webnovel

"You're Only Mine"

Although why anybody get married these days? Dahil ba gusto nilang makulong sa pang habangbuhay na relasyon? Dahil ba takot silang maiwan? O kaya takot silang mawala ang kanilang minamahal? Baka naman takot silang palitan kaya atat na atat silang mag pakasal? O baka naman maagang nabuntis at kailangang ikasal? May iba nga dyan napilitan lang dahil sa pangangailan diba? Pati matandang mayaman pinapatolan. Well, i dont blame them dahil sabi nga nila "age doesnt matter, pag mahal mo si partner." Gano ba ka importante ang kasal para sa mga babaeng katulad ko? My answer is "I dont know and I dont care about that fucking married." Anybody can get married, but it takes genuine love to stay married. But in my case? My parents want me to marry the man i dont even know. I dont know his name, or i should be known his standard or what he does. I want to get married but not this time, but my parents say I should marry a rich man only. This is so unfair, gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala. How come? I've never met him and i dont even know if his handsome, cute, intelligent, loyal or whatsoever. At alam nyo nong ikinasal kami? bigla niya lang sinabi sakin. "YOU'RE ONLY MINE." and thats the beggining of a real war between that mysterious man and me. I marry the man that I dont love, I wish i knew but i know now that i am one of a victim that what we called Arrange marriage. "YOU'RE ONLY MINE" (Edelbario Series#2) All Rights Reserved Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
41 Chs

KABANATA 36

Umiiyak ako sa harap ng pamilya ko, galit na galit si Lolo at hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na magagawa iyon ni Clifford. Gusto kong sumbatan ang pamilya ko gusto kong magalit sa lahat per hindi ko magawa.

"Makakapatay talaga ako ng tao ngayon," si daddy na panay hilot sa kanyang noo. Napailing ako ng ilang ulit, kagabi pa ako dito sa mansion.

"May kasalanan din naman tayo, last time I check tayo ang nagtulak sa dalawa." naging mahinahon si daddy sa sinabi ng aking stepmom. Si Lolo ay naging tahimik, hinawakan ko ang kamay ni daddy.

"Gusto kong magalit sainyo pero hindi ko magawa, dad. Ayaw ko nang gulo, please daddy." isa-isang tumulo ang luha ko habang sinasabi iyon. Hinawakan ni daddy ang kamay ko. "Sinabi ko lang naman sainyo ito dahil hindi ko na kaya ang sakit dad, hindi ko na kayang kimkimin ang nararadaman ko. Ayaw kong umabot ito sa pamilya ni Clifford, dad. Manahimik nalang po tayo dahil sa simula palang ay arrange marriage lang din kami. Pinilit nyo lang din naman sya." salaysay ko. Nagkatinginan silang lahat na tila sumang-ayon sa sinabi ko.

"Tama si Marilou, hon. Kong ano ang gusto niyang mangyari ay respitohin nalang natin." sambit ng aking stepmom. Napayuko ako at nanatiling umiiyak. Sa puntong ito ay ayaw kong sabihin sa kanila na nagdadalang tao ako dahil mas lalo silang magagalit kay Clifford.

"Anong gusto mong mangyari, apo?" napasulyap ako sa suhestyon ni Lolo.

"Devorce Lo, gusto ko ng devorce." sa sinabi ko ay nagulat silang lahat. Pareho silang nalungkot at nagkatinginan ulit.

"Sigurado ka ba talaga Marilou?Baka nagugulohan ka lang?" tanong sakin ng aking stepmom. Umuling ako ng ilang ulit!

"Sigurado na ako sa desisyon ko, mom. Ayaw kong makulong sa isang relasyon na hindi pa tapos magmahal sa iba." marahan kong sagot na ikinabuntong hininga ng aking stepmom.

"Okay, ako na ang bahala sa mga papers na pepermahan nyong dalawa." napalingon ako kay Lolo na ngayon ay naging kalmado ang emosyon.

Nabulabog kaming lahat ng biglang tumunog ang aking phone. Bumungad sakin si Clifford na ngayon ay tumatawag, napatingin ako kay daddy at walang ekspresyon syang tumitig sakin.

"Nasa sayo ang disesyon kong sasagotin mo oh hindi," si daddy. Umiling ako agad dali-dali kong pinatay ang aking phone.

"Inaantok ako dad, gusto ko munang natulog." hinimas ni daddy ang pisnge ko. Inilalayan niya akong tumayo at hinatid paakyat saking kwarto. Bago ako pumasok sa loob ay kinausap ko muna si daddy.

"Dad may pabor sana ako sainyo," ngiti ko kahit pilit. "Kahit anong mangyari ay huwag nyong papasokin si Clifford sa kwarto ko, ayaw ko syang makita dad, please maari ba?" tugon ko at hindi ko manlang napigilan umiyak. Isa-isa ulit tumulo ang aking luha.

"Gagawin ko anak," saad niya bago ako niyakap.

Napagdesyonan kong pumasok agad saking kwarto. Maging saking paghiga ay umiiyak parin ako, napayakap ako saking unan at humagulgol ng iyak. Ang sakit Clifford, ang sakit-sakit. Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang umalis ka sa lugar na iyon at alagaan mo ako. Dahil hindi ko kayang may kahati.

Hindi sa pagiging selfish pero ikaw yong bagay na ayaw kong e share.

Dahan-dahan napapikit ang aking mata hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako bigla dahil kanina pa kumukulo ang aking kalamnan, dahan-dahan akong bumaba saking kama at dali-daling tumungo sa kusina. Napalingon ako sa buong paligid at sobrang tahimik. Hindi ko nalang iyon pinansin at naghanap agad ng makakain sa ref.

Umupo agad ako sa highchair at sinungklaban ang pagkain, kanina pa ako gutom na gutom.

"Marilou?"mabilis akong lumingon saking giliran. Tumambad sakin ang aking stepmom na nakangiting lumapit sakin. Kunot noo syang napatitig saking kinakain. "Mukhang gutom na gutom ka ah, ngayon lang kita nakitang kumain ng ganyan karami." ngisi niya, ngumiti ako at nagpatulog sa hapag. "Sorry kong nadisturbo kita,"

"Its okay lang po," sagot ko at ramdam na ramdam ko ang paninitig niya. Napadasal ako na sana hindi niya maitanong ang nasa aking isipan ngayon.

"Mar, I know ang dami nating pinagdaanan, I know you hate me so much and I am so happy because you suddenly talked to me." dahan-dahan kong ibinaba ang tinidor na gamit ko, napatitig ako saking stepmom ay kahit ni minsan ay hindi niya nagawang lukohin si daddy. "I would like to clarify if you have forgiven me?" naging maamo ang kanyang mukha.

Dahan-dahan akong tumango, oo inaamin ko matagal ko ng syang napatawad at dahil iyon kay Clifford, malaki ang natlitulong niyang pagbabago sakin.

"Matagal na akong okay, and it means tanggap na kita para kay daddy." ngumingiyad ang mga luha niya sa sinabi ko. Inabot niya ang aking kamay kaya napatigil ako sa hapag.

"Maraming salamat, Marilou. Sisiguradohin kong hindi ka magsisisi sa pag tanggap sakin. Gagawin ko ang lahat para sayo, anak. Mapagkakatiwalaan ako!" usisa niya na ikinangiti ko. Sa puntong ito ay parang natanggalan ako ng tinik. Sa sinabi niya ay napaisip ako.

Dahan-dahan akong napayuko, sinigurado ko ang lahat at tanging sya lang ang mapagkakatiwalaan ko ngayon.

"Mom," napatitig sya sakin. "I'm pregnant," walang pa ligoy-ligoy kong wika nanlaki ang kanyang mata at dali-daling lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"I know, alam kong buntis ka at hindi nga ako nagkamali. Masaya ako para sayo, anak. Sobrang saya ko lalo na sa magiging apo namin ng daddy mo." hinimas niya ang tyan na may ngiti. Kitang-kita sa mga mata ni mom at saya.

"Diba sabi mo mapag kakatiwalaan kita?" natigil sya sa kahimas-himas saking tyan. Natahimik sya ng ilang saglit. "Mom please huwag mo munang sabihin kay daddy at Lolo. Hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman nila, dahil alam kong galit na galit sila kay Clifford. Mom kahit sinaktan ako ni Clifford ay hindi ko kayang makita syang masaktan. Kilala ko si Lolo at alam ko kong pano sya magalit." salaysay ko. Dahan-dahan napaupo si mom sa kabilang highchair, alam kong pinag-iisapan niya ang sinabi ko.

