil magsisimula na ang kasal.

Mahilo-hilo at pipikit-pikit akong pumunta sa gitna ng pinto noong kami na ng kapareha ko ang lalakad, ni hindi ko na nakita ang mukha ng kung sino mang kapareha ko sa araw na ito. 

"Kaye ayos ka lang ba? Kaya mo pa bang maglakad," nag-aalalang tanong ng kapareha ko.

Paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan ko? Ang alam ko ay sa angkan ni kuya Nixon kukuha ng mga lalaking abay ah. Nasa gitna na kami ng daan papunta sa altar nang lingunin ko ang mukha ng lalaking kapareha ko at nanlalaki ang mga matang napahinto ako sa gitna mismo ng aisle nang makita ko ang malakapreng kaklase ko noon, ang napakasakit sa leeg kausap na kaklase ko noon, iyong crush ko na niyaya akong maging girlfriend noong 12 years old palang kami, si Momon.

Nginitian niya ako at alanganing isinenyas ang tingin ng mga tao sa amin, napalinga naman ako at nakitang nakatingin na nga sila mama sa'min at tila marami na ang inubo kaka 'ehem' sa ginawa naming pagtigil sa gitna.

Narating namin ang dulo ng aisle at pumunta na kami sa kanya-kanya naming mga upuan. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya at gano'n din naman siya sa akin ang kaibahan nga lang ay ngiting-ngiti siya habang ako naman ay gulat na gulat.

Sa reception ng kasal ay pinagsama-sama ang mga abay sa isang mesa, nakahinga ako ng maluwag noong pinagsama-sama ang babae sa isang mesa habang ang mga lalaki naman ay sa kalapit naming mesa sa kabila. 

Kaya nga lang ay talaga namang mapagbiro ang tadhana, nalimutan kong nobyo nga pala ng isang pinsan kong nagkikire ang isa sa mga lalaking abay aba't nakipagpalit ang pinsan ko kay Momon para magkatabi sila ng napakagwapo niyang boyfriend pwe.

Sa ikinamalas ko ay sa akin tumabi si Momon dahil ako lang daw ang kakilala niya sa mesang iyon, ayaw niyang tumigil sa kakakamusta sa akin. Pisti kabang-kaba ako, ano ba namang puso 'to.

"Kaye kamusta ka na?" tanong niya habang pinipilit silipin ang mukha ko,

Nakakainis bakit sa dinami-dami ng pagkakataon na pwede kaming magkita ay bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na bangag ako??????

"Okay naman, maganda pa rin hahahaha," tatawa-tawang sagot ko na halata namang pilit.

"Alam mo Kaye sa DHS ako nag-aaral ikaw ba?" wow ganado ha? parang hindi mo ko biglang 'di kinausap four years ago ha. Galing.

"Ah. Sa MCU hahaha alam mo na,"

"Oo nga matalino ka kasi noh?" sagot niya na ngiting-ngiti, saya ka? saya ka?

"Oo, ikaw ba bobo ka pa rin?" sarkastiko ko namang sagot na sa pakiwari ko ay hindi niya naintindihan dahil tumawa siya nang napakalakas,

"Joker ka na pala ngayon Kaye?" 

"Ako Joker? Hindi ah seryoso ako!" sagot ko na nakapagpatahimik sa kanya,

Siguro kung may nakakakita man sa'min ngayon ay mararamdaman nila ang napakabigat na hanging bumabalot sa pagitan namin ni Momon, ito ngang mga katabi namin ay unti-unti nang napapatingin at natatahimik eh, ewan ko ba rito kay Momon manhid.

Nagpatuloy ang programa ng kasal hanggang sa nagkainan na, nagpicture taking at nag-uwian na rin, akala ko tapos na pero maya-maya ay may humahangos na kapre papunta sa akin.

"Kaye, do'n pa rin kayo nakatira 'diba?" hihinga-hingang tanong niya sa akin.

"Oo," pagkatapos kong sumagot ay agad din naman akong umalis. Duh kapreng 'to.

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahang magkikita kami roon kanina, halata naman siguro 'diba? Isama mo na rin 'tong kabog ng dibdib ko na hindi matapos-tapos ano bang nais nito? Apat na taon na ang nakalilipas ganitong-ganito rin 'yung nararamdaman ko no'n,

Kabog ng dibdib,

namamawis na mga palad,

pagsikip ng paghinga, ganitong-ganito ako four years ago at ikaw lang Momon ang nakakapagparamdam nito sa akin, ikaw lang.

Kinaumagahan ay nagulat na lang ako dahil may humintong tricycle sa labas ng gate namin at bumaba roon ang isang kapre, oo si Momon nga.

Walang tigil siya sa pagkaway at ang napakalaking ngiti sa labi niya ay parang ikapipilas na ng bibig niya.

Pinapasok ko siya sa bahay at ipinagtimpla ng kape, dahil umaga. Nagkwentuhan lang kami sa buong pagisstay niya dito at pati pa nga si nanay ay nakaclose na niya. Duh ang kapreng ito ang sakit-sakit pa rin sa leeg kausap.

Maya-maya pa ay niyaya niya kong lumabas at maglakad-lakad sa kalye namin, doon ko nalaman na pagkatapos pala namin gumaraduate no'n ay umalis sila ng pamilya niya at sa Maynila na siya nag-aral ngayon daw ay umuwi na sila para dito na niya tapusin ang high school pati na rin ang Senior High School. Tinanong pa nga niya ko kung saan ko balak magsenior at sinabi ko lang na hindi ko pa naiisip 'yon dahil may ilang buwan pa naman ako para isipin 'yon.

Sa paglalakad namin ay nakarating kami sa puno ng manggang inaakyat namin noon, gaya ng dati matatag pa rin at napakalago ng dahon, niyaya niya kong umakyat ron at nang hindi ako pumayag ba't ngumuso at nagpacute pa nga kaya ang ending umakyat din kami, kapre talaga.

Habang nasa puno kami ng mangga ay bumalik ang mga pinagsamahan namin noon, 'yung mga kalokohan namin sa mga huling buwan ng elementarya at iyong mumunting pag-ibig na pinagsaluhan namin apat na taon na ang nakalilipas, natatawa na lang kami pareho. Batang pag-ibig nga naman nakakatawa.

Humingi siya ng tawad sa ginawa niyang pag-iwas pagkatapos kong sabihin sa kanya na masyado pa kaming bata para maging magkarelasyon sabi niya hindi raw siya nag-iisip ng mga panahong iyon na oo nga tama kang kapre ka! 

Hindi ko napapansin na halos naging araw-araw na pala ang pagbisita niya sa bahay at ang pagbabalik namin sa nakaraan namin apat na taon na ang lumipas. Hindi ko namamalayan nalulunod na pala ulit ako sa presensya niya. 

Tulad noong mga bata kami araw-araw niya ulit akong dinadalhan ng gumamela, minsan naman ay santan at noong nakaraan ay namangha ako sa ganda ng bulaklak na dala niya, belle flores kulay lila ito na may halong puti napakaganda kung pwede nga lang 'wag na itong malanta tulad ng umuusbong na pag-ibig sa pagitan naming dalawa.

Isang gabi ay niyaya niya ulit ako sa manggahan, sa gabi na iyon ay ubod nang dami ng mga alitaptap, hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng gano'ng karaming alitaptap pero napakaganda ng manggahan sa gabing iyon.

Isama mo pa ang mga nakapulupot na kadena de amor sa katawan ng mangga, at iyong iba naman ay nakagapang sa damuhan. Ang ganda pala ng gabi sa manggahang ito, ang ganda-ganda lalo na at kasama ko siya.

Kumabog ang dibdib ko noong nagtama ang mga mata namin, tila alam namin pareho ang ibig sabihin ng gabing ito para sa amin, ito na ba ang katuparan ng pag-iibigan naming nagsimula sa murang edad? 

Patuloy sa pagligid ang mga alitaptap sa amin minsan pa nga ay dumaraan ito sa mukha ni Momon pagkatapos ay masisinagan ang mapungay niyang mata. Lumapit siya sa akin hinagkan ang dalawa kong kamay at saka bahagyang ngumiti, 

"Kaye, mahal pa rin kita. Mula noon hanggang ngayon," malumanay niyang sabi ngunit damang-dama ko ang intesidad ng bawat salitang kanyang binitawan.

