webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · Urban
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 22

KAKATAPOS ko lang maghalf-bath. Ang sarap sa pakiramdam na makapaglinis ng katawan pagkagaling sa trabaho tapos pajama nalang ang suot.

Napatingin ako sa phone ko sa center table. Napalunok ako nang si Mrs. Palermo iyon. Sa facebook messenger pa siya tumatawag.

Papupuntahan na naman ba nila sa akin si Terrence? Kung sabagay, sasabihin ko na sinubukan ko na siyang kausapin at sa tingin ko ay wala na talagang pag-asa na makinig si Terrence kahit pa sa akin.

"Hello, Mrs. Palermo. Paumanhin po pero sa tingin ko---"

"Si Terrence iha, nakikipagbugbugan sa bar! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tinawagan ako ng kaibigan ng asawa ko. Gusto ko siyang puntahan pero narito kami sa US, iha. Hindi sinasagot ng mga hinayupak kong anak ang tawag ko kaya ikaw nalang ang pakikiusapan ko."

Napatayo ako. Ano na namang ginagawa ni Terrence! Akala ko ba pambababae at inom lang ang ginagawa niya, ngayon, nakikipagbasagan na ng ulo!

"Sige po, Mrs. Palermo, ako na bahala!"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mrs. Palermo. Wala na akong pakialam kung ayaw akong makita ni Terrence. Alam ko rin na wala naman akong maitutulong dahil hindi naman ako marunong makipagbugbugan pero kailangan kong puntahan siya.

Oo, pangingialam na naman 'tong gagawin ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para bang mula nang putulin ko ang ugnayan na meron kami ni Terrence ay parang may naghihila sa akin palapit ulit sa kaniya.

Mabilis akong nakasakay ng taxi. Alam kong doon lang siya sa Hashtag bar.

Nanalangin ako na sana naman, hindi basag basag ang mukha niya.

Nang makarating ako sa bar ay nakita ko agad ang gulo. Sa harap lang iyon ng bar at maraming nakapalibot na tao.

Lumapit ako at sumiksik. Nasilayan ko si Terrence na may dugo sa labi. May dugo rin sa may pisngi niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa itsura niya.

"Hayop ka! Landiin mo na lahat, huwag lang ang girlfriend ko!" Sigaw ng lalaking kaharap niya na may bangas na rin sa mukha.

Ngumisi pa si Terrence. "Tell your girlfriend to be honest next time. Malandi ang girlfriend mo, bro and that's not my fucking fault."

"Putangina mo!"

Mabilis akong humarang kay Terrence. Hinarap ko iyong kasuntukan niya.

"Tama na!!"

Hindi ko alam kung ano 'tong pinasok ko. Hindi ko rin alam kung tama ba 'tong ginagawa ko pero hindi ko kayang panoorin si Terrence na nagkakaganito.

"Fuck. Back off, Keeshia!" Sigaw ni Terrence.

"Sino ka? Girlfriend niya? Pwes pagsabihan mo 'yang gago mong boyfriend na ilugar ang pagiging malandi."

"Ako na ang humihingi ng sorry sa nangyari. Tama na po. Tama na." Pakiusap ko.

"Hindi ako pumapatol sa babae. Pasalamat ka sa girlfriend mo, gago." Sabi nung lalaking malaki ang katawan saka umalis na.

Unti unti na ring nag-alisan ang mga nakiki-usyoso.

"Are you fucking nuts?!" Sigaw niya sa akin.

"Ang dami mong sugat sa mukha." Sabi ko lang.

"Putangina, Keeshia, why are you here?! Tinawagan ka na naman ni Mom?! She fucking asked you again?! Bullshit!"

"Oo!" Sigaw ko. Alam kong wala akong karapatan pero bakit ba napakatigas ng puso niya?! "Tinawagan ako ni Mrs. Palermo pero narito ako hindi dahil sa pabor niya! Pumunta ako rito dahil nag-aalala ako sa 'yo. Bwisit ka! Bwisit ka talaga!"

Sa lahat ng pagkakataon, ngayon ko hindi napigilan ang luha ko.

"Alam kong napakasama ko sayo. Alam kong napakasakit na mga salita ang sinabi ko sayo. Alam kong mali ako! Alam kong wala akong karapatang magkaganito. Alam kong wala akong karapatang makialam sa buhay mo pero punyeta, Terrence. Ito! Itong sarili ko, gusto ko na ring tanungin kung bakit ako ganito?!"

Huminga ako ng malalim.

"Nag-aalala ako sa 'yo! Hindi ko alam ang iisipin ko habang nasa taxi ako papunta rito! Hindi ko kayang makita ka na nasasaktan kanina. Hindi ko kayang makita na puro sugat yang mukha mo. Hindi ko kaya! At hindi ko alam kung bakit!"

Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Nadadala na ako masyado sa nararamdaman ko.

"Oo, may boyfriend ako! Mahal na mahal ko siya pero punyeta, Terrence bakit nadadaktan ako? Bakit may kumikirot dito sa puso ko dahil sa ginagawa mo?! Bakit ikaw ang hinahanap ko palagi?! Bakit ikaw palagi ang laman ng isip ko! Bakit ikaw..."

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga nasabi ko. Bahala na. Bahala na talaga! Masyado nang ginugulo ng lalaking 'to ang sistema ko.

"Ayokong pakialamanan ka. Gustong kong hayaan ka dahil buhay mo yan. Ayokong... ayokong makita ulit ang malalamig mong mata. Pero sa isang iglap, eto na naman ako, tumakbo na naman ako papunta sa yo..."

Magsasalita pa ako nang maramdaman ko nalang ang labi ni Terrence sa labi ko. Wala akong lakas para tumanggi, o sadyang wala talaga sa isip ko na tanggihan siya.

Mahina siyang tumawa. "Yeah, Alright. I understand you. Masyado kang nag-alala sa akin kaya kahit naka-pajama kalang, sumugod ka dito. And you even stop that fucking fight "

Ngayon ko na-realize na naka-pajama ako. Ano ba naman 'to! Nakakahiya sa mga tao kanina! Anong iisipin nila, baliw ako?! Sa sobrang pag aalala ko, hindi ko man lang naisipang magpalit ng damit. Ano ba tong ginawa ko?!

"Terrence..."

"Shut up. I'm still mad at you, Keeshia. For now..."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Bakit ko siya hinayaang hawakan ang kamay ko ngayon? Bakit wala man lang akong nararamdaman guilt sa dibdin ko na para kong niloloko si Robi sa ginagawa ko? Bakit...

"Let's go home to your apartment." Iyon lang ang sinabi niya saka ko hinila papunta sa parking lot.

Ako naman si gaga, nagpahila. Para akong wala sa sarili ko na hinahayaan lang siya. Parang hindi ko lubos maisip iyong ginawa ko at nangyari. At mas lalong hindi ko lubos maisip iyong mga sinabi ko na hindi ko alam saan nanggaling.

Baliw na ako. Baliw na talaga ako.