"Kaya kong itago ang pagbubuntis mo, pero hindi ko alam kong hanggang kailan dahil hindi maitatago na lulubo ang tyan mo." napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Tama si mom, hindi ko alam kong ano ang aking gagawin.

"Mom, nalilito po ako kong ano ang aking gagawin. Ayaw kong sabihin kay Clifford gusto ko munang hilumin ang sakit saking dibdib. Alam ko hindi kayo sang-ayon sa gusto ko, dahil kasal kami at hindi madaling makipag devorced, pero mom hindi ko na talaga kaya ang lahat, ayaw ko nang makita si Clifford gusto ko nang mag move on at kalimutan sya. Pwede mo ba akong matulongan?" hinawakan niya ang kamay ko at hinawakan niya iyon ng mahigpit.

"Tutulongan kita, anak. May naisip akong plano." ngisi niya at niyakap ko agad sya. Isa-isang tumulo ang luha ko, ang sarap sa pakiramdam dahil sa totoo lang miss na miss ko na si mommy.

"Marilou, Leah." humiwalay kami sa yakap ng bumungad samin si daddy na hingal na hingal. "Nasa labas si Clifford nagwawala, iakyat muna si Marilou sa kwarto niya." sa pagkakataong ito ay sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Mahina akong hinila ni mom at inalalayan umakyat saking kwarto.

"Mom please baka anong gawin ni daddy kay Clifford." natataranta ako ng hindi ko alam kong ano ang aking gagawin.

"Susundan ko ang daddy mo, dito ka lang huwag na huwag kang lalabas." agad lumabas si mom at sinara ang pinto. Napahiga ako saking kama at niyakap ang aking sarili, isa-isang tumulo ang aking luha.

Napapikit ako ng marinig ko ang iilang sigaw sa labas ng mansion. Napatakip ako saking tenga at umiyak ng umiyak. Nag-aalala ako sa anak ko, nag-aalala ako dahil sa bawat botel ng aking luha ay koneksyon sa kanya.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng may maramdaman akong kamay mula saking noo. Hinimas-himas niya ang aking noo. Tumambad sakin si daddy na nakangiti, dahan-dahan akong bumangon kahit sobrang bigat ng aking katawan.

"Dad si Clifford nasan?" una kong tanong, napabuntong hininga sya.

"Nagwala sya kanina dahil gusto ka niyang makita, gusto ka niyang iuwi which is ayaw naming mangyari hanggat konektado pa sya sa babaeng iyon." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, isa-isa ulit tumulo ang aking luha. "Don't worry hindi ko sya sinaktan." napayakap ako kay daddy, alam na alam kong hindi niya kayang saktan ang mahal ko sa buhay.

"Thank you dad, thank you." niyakap ko sya ng mahigpit. Naiimagine ko ang galit na mukha nu Clifford, naiimagine ko kong pano sya magwala.

Patawad Clifford, kailangan kitang ipaubaya dahil mas kailangan ka ni Zei. Hanggat pabalik-balik kang pumupunta kay Zei ay hindi kita kakausapin at hinding-hindi ako magpapakita sayo.

"Sir?" sabay kaming napalingon mula sa nakabukas na pintoan. Bumungad samin ang katulong ni daddy. "Sir nandyan ulit si Clifford, lasing na lasing." nagulat ako sa narinig. Dali-daling tumayo si daddy bago ako tignan.

"Lock the door," turo sakin ni daddy at tuloyang lumabas ng aking kwarto. Napatakip ako saking bibig at umiiyak, dali-dali kong kinuha ang aking phone mula saking bag. Binuksan ko iyon at may iilang text nga si Clifford. Sa sobrang dami ay hindi ko na halos ma basa, mas lalo akong napaiyak sa huli niyang text.

From: Husbie

Ipaglaban mo ako, please. Huwag mo akong iwan!

Napaiyak ako ng sobra, napahilamos ako saking mukha. Dali-dali akong bumaba saking kama at lumabas, tumungo ako sa kabilang kwarto kong saan ay mas kita ang front view ng aming mansion. Hinawi ko ang malaking kurtina, napayuko ako at tanging ulo lang ni Clifford ang nakikita ko.

Hawak-hawak sya ng isang gwardya ni daddy at nagwawala. Rinig na rinig ko ang sigaw niya mula sa ibaba. Napahawak ako ng mahigpit saking phone bago napagdesyonan syang tawagan, kitang-kita mula sa direksyon ko ang pag sagot niya sa kanyang phone.

