webnovel

Chapter 35

HUMINGA muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng apartment. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kailangan kong kabahan ngayon. Wala naman akong ginawang masama 'di ba? Saka alam naman ni Terrence na galing ako kina Rance.

Nang tumawag siya kanina noong nasa mansyon pa ako nila Rance ay pakiramdam ko, may nagawa akong mali. Alam kong sa mga oras na 'yon ay naiisip ko pang hahalikan ako ni Rance. Jusko! Ang lakas naman kasi makaramdam ng Palermo na 'yan.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko si Terrence na nagpupunas ng basa niyang buhok habang nakasuot ng jogging pants na itim at... topless.

Bakit ang hot?! Tatakpan ko ba ang mga mata ko? Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Ano ba naman 'tong puso at sistema ko, ang bilis mag-react pagdating kay Terrence.

Tumaas ang isang kilay niya. "Your face looks like you cheated on me."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mag-damit ka nga."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter