webnovel

CLINIC

Inutos ni tita na tulungan ako ng mga kasambahay dinala nila ako sa kwarto ko at inasikaso.

"Nagugutom ka ba?" nagaalalang tanong nila.

"Busog pa po ako. Salamat po pahinga na din po kayo pasensya na sa abala" walang buhay kong sabi.

"Sige kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi" sabi nila. Tumango na lang ako bilang sagot.

Pagkalabas nila ang siya naman pagpasok ni tita.

"Iha, Matagal na bang ganun ang ginagawa ng anak ko sayo?" bakas sa mukha ni tita ang awa at lungkot.

"Opo. Pero hindi naman po umaabot sa ganun ngayon lang po na sobra na. Dati po hinahawakan niya lang ako sa dibdib papahawakin ung ari niya hanggang dun lang po pero hindi ko aakalain na aabot po sa ganito. Gusto ko po lumaban pero iniisip ko po kasi na pwede niyang ibalik sakin kapag nagsumbong ako mas papaniwalaan niyo po ang mga anak niyo kesa akin na sampid lang dito sa bahay niyo. Gusto ko pa po kasing makapagtapos kaya po nagtitiis ako. Malaki ang utang naloob ko po sa inyo kayo lang kumupkop sakin dahil lahat sila halos ako akong tanggapin. Kapag pinalayas niyo ako hindi ko alam kung saan ako pupulutin hindi pa po sapat ang naiipon ko para kumuha ng bahay na pwedeng tirahan" walang emosyon kong sabi habang nakatulala.

"Iha kahit anak ko pa sila hinding hindi ako papanig sa mali at nakita mismo ng mga mata ko ang ginawa ng anak ko. I'm so sorry for what he did. Gagawin ko ang lahat para pagbayaran niya ang ginawa niya. Aayusin ko din ang paglipat mo" nagaalala niyang sabi sakin.

"Kayo po ang bahala. Gusto ko na po sana magpahinga kung okay lang po" magalang na sabi ko.

Hinanapan nga ako ni tita ng bago kong matitirahan sakto para sakin hindi ganun kalaki. Malapit lang din sa school. Binilisan ni tita ang paglipat niya sakin at sinigurado niyang mahigpit ang seguridad ng lugar na nilapitan ko. Kompleto na din ang mga gamit sa bahay kaya wala na akong poproblemahin sarili ko na lang.

"Iha ito para sayo pang gastos mo to dito. Tapos kung may kailangan ka pa tumawag ka lang. Si manang every week pupunta dito para linisan tong apartment mo saka para tingnan tingnan ka na din. Basta iha kung may kailangan ka. Please let me know. Okay" buong pagaalalang sabi ni tita habang hawak ang kamay ko.

"Opo maraming salamat po babayaran ko po itong lahat kapag kaya ko na po" sabi ko.

"Hindi mo kailangan bayaran ang mga ito" niyakap ako ni tita ng mahigpit bago magpaalam na uuwi na raw siya.

Pagkaalis ni tita ay agad ko rin na pagpasyahan na pumunta sa pinakamalapit na grocery may mga bagay pa akong kailangan bilhin para sa bahay. Hindi rin naman ako nagtagal dahil konti lang naman ang binili ko buti na lang ay meron dun ng mga kailangan ko.

Kinabukasan naninibago pa din ako sa bagong bahay pero alam kong masasanay din ako. Hindi na ako masyadong maaga dahil malapit lang naman to sa school kaya hindi na kailangan.

"Good Morning po" bati ko sa head librarian.

"Okay ka na ba iha? Nakalipat ka na?" pangungumusta niya dahil nagpaalam ako na hindi ako papasok ng ilang araw dahil sa paglipat.

"Opo pasensya na po kung ilang araw ko hindi nakapunta" paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang iha. O siya pakiayos na lang ang mga libro kahapon. Mabuti na lang at mabait ung si Capt. at siya muna ang nagayos ng mga libro nung wala ka. Pero tinulungan pa din siya ng ibang assistant" kwento ng head librarian.

