1 Chapter 1

"Just when the caterpillar

Thought the world was over,

It becomes butterfly."

-🦋-

CYRILL HARTLEY STAIRE

Ako'y simpleng babae lang, kadalasang tawag nila sa akin ay Tala dahil hindi daw bagay itawag sa akin pag bituin HAHAHA Tala daw ang bagay dahil sa Staire sa pangalan ko na akala nila ay 'Isteyr' ang pagkakabigkas pero mali sila, Star ang tama kasi sabi nila Mommy and Daddy masyado na daw common ang word na Star Kaya naman dinagdagan nila ito ng ' I and E ' para naman unique HAHAHA ang cute diba! Pinanganak naman ako sa mayamang pamilya, syempre nakukuwa ko lahat ng gusto ko anuman ang hilingin ko kina Mommy and Daddy, pero parang mas nagiging komportable ako sa mga gawaing pang mahirap kase mas natututo akong maglakad sa sarili kong mga paa.

Ngayon naman ay 2nd year College na ako and Fine arts ang kinuwa ko dahil simula bata palang ay hilig ko na rin ang mga bagay bagay na may kinalaman sa Arts. Hilig ko kasi ang pag pi-pinta at pag i-sketch kaya naman pinagpatuloy ko na 'yon hanggang sa makatapak ako sa kolehiyo, kahit hindi man ako katalinuhan at least may konting kaalaman na ako sa Arts, tsaka tinutulungan naman ako ni Daddy kasi isang sikat rin na pintor ang Daddy ko and si Mommy naman ay sikat na designer sa France don s'ya lumaki at nag-aral. Naiinggit nga ako sa kanila kase ang talino nila pareho, kahit pinanganak ako sa ibang bansa nahirapan parin ako kahit anong turo ng parents ko hindi kayang intindihin ng utak ko. Oo mayaman kami pero hindi ibig sabihin non matalino na ako. Yan nga ang dahilan kaya ako ni-reject ng crush ko nung nasa Middle school ako! Aish!

Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari 3 years ago, sobrang sakit parin talaga sa dibdib ko pag naaalala ko 'yon. Pinipilit ko naman kalimutan pero sobrang hirap kasi kahit anong pilit ko para makalimot ay s'ya namang pag balik ng nakaraan. Pero wala e, ganon talaga. Speaking of Skye? Kamusta na kaya s'ya simula ng maka graduate kami sa highschool ay hindi ko na s'ya nakita, Wala na rin akong balita sa kanya simula non dahil ayaw kong mag in-o-open na topic pag dating sa kanya and aware don ang kaibigan ko no!

"Hoy! Ano? Tulala ka nanaman? Iniisip mo nanaman ang nangyari 3 years ago no!?" Sigaw ni Khezia habang inaalog-alog pa ang katawan ko. Aish! Baliw na talaga 'to oh! Oona! Oona! Iniisip ko na! Buiset na 'to!

"Hindi 'no! Bakit ko naman 'yon iisipin! Duh!?" tanggi ko pa habang nag-ro-rolled eyes sa kanya. Kasi naman pag inamin ko mangungulit at mangungulit 'yan hindi pa matigil ang bunganga sa sobrang daldal na-stress rin ako dito eh! Naloka ang cutie face ko!

"Okay back to topic tayo! Tinatanong kasi kita kung kailan mo papayagang manligaw 'yang si Ezekiel!?" tanong pa n'ya habang hinihila ang notebook ko, paano kasi busy ako sa pagbabasa ng notes! Nagpaubaya na akong kunin n'ya ang notebook ko at inis na tumingin sa kanya.

"Aish! Ewan ko sayo! Hindi ko naman Alam na may gusto s'ya sa akin e!" Inis na sabi ko, dahil totoo naman hindi ko alam na may gusto s'ya sa akin at mas lalong hindi ko Alam na nanliligaw s'ya sa akin dahil ang alam ko lang ay mabait sa akin ang tao at hindi na ako nag iisip ng mas higit pa don!

Oonga pala s'ya si Ezekiel Timothy Reyes, 19 years old palagi 'yang nakasulpot pag nag iikot kami ni Khezia sa campus, marami ang nagagalit sa akin dahil sa kanya kasi naman sobrang bait n'ya sa akin samantalang sa iba ay mainit ang ulo n'ya. Isa kasi s'ya sa mga Campus Hearttrob dito sa University namin, hindi lang pala Isa sa mga Campus Hearttrob kundi s'ya ang nangunguna. Madalas 'yang tilian, madalas rin s'yang bigyan ng Chocolates ng mga fan girls n'ya at madalas rin sa akin n'ya ibinibigay 'yon dahil tinatamad daw s'yang kumain ng matatamis! Oh diba ang suwerte ko sa kanya!