"God Marilou," ramdam na ramdam kong umiiyak sya sa kabilang linya. "Umuwi na tayo, asawa ko please. Kailangan kita sa buhay ko. Please Marilou bumaba kana dyan at harapin ako kausapin mo ako." napatakip ako saking bibig. Humagulgol ako ng iyak, miss na miss kona ang boses niya.

"Nag-usap na tayo, Clifford. Pinapaubaya na kita. Bumalik kana kay Zei mas kailangan ka niya." sagot ko na halos hindi ko mabigkas ang mga letrang iyon.

"Fuck Marilou, huwag mo namang gawin ito sakin. Ikaw ang mahal ko, please bumalik kana sakin umuwi na tayo." halos paos ang boses ni Clifford. Napahawak ako ng mahigpit saking bibig.

"Sa tuwing uuwi ako, iba naman ang uuwian mo. Mahal mo ako? Pero hindi mo kayang tanggihan si Zei, mahal mo ako pero sinasaktan mo ako ng ganito. Mahal mo nga ba ako? O kailangan mo lang ako? Magkaiba ang mahal sa kailangan lang Clifford. So please tama na, bumalik kana kay Zei." naramdaman ko ulit ang galit, sa tuwing napag-uusapan namin si Zei ay kumukulo ang dugo ko.

"Aayosin ko ito, promises. Please aayos natin ito." napailing ako sa sinabi niya. Isa-isa kong hinawi ang aking mga luha.

"Sige, bibigyan kita ng pagkakataon na ayosin ang lahat ng ito." narinig ko ang maligayang pag ngiti ni Clifford. "Huwag ka na muling mag pakita kay Zei. Taposin muna ang koneksyon mo sa kanya." giit ko, kitang-kita mula saking direksyon ang paghilot niya kanyang noo.

Sumukip ang dibdib ko dahil hindi sya sumagot. Tama nga ako, hindi niya kayang iwan si Zei. Tama nga ako hindi niya kayang pumili saming dalawa.

"Siguro ito na ang huling pag-uusap natin, Clifford. Paalam!" dahan-dahan kong ibinaba ang aking phone. Dahan-dahan akong napa upo sa sahig at niyakap ang aking magkabilang tuhod.

Hindi ko nalang pala namalayan na nakatulog ako sa kakaiyak. Hindi ko alam kong pano ako nakarating saking kwarto at sinong bumuhat sakin para

Nagising ako biglang kumulo ang aking tiyan. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtayo ko at tumungo sa banyo, napaluhod ako mula sa bowl at sumuka ng sumuka. Halos manghina ako dahil malinaw na tubig ang naisuka ko. Napaiyak ako sa sakit ng aking lalamunan, napasandal ako sa pader at napatingala sa kisame. Napaiyak ako ulit at hinawi ko agad iyon. I dont want to cry anymore, I feel sorry for my baby. Sorry anak, patawarin mo si mommy. Napahimas ako saking tiyan.

"Marilou?" narinig ko ang pag sigaw ni daddy kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili. Nanghilamos ako, napatitig ako sa salamin at inayos ang kurba ng aking mata. "Anak nandyan ka ba?" kinatok ni daddy ang pinto ng aking banyo. Napabuntong hininga ako!

Dahan-dahan kong binuksan si daddy, kumunot ang noo niya sa sobrang basa kong mukha.

"Dad?" wika ko. Napailing sya at hindi nalang iyon pinansin.

"Dinalhan kita ng pagkain. Kumain kana," usisa niya. Kumunot ang noo ko!

"Anong oras na dad? Tsaka pano ako nakabalik saking kwarto?" napailing si daddy habang nakangiti.

"Hinanap ka namin kahapon, at dun ka namin nakita sa guest room. Alam ko kong anong ginawa mo anak, at proud ako sayo kasi kinaya mo at nalabanan mo ang sakit." napasimangot ako sa sinabi ni daddy. "Oh ayaw kong makita kang umiyak, kumain kana." tinakip ni daddy ang braso ko at tuloyan na syang lumabas ng aking kwarto.