"Ganun po ba? Magpapasalamat po ako sa kanya kapag nagkita kami" sabi ko.

Binaba ko na ung bag ko sa counter bago pumunta sa mga cart ng libro na kailangan kong ibalik.

"How dare you!! Ang kapal talaga ng mukha mo!!" sugod sakin ng pinsan kong babae.

Hinila niya ang buhok ko saka ako kinaladkad palabas ng library. Gulat na gulat si Head librarian ng makita niya ang ginagawa ng pinsan ko sakin. Medyo madami na ding tao sa school at lahat sila nakatingin samin ng pinsan ko.

"Malandi ka talaga!!" galit na sigaw ng pinsan ko.

"Ikaw ang sumira sa pamilya namin kung hindi dahil sayo hindi sana ipapadala ni mommy si kuya sa states. Bakit ba kasi ang landi landi mo? Bakit mo ba kasi inaakit si kuya?!" galit niyang sabi habang sinasabunutan ako.

Pilit kong sinasalag ang mga kalmot niya kahit masakit. Habang tumatagal mas lumalakas ang pagkalmot niya.

"Hindi ko siya inakit. Siya nga ang laging may ginagawa sakin" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko na ang totoo.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo!! Eh sobrang kalat na dito sa school na madami ka na naikamang lalaki! Kaya wag ka na magsinungaling!!!" galit niyang sigaw ulit.

Sinambunutan na naman niya ako pero may kasama ng suntok at inuuntog na din niya ang ulo ko sa sahig.

"Mamat---" biglang may nagangat sa pinsan ko mula sa pagkakadagan niya sakin.

"What---" di na tuloy ng pinsan ko ang sasabihin niya ng makita niya kung sino ang nag-angat sa kanya.

"What do you think you're doing?" may diin na pagkakasabi ni Capt.

"C-Capt. I'm just teaching her a lesson dahil sa ginawa niya sa brother ko" pagpapaliwanag niya kay Capt.

"And you think that you have the rights to do this? And who are you to do this to her?" galit na sabi ni Capt.

"I'm sorry Capt." Paghingi ng paumanhin ng pinsan ko.

"Don't say sorry to me. Sa kanya kasi siya ung sinaktan mo at pinahiya mo" sabi ni Capt. sabay turo sakin.

"I can't" sabi ng pinsan ko na siya namang lalo kinagalit ni Capt.

"Fine. Then I will report this" sabi ni Capt. habang tinutulungan akong tumayo.

"Wala man lang ba tumulong sa inyo sa kanya kahit isa? Nakita niyo naman ung ginagawa hindi niyo man lang siya tinulungan" dismayadong sabi niya.

"Okay lang ako pupunta na lang ako sa clinic" pinagpagan ko ang damit ko at inayos ang buhok ko.

Habang naglalakad kami sa clinic walang nagsasalita saming dalawa. Pero ramdam ko ang galit niya.

"Kung okay lang ano ba ang nangyare kanina?" kalmadong tanong niya.

"May hindi lang pagkakaunawaan kami ng pinsan ko" sabi ko bago pumasok sa clinic.

Ginamot ng nurse ung mga sugat ko. Hindi naman inalis ni Cap ung tingin niya sakin.

"Okay na. Yung mga sugat mo wag mong kakalimutan linisin. Yung mga pasa naman medyo matagal yan mawawala" bilin ng nurse pagkatapos niyang gamutin ang mga sugat ko.

"Okay lang ako" sabi ko kay Capt. pagkalapit niya alam kong nagaalala pa din siya bakas kasi sa mukha niya.

"Hahatid na kita sa inyo. Humingi na lang tayo ng excuse slip dito sa clinic" sabi niya saka ako iniwan para nga humingi ng excuse slip sa nurse.

Habang hinihintay ko siya meron akong nakita sa labas ng clinic.