"Ano!? Anong hindi alam e pinakalat n'ya sa buong campus na nililigawan ka n'ya!" Malakas na sigaw n'ya Kaya naman napatakip ako sa sarili kong tenga. Shit! Nakakabingi ang bunganga n'ya na-stress ang tenga ko!

"Talaga? Ewan ko basta! Aish! Nagugulo ang isip ko dahil sayo e!" Sigaw ko sabay kuwa ko ng notebook sa kanya. Hindi na s'ya nagsalita pa at kumain nalang ng chips n'ya. Maya-maya pa ay dumating na si Prof. At nag discuss ng kung ano-anong kaekekan.

Discuss

Discuss

Dismiss...

Habang naguusap kami ni Khez ng kung ano-anong kalokohan na gagawin namin pag lipat namin sa Japan ay biglang sumulpot si Kiel.

"Oh! Hi Khezia! Hi sweetheart!" Bati ni Kiel habang kumakamot-kamot sa sentido n'ya.

"Hi, ah Mauna na kami, nagmamadali kami umuwi e! Bye!" Sabi ni Khez at dali-dali akong hinila.

"Wait! Baka naman may pa goodbye kiss pa sa akin si Sweetheart dahil uuwi na ako sa Japa-"

"Japan!?" sabay na sabi namin Khez kaya naman nagtinginan kami at nanlaki ang mga mata.

"Oo Japa-

"Dun na rin kami mag aaral ni Tala! May flight kami Bukas! Nakapag enroll na kami sa University doon at nag punta narin kami sa Dean, dahil mag pa-pa-transfer kami! Saang University ka!?" dire-diretsong Sabi ni Khez na akala mo ay hindi na humihinga! My gosh!

"Sa Tokyo University of Arts-

"Dyaan rin kami!" putol ulit ni Khez sa sinasabi ni Kiel.

"Kanina mo pa ako pinuputulan ng sinasabi ko ah! Osya! Aalis narin ako ngayon ang flight ko e!" Sabi ni Kiel na umiiling-iling na umalis.

Kinabukasan ay nag handa na kami para sa flight namin papuntang Japan. Ilang oras rin ay bumyahe na kami papunta sa airport.

"Oh sweetie mag iingat ka sa Japan ah, susunod rin kami ng daddy mo doon okay?" Sabi ni Mommy na hinihimas ang ulo ko sabay kiss sa noo ko.

"Oonga anak, mag iingat ka okay?" singit ni Daddy. Ngumiti lang ako at Tumango sabay yakap ko ng mahigpit sa kanilang dalawa.

"I love you, both!" Sabi ko sa kanilang dalawa at inayos na ang maleta ko. Agad na akong tinawag ni Khezia baka maiwan na kami ng eraplano mahirap na.

Nang nasa eroplano na kami ay natulog nalang ako pagkatapos tignan ang tanawin mula sa baba. Talagang susunod si Mommy at Daddy kasi iaasikaso nila ang Luxury Hotel namin sa Japan. Napag kasunduan kasi ng parents namin ni Khezia na mag sama nalang kami sa iisang bahay kaya naman pag dating namin doon sa Japan ay hindi na kami mahihirapan mag hanap pa ng uupahan dahil binili na kami ng parents namin ng bahay doon at may mga gamit narin daw.

Nang makarating kami sa Japan ay agad kaming dumiretso sa magiging bahay namin, binigay kasi nila Mommy ang address para mapuntahan agad namin at hindi na magtanong-tanong baka mamaya ay maligaw pa kami mahirap na.

Tsaka dito na ako magsisimula ng panibagong buhay kasi pag nasa pilipinas ako naaalala ko lang ang nangyari 3 years ago. Nakakapagod lang maalala ang lahat. Sana nga ay wala dito si Skye sa Japan HEHE! Bat ko naman iisipin na nandito s'ya! Aba ayoko nang malaman kung nandito s'ya nako baka ma-stress lang ako.

Nilibot ko muna ang bahay namin. Grabe sobrang ganda may malaking garden tapos may pool ang daming mga flowers at iba't-ibang mga halaman! May dalawang palapag ang bahay namin may pitong kwarto sa taas tapos sa baba ay may Sala at malaking kusina. Grabe anong gagawin namin sa natitirang limang kwarto e tag isa lang naman kami ni Khezia. Nako-nako sobrang laki naman ng binili nilang bahay tapos may dalawang garahe pa kami may dalawang kotse na mustang sa loob at dalawang Bike. Nasa loob narin ng kwarto namin ang gagamitin namin para sa school.

