webnovel

15 Years of Tears (COMPLETED)

After 15 years of pain, please remember my name.

gndrlsswrtr · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Tears 2

Jolly's POV

Nandito ako ngayon sa opisina ko dahil napakaraming pinapasang works ngayong month.

Pag-aari ko ang kompanyang pinagtatrabahuan ko ngayon at isa akong Editor-in-chief sa sariling publishing house ko. Nagpa-publish kami ng news papers, mga famous works from wattpad, Ebook at iba pang mga app. Kapag sumisikat ang isang story, o kapag na-discover namin ito, pina-publish kaagad naming ito para maging isang ganap na libro.

Ginagawa din naming sikat ang isang writer kapag nakitaan naming ng potential ito o kapag naman nagandahan kami sa mga works o sinulat nito.

Nang makatapos ako ng pag-aaral ko, sumugal kaagad ako na magpatayo ng publishing house gamit ang perang napanalunan namin ni mama few years ago.

Napanghawakan ko naman ang promise ko kay mama noon na bibilhan siya ng malaking bahay na mas malaki pa sa mga Severo.

Noong bata pa ako, wala talaga akong balak na maging trabaho ito, pero ginawa kong inspirasyon si Vander para maitaguyod ang business na ito. Umaasa akong makita siya at ang pamilya niya para makapag- higanti ako dahil sa ginawa nila sa nanay ko.

Pero nagpapasalamat ako dahil kung hindi siya natanggal sa trabaho ay hindi kami makakataya sa lotto at hindi kami mananalo.

Nang pinacheck-up namin si mama ay hindi na daw ito makakalakad kahit kailan. Masyado na daw kasing malala ang kondisyon niya. Sinisisi ko lahat ng ito sa pamilya ni Vander lalung-lalo na sa nanay niya.

Kriiiiiiiing, kriiiiiiiing

Nang tumunog sang cellphone ko ay sinagot ko ito kaagad dahil tumatawag si nanay.

"Hello, 'ma?" pagsagot ko sa linya.

"Nasaan ka, nak?" tanong niya sa akin.

"Nasa office po ako ma e. Medyo busy po. Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Ahh, wala naman, natanong ko lang 'nak." sagot niya ulit.

"ahh, ganu--- wait lang 'ma," sabi ko dahil may kumatok sa pintuan ko.

Mama!

"Ma!" masaya kong bati dahil nakita ko siya. Niyakap niya naman ako at pumasok sa opisina ko.

May condo unit na kasi ako pero hindi ko nakakalimutang bumisita kay mama. Binibisita niya din naman ako, tulad ngayon. Kasama niya ang yaya na kinuha ko sa kanya para magbantay.

Sa bahay namin ay hanggang 3rd floor. Kada floor ay may respectivce maids at may respective color sila ng uniforms. Sa 1st floor namin ay red ang kulay ng mga uniform ng maid.

Kapag dumako ka sa 2nd floor ay orange ang kulay ng uniform ng mga katulong doon.

At sa 3rd floor naman ay kulay yellow.

Ang suot ngayon ng maid na kasama ni mama ay kulay puti dahil siya ang in-charge kay mama.

Madami akong nilagay na maid sa bahay para hindi niya masyadong mapansin na wala ako at para malibang siya. Lagi niya kasing kakwentuhan ang mga katulong sa bahay dahil dati tin siyang katulong noon.

Kung hindi lang nangyari ang isang trahedya.

"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama kaya nabalik ako sa ulirat.

"Hehe, oo naman po nay. Medyo pagod lang ho. Buti ho nakadalaw kayo dito." Sabi ko at ngumiti kay mama.

"Anak, nalulungkot kasi ako sa bahay e. Hindi kita nakikita do'n at palagi ka na lang nakatutok sa trabaho mo. Nung mahirap tayo mas marami tayong oras sa isa't isa e. 'Di na ba ako mahalaga sa iyo?" malungkot na tanong ni mama sa akin kaya nabigla ako.

"Hala ma, hindi po totoo 'yan. Ikaw po ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko," tugon ko sa kanya.

"Akala ko hindi na ko mahalaga sa iyo e," sagot niya.

"Nanay Delia." tawag ko sa kasambahay na nagdala dito kay mama.

Lahat kasi ng matatandang kasamabahay namin ay tinatawag kong 'nanay' dahil malapit sila sa akin.

