1 UNANG HAKBANG

Unang hakbang papalayo sa nakaraan

Dulot sa'kin ay labis na kalungkutan

Hakbang tungo sa bagong berso

Mula sa hindi naintindihan na mundo.

Mundong puno ng panghuhusga

At sa inosenteng lungkot ang nadarama

Kaya sinimulan ko ng humakbang

Papalayo sa lungkot na nakaraan.

Nakaraang nasaktan ako ng lubusan

At gusto ko ng kalimutan at hindi na babalikan

Unang hakbang, ginhawa ang aking naramdaman

Paglimot sa sakit na nakaraan.

Bagong pagkatao ang nalampasan

Ng dahil sa hakbang aking sinimulan

Unang hakbang papalayo sa nakaraan

Dulot sa'kin ay labis na kalungkutan.

Sinimulan ko ng ngumiti

Sa nakasimangot kong mga labi

Kinalimutan ko na ang sakit

Nakaraang puno ng poot at galit

Ngunit may mantya parin sa isip

Nandoon parin ang lungkot sa isip

Mahirap kalimutan ang nakaraan

Lalo na't masaya ang pinagsamahan.

Pinagsamahang tumatak sa aking isipan

Isipang puno ng alaala sa nakaraan

Nakaraang sumaya't nasaktan ng lubusan

Sapagkat halo-halong emosyon ang naramdaman.

Unang hakbang papalayo sa nakaraan

Dulot sa'kin ay labis na kalungkutan

Hakbang tungo sa bagong berso

Mula sa hindi maintindihan na mundo.

avataravatar
Next chapter