Mahal ko rin siya, mula noon hanggang ngayon, kahit kailan.

"Kaye, matagal kong pinag-isipan iyong sinabi mo sa akin noon, na paano ko nasabing mahal kita at hindi lang basta crush, Kaye alam ko na ang sagot," sinasabi niya ito habang nakatitig sa akin, tila ba matutunaw na ako anomang oras, at ang dibdib ko tila sasabog na sa sobrang saya.

"Kaye, mahal kita kasi kahit anong gawin ko, kahit sa'n ako makarating, ikaw at ikaw lang ang gusto kong makasama, ikaw lang ang gusto ng puso ko Kaye ikaw lang," tiningnan niya ako sa mga mata na para bang naghihintay na may sabihin ako sa kanya at sagutin ang bawat sinabi niyang matatamis na salita.

"Kaye, pwede na ba? Pwede na bang maging tayo?"

Tumulo ang luha sa aking kaliwang mata sa pagbitiw niya ng mga salitang iyon, mahal din kita. Mahal na mahal kita Momon.

Pero hindi ko 'yun nasabi, hindi ko nasabi gaya nang hindi ko rin nasabing may boyfriend ako, si Andrei.

"Hindi pwede," sagot ko habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata, kasabay nito ang pagbagsak ng kanyang balikat

"Bakit?" bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata at ang pagbadya ng pagbagsak ng kanyang mga luha. 

Iwinakli ko ang mga kamay niyang nakahawak sa akin, pilit kong pinipigil ang pagbagsak ng mga luha ko para hindi na rin niya malaman na may nararamdaman na rin ako para sa kanya.

"Momon, may boyfriend ako si Andrei," nanlalaki ang mga mata niyang napailing-iling.

"Hindi, diba kaibigan mo lang siya?" hindi mkapaniwalang tanong niya sa akin.

Hindi siya makapaniwala dahil lagi namang nasa eksena si Andrei, iyong kaklase ko nga ngayong high school na madalas ding pumunta sa amin para sa mga group activity at magpaturo na rin, hindi niya napansin dahil sikreto namin ni Andrei ang lahat, dahil ayaw pa ni nanay na magboyfriend ako.

Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi at humingang malalim bago sabihing,

"Okay lang, okay lang, ano hiwalayan mo siya tapos palipas lang tayo ng ilang buwan tapos---"

kitang-kita ko ang desperasyon sa mga mata niya habang sinasabi 'yon habang pinipigil ang luhang pabagsak na ulit sa kanyang mga mata.

Napalunok ako sa sikip ng dibdib ko at sa dami ng luhang gustong kumawala sa mga mata ko,

"Momon I'm sorry, hindi ko kayang makasakit ng ibang tao, hindi ko kayang saktan si Andrei," iyak ko sa kanya.

"Kaye paano naman tayo? Hindi ka ba masasaktan kapag nawala ako sa'yo? Kapag hindi naging tayo? Kaye, apat na taon na tayong naghihintay ng pagkakataon para sa ating dalawa, hindi natin alam kung kailan ulit 'to darating tapos gusto mo palampasin ulit natin 'to?" umiiyak niyang sambit.

"Momon, hindi pa tama 'yung panahon," nakayuko kong sambit habang umiiyak.

"Edi kailan ang tamang panahon? Kailan Kaye? KAILAN?!"

Iling lang ang naisagot ko sa kanya dahil maging ako ay hindi ko alam kung kailan nga ba magiging tama ang panahon para sa aming dalawa.

"Mahal mo ba s'ya?" mahina niyang tanong sa akin habang pilit na pinipigil ang pagkawala ng mas marami pang mga luha sa mga mata niya.

"Sorry Momon, sorry," iyon lang ang naisagot ko bago umalis at iwan siyang nakatulala sa manggahan.

Pagkatapos ng pangyayaring 'yon hindi ko na nakita ulit si Momon, umalis rin kasi kami sa lugar namin lumipat kami sa Valenzuela dahil doon nadestino si tatay.