Ang ganda ng Uniform namin! White blouse tapos may blue necktie tapos may blue sleeveless kapang isusuot na may dalawang stripes sa baba tapos yung skirt naman namin ay blue checkered na sobrang iksi grabe! Para na kaming masisilipan dito anumang oras! Pero in fairness ang ganda.

"Hoy Tala! Maganda ba? Bagay ba!? My gosh! Bagay rin sayo!" biglang pasok ni Khezia sa kwarto ko at sukat-sukat n'ya narin ang uniform namin. Grabe! Bagay sa Amin kahit maiksi!

"Bagay rin sayo besh! Ang ganda-ganda mo!" Sabi ko habang inaayos ang buhok n'ya. Pagkatapos namin mag libot-libot ay kumain na kami.

Pagkatapos kong kumain ay inilagay ko na ang mga gamit ko sa cabinet na nandoon pagkatapos ko mag ayos ay nag-shower na ako pagkatapos ay natulog na ako, grabe! Nakakapagod naman kasi ang byahe!

Hindi pa ako nakakalahating oras na matulog ay nadinig ko na agad ang malakas na sunod-sunod na katok ji Khezia sa pinto ng kwarto ko. Ano nanaman ba ang problema n'ya? Hindi man lang mag pahinga kahit konti, Kahit isang oras lang na tumigil s'ya kakakuda ay okay na yon sa akin Basta bigyan n'ya man lang ako ng peace of mind!

"Oh!? Bakit ba? Anong meron at sobrang ingay mo nanaman?" Inis na sabi ko at tumayo na tsaka binuksan ang pinto, Sumalubong sa akin ang ngiting-ngiting mukha n'ya, Inilahad n'ya ang kamay n'ya may hawak-hawak s'yang kulay puti na parang bulak.

"Oh my gosh! Besh! Nag-i-snow na sa labas, ayan oh!" Sigaw n'ya pa at hinila na ako papalabas. Oonga nag-i-snow, Teka? Paano 'yon? Kapag dumami ba ang snow ay magkakaroon ng baha? Kasi diba yelo rin ang snow tapos pag umaraw na edi matutunaw yon at magiging tubig? Aish! Napailing-iling na lang ako sa naisip, tanong ako ng tanong hindi ko naman magawang masagot diba? Baliw talaga.

"Besh!" Sigaw ni Khez kaya naman agad akong napalingon sa gawi n'ya, Bigla n'ya na lang akong binato ng snow ball at tumama 'yon sa mukha ko, Dinig na Dinig ko ang paghagalpak n'ya ng tawa dahil sa kalokohang ginawa n'ya.

Pinunasan ko ang mukha ko at syempre hindi ako papatalo, kumuwa rin ako ng snow at ibinilog 'yon upang gawing snow ball syempre! Pagkatapos ko ibilog ay bigla ko na lang s'yang binato at tumama 'yon sa bandang leeg n'ya.

"HAHAHA BUTI NGAA!" pang aasar ko pa pero sinamaan n'ya lang ako ng tingin, Tignan mo 'to s'ya ang nagsimula pero s'ya ang pikon jusko!

Ilang oras pa kami nag tagal sa labas at nag lalaro lang kami ng snow, Grabe sana tuloy-tuloy na tong pagiging masaya namin. Sana ay mag tuloy-tuloy pa ang bagong buhay namin dito sa Japan.

Hays! Sana lang talaga ay nandito sila Mommy at Daddy pero Sabi naman nila susunod sila dito kaso hindi pa ngayon dahil marami pa daw silang inaasikasong businesses namin doon sa pilipinas, pero syempre handa naman akong maghintay hanggang sa magkasama-sama na kami dito tsaka marami rin kaming business dito sa Japan 'no, Noon nga parati silang nandito para ayusin ang mga aayusin pa nila dito HAHAHAHA tapos ang kasa-kasama ko pa noon sa bahay pag mag isa lang ako ay si Khezia, simula ng mag migrate kami sa US ay sobrang nagbago na ang lahat, Nagbago na ang puso ko, Tapos Lalo akong iniingatan nila Mommy and Daddy kasi ayaw na nila maulit ang nangyari dati, Natatakot silang mawala ako, kasi isang beses na ring napunta sa alanganin ang buhay ko at 'yon ang kinatatakutan nila.

"Hoy besh! Halika na sa loob nagugutom na ako!" Sigaw ni Khez na ngayon ay nauna na pumasok sa loob ng bahay.

"Oo na! ipagluto mo ako ah?! Hindi ako marunong mag luto eh!" Sigaw ko naman pabalik, Totoo nga kahit 17 na ako ay hindi pa rin ako marunong mag luto kahit nga hotdog at egg ay hindi ko Kaya HAHAHA nasanay kasi akong ipinagluluto ng Chef namin noon sa US e bakit ba!?

avataravatar