Napalingon ako saking kama, dun inalagay ni daddy ang mini table na puno-puno ng pagkain. Kinain ko agad ang mga iyon, busog na busog ko at pakiramdam ko ay sobrang saya ni baby saking tyan. Biglang tumunog ang aking phone kaya inabot ko iyon mula sa unan. Nakangiti akong nagbukas saking phone. Biglang napawi ang aking ngiti, napahawak ako ng mahigpit saking phone, nakagat ko ang aking ngipin sa galit.

Hawak-hawak ni Clifford ang isang boquet na bulaklak habang nakahawak si Zei sa kanyang bibig na tila gulat na dinalhan sya ng bulaklak. Kwarto niya ito sa Nicolas Hospital, kitang-kita sa mga mata nilang dalawa na masaya sila sa larawan. Napigilan kong hindi umiyak at agad tinawagan ang numerong nag sent sakin ng larawan  Hindi na ito ma contact kahit nakakailang tawag na ako.

"Excuse me po, Maam Marilou nandito ang dalawa nyong kaibigan." nagulat ako sa saad ng aming katulong. Bumukas ng malaki ang pintoan at tumambad sakin si Jazzy at Jilheart.

"Surprise!!!" tumalon sa saya at tuwa ang dalawa. Mabilis silang yumakap sakin ng mahigpit, kumunot ang noo ko at nagulat. "We missed you Marilou." ngiti nila, ngumiti ako ng pilit.

"Anong ginagawa nyo dito?" usisa ko. Napanguso silang dalawa at sabay natawa.

Nag-aalala sila sakin dahil dalawang araw na akong hindi pumapasok sa University. Alam rin nila ang nangyari dahil minsan na silang tinanong at pinuntahan ni Clifford kong nasan ako. Sinabi ko sa kanila ang lahat at hindi nila lubos maisip na gagawin iyon ni Clifford. Mahaba-haba ang bonding naming magkakaibigan, sobrang saya ko dahil dinalaw nila ako.

Nang sumapit ang hapon ay bumalik sa katahimikan ang aking kwarto. Umuwi ang dalawa at naiwan ulit akong mag-isa. Palagi akong nakahiga at nakatunganga saking kwarto. Hindi ko magawang lumabas dahil sobrang bigat ng aking katawan.

"Marilou anak," narinig ko ang pagkatok ni daddy saking kwarto. Bumangon ako at pinagbuksan sya. "Handa na ang pagkain, bumaba kana at sumabay sa hapag." ngiti ni daddy at sumabay ako sa kanyang pagbaba.

Habang nasa hagdanan kami pababa, sumalubong samin ang isa naming katulong. Natataranta syang lumapit samin.

"Sir nandyan po si Mr and Mrs Edelbario." mabilis akong napalingon kay daddy. Ramdam na ramdam ko ang galit niya at hinawakan ko ang kanyang kamay, napasulyap sakin si daddy.

"Baka po importante dad, papasokin na natin." wika ko at kalaunan ay sumang-ayon sya.

Pagbaba namin ng sala ay ang pagpasok ni Mr. and Mrs Edelbario. Nanlaki ang mata ng mommy ni Clifford at lumapit sakin, niyakap niya ako bigla at hinayaan ko sya. Hinawakan niya ang magkabila kong braso.

"Marilou huli na naming nalaman ang lahat, pasensya na anak. Hindi namin alam na ganon pala ang nangyari sainyo ni Clifford." isa-isang tumulo ang luha niya, napaiwas ako ng tingin. Hinawakan niya ang pisnge ko. "Sorry sa ginawa ng anak ko, Marilou. Maging ako ay hindi makapaniwala, sorry please forgive us dahil kasalanan namin lahat." napayuko ako dahil sa totoo lang naawa ako sa mommy niya.

"Magiging okay rin ako, hayaan nyo muna ako sa ngayon dahil masakit pa ang dibdib ko. Maybe not now pero soon magiging okay rin ang lahat. I understand po, at wala na tayong magagawa kong mas pinili niya si Zei kesa sakin." isa-isang tumulo ang luha ko pagkatapos sabihin iyon. Sobrang sakit pa talaga hanggang ngayon, sobrang mahal ko na talaga si Clifford.

"Marilou!" humagulgol sya sa harap ko habang hawak-hawak ang aking kamay. Napalingon ako kay daddy at kay Mr. Edelbario. Kita mula sa mga mukha nila ang pagod at problema. Napahilot si daddy sa kanyang noo at agad naman itong niyakap ni daddy, napangiti ako dahil kahit ganito ang nangyari ay hindi mabubuwag ang kanilang pagkakaibigan.