"'Nay Delia kayo ho muna ang bahala sa opisina dahil ililibot ko si nanay sa labas," pagpapaliwanag ko sa kanya kaya napatango naman siya.

Nang ilabas ko si mama, bumungad sa akin ang mga tauhan ko at binati ako at si nanay. Isa isa ko naman silang nginitian dahil malapit akong lahat sa kanila.

"Na-miss talaga kita Jolly, anak. Lalo kang pumayat ngayon," bati ni nanay sa katawan ko.

Nang magdalaga kasi ako ay pumayat ako, tapos pinagpatuloy ko na at naggi-gym pa ako ngayon. Inaalagaan ko ang katawan ko dahil mahirap magkasakit.

"Hindi naman ho, ma. Baka nasobrahan lang sa gym,hehe." palusot ko kay mama pero ang totoo ay nangayayat talaga ako dahil napaka-daming trabaho.

"Nga pala anak, gusto ko nga pala magsimba sa Barcelona. Sasama ka ba?" tanong sa akin ni nanay.

Relihiyoso si nanay kaya nililibot niya ang mga simbahan sa buong mundo at suportado ko siya. Gusto ko kasing maging masaya si mama.

Mahilig din siyang magbasa ng mga kwento sa wattpad at Ebook kaya siya ang nagbibigay sa akin ng mga kuwentong nadi-discover niya para i-publish sa publishing house namin.

"Hindi po ako pwede ma e. Andami po kasi talagang trabaho. Isama niyo na lang po si 'Nay Delia pati po ang anak niya para masaya. Ipagdasal niyo na lang po ako ma. I love you po!" sabi ko kay mama at hinalikan siya.

Halata ko namang nalungkot si mama dahil hindi ako makakasama sa kanya sa Barcelona para magsimba.

"Pabayaan mo ma, sa bahay po ako tutuloy mamaya. Tapos sabay po tayong kakain." Sabi ko kaya nagliwanag ang mukha ni nanay.

"Talaga anak? Sige 'nak, magpapahanda ako ng marami para mamaya," masaya niya pang tugon kaya nasiyahan din ako.

"Ma. Nga po pala. Bibisita po ako sa Orphanage natin sa Tondo bukas. Itatanong ko pa po sa secretary ko kung anong oras, sasama po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Titignan ko anak, tatapusin ko muna yung nobelang binabasa ko. Hehe. Angganda e." sagot niya sa akin.

Adik na adik na talaga siya kakabasa.

"Kailan ka mag aasawa anak?" maya maya ay tanong ni nanay.

Saan naman niya nakuha ang tanong niya

"Excited ka ba, ma? Wala pa kasi yung Mr. Right ko e," palusot ko pa kay nanay dahil ayoko talagang napag uusapan ang ganitong bagay.

"Bakit, Nasaan na ba si Vander?" tanong ni mama sa akin kaya nagulat ako.

"Bakit naman po napunta sa usapan natin ang isang Severo? Ayoko na silang maalala dahil galit ako sa pamilyang iyon." nagmamatigas na sagot ko kay mama.

"Hindi mo naman kailangang magalit kay V, anak. Ang mahalaga ay buhay pa ako," pangaral sa akin ni nanay kaya naman napabuntong- hininga na lang ako.

Pagkatapos ko siyang ilibot ay umuwi na sila ni nanay Delia dahil low batt na daw ang tablet ni nanay at wala siyang dalang charger kaya uuwi na siya para mabasa ang nobelang binabasa niya.

Bukod kasi sa publisher ako sa sarili kong kompanya, madami din akong kilalang director at marami na sa mga pina-publish kong libro ang nagawa nang pelikula.

Habang nasa opisina ako ay napag isipan ko ang tanong ni nanay kung kailan ako mag aasawa.

Kailan nga ba? Excited na ba siya? Gusto na ba nya ng apo?

Habang nag iisip ako ay nakatanggap ako ng text galing sa secretary ko.

Schedule for tomorrow

9:00- call time

10:00 -meeting with the writers

11:00- Ribbon cutting

12:00- lunch

2:00-5:00- visit for the orphanage at Tondo.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang schedule ko para bukas.

Ngayon, ma. Sabihin mo sa'kin kung makakapag-asawa pa ba ako kung ganito ang schedule ko