"Tara na" aya niya sakin.

Pagkalabas namin nandun pa din ung nakasilip kanina parang hinihintay niya lang kaming lumabas.

"Pre" bati nung lalaki kay Capt.

"Oh bakit?" nagtatakang tanong ni Capt.

"Hinahanap ka ni coach. Bigla ka na lang kasi umalis kanina" sabi niya kay Capt. tapos tumingin siya sakin.

"Sige, susunod na ako ihahatid ko lang siya" sagot ni Capt.

"Wag na. Sige na pumunta ka na sa practice niyo malapit lang naman ung bago kong nilipatan" sabat ko.

"Are you sure?" pagsisiguro niya bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Yeah" pagsisiguro ko din sa kanya.

"Okay. See you. Magingat ka" sabi niya saka sila umalis ng lalaking nasa labas ng clinic kanina.

Maayos naman akong nakauwi hindi ko na muling nakasalubong ang pinsan ko. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin medyo napuruhan ng ako ng pinsan ko ang dami kong pasa sa mukha madami ding kalmot sa mga braso ko. Napatitig ako sa salamin.

**********(flashback)

"Bakit ka pa kasi nabuhay!!!"

"Sobrang hirap na hirap na ako!!"

"Pagod na ako ayaw ko na!!"

"Bakit pa kasi kita sinilang? Dapat pinalaglag na lang talaga kita noon pa" buong paghihinagpis niyang sabi.

"Wala kang kwenta!!! Mamatay ka na!!!!!"

**********(end of flashback)

Napapikit ako bumabalik na naman siya ang mga alaala na pilit kong gusting kalimutan pero mukhang nakatatak na talaga siya sakin. Naisip kong wag na lang kumain at matulog na lang wala rin naman akong gana.

Kinabukasan sumakit ang katawan ko hindi pa siya ramdam kahapon ngayon lang at sobrang sakit talaga pero kailangan kong pumasok ilang araw na akong absent.

"Good Morning po" bati ko sa head librarian.

"Iha...Sigurado ka bang okay lang na pumasok ka na? hindi maganda ang lagay mo" nagaalalang tanong ng head librarian.

"Opo okay lang po ako nakapagpahinga naman na po ako" maiksing sagot ko.

"Ganun ba? Nalinisan mo na ba ung sugat mo?" nagaalang tanong pa din ni head librarian.

Bigla naman may pumasok sa library kaya napatingin kami parehas ng head librarian.

"Good morning po" bati ni Capt. sa head librarian.

"Ikaw pala iho. Good morning din" bati pabalik ng head librarian.

"Ito dinala ko para sayo alam kong hindi mo pa nalilinisan ung sugat mo" bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Salamat. Mamaya lilinisin ko" tanggap ko sa binigay niya.

"Ngayon mo na linisan tutulungan kita" sabi niya.

"Mamay—"

"Ma'am lilinisan ko lang po ung sugat niya tutulungan ko na lang po siya sa pagbabalik ng libro para po mapabilis" paalam niya sa head librarian.

"Sige iho" pagpayag ni head librarian.

hinila na niya ako sa pinakamalapit na upuan saka sinimulan ung pag-gamot niya sa sugat ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy siya sa pag-gamot sakin.

"Nakakainis talaga" sabi niya.

"Bakit?" nakakunot ang noo niya.

"kasi nahuli ako ng dating kung medyo napaaga ako ng dating hindi sana ganito ang itsura mo" inis niyang sabi.

"Okay lang. Buhay pa naman ako" sabi ko na lang.

"Hindi okay yun. Paano kung hindi ako dumating baka hindi lang ito ang inabot mo" sabi niya sakin.

"Sa tingin ko okay pa din ako. Pero tama ka mas malala pa ung aabutin ko dito" sabi ko.

Mas lalo naman dumilim ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Pero kabaligtaran naman yun sa ginagawa niya sakin sobrang ingat niya sa pag-gamot ng sugat ko.