Naging okay ang both sides namin at hindi ko naman kayang madamay ang pamilya ni Clifford dito dahil wala naman silang kasalanan. Malaki na si Clifford at alam niya ang tama at mali. Sinubukan daw nilang kausapin si Clifford at lagi itong busy, naabotan nila ito sa hospital at nakausap ng ilang minuto ngunit lagi daw sinasabi na tataposin niya ang lahat, at aayosin niya ang nasirang gulo.

Hindi ko maintindihan si Clifford pero sabi ng puso ko, tama na pahinga ka muna. Malungkot na umuwi si Mr. and Mrs. Edelbario, hindi nila ako nakumbinsi na kausapin si Clifford dahil ipinakita ko sa kanila ang larawan nila Zei habang may hawak na bulak-lak si Clifford, hindi sila makapaniwala at sinubukan nilang tawagan ang number nang nag sent sakin ngunit hindi na ito ma contact.

Lagi kong iniisip ngayon na walang panindigan si Clifford, puro sya salita at wala sa gawa.

Kinaumagahan ay nagulat ako dahil iniimpake na ni daddy at mom ang mga gamit ko. Ang sabi nila sakin ay mag pa kalayo-layo muna ako at magpalamig nang sa ganon ay hindi na ako sinusundan ni Clifford. Hindi na ako pumalag sa maaari nilang plano dahil iyon naman talaga ang gusto ko.

Nakaupo ako sa kama habang titig na titig saking dalawang maleta. Sigurado na ako sa desisyon ko, at sakaling mahalata nilang kahat na nagdadalang tao ako ay agad konang sasabihin. Sa ngayon ay hindi muna tsaka ba siguro pag nahalata ni daddy, dahil sa pagkakataong ito sa lugar na pupuntahan ko, doon ko palalakihin ang aking anak.

Napalingon ako sa gilid ng aking kama, napangiti ako dahil hindi ko pa pala nabubuksan ang regalo sakin ni Jana, inabot ko iyon at napatitig sa box. Ano kaya ang laman nito at bakit nakalimutan ko itong buksan.

Napabuntong hininga ako at bubuksan na sana ang box ng biglang dumating si daddy.

"Nandyan na ang kotse na sasakyan mo, upang hindi tayo mahalata ni Clifford. Ibang kotse ang sasakyan mo. Ready ka na ba anak?" ngiti ni dad na ikinatayo ko. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at napagdesyonang bitbitin ang regalo ni Jana.

Maging sa byahe ay hindi ako mapakali, yakap-yakap ko ang box habang inaaliw ang mata sa daan. Makakasama ko si mommy at dalawang katulong namin sa isang tagong resort ni Lolo, walang masyadong signal doon pero mas mabuti upang makapag pahinga ako sandali.

Sorry Clifford kailangan ko itong gawin, dahil alam ko ito ang nararapat. Hindi natin alam kong ano ang takbo ng buhay ni Zei. What if mabigyan sya ng chance na makasurvive sa cancer niya? Kaya muna ba syang iwan? Hindi muna ba sya aalagaan? Hindi ka na ba magpapakita sa kanya?

Yon ang rason kong bakit ginusto kong ipaubaya ka. Dahil ang hirap magmahal na isang taong, mas kinakailangan ng iba.

Bumalik ang diwa ko ng tumunog ang aking phone. Nagpalit na ako ng numero at tanging dalawa kong kaibigan ang nakakaalam. Sumulyap ako sa driver namin at seryoso itong  nagmamaneho, napalingon ako sa likuran at tulog si mommy at dalawa naming katulong.

Agaran kong binasa ang text, at si Jaazy iyon.

From: Jazzy

Girl may nagsabi samin na umalis sina Clifford at Zei papuntang Canada. Hindi ako sure huh, pero sinubukan naming puntahan si Clifford sa hospital at ang sabi ng mga nurse kahapon pa nakaalis kasama ang pasyente nila.

Napahawak ako ng mahigpit saking phone, napahawak ako saking tyan habang humagulgol ng iyak. Tama nga talaga ang desisyon ko na iwan natin ang daddy mo anak. Hindi sya deserved para satin.

Sana masaya ka sa pinili mo Clifford, sana hindi ka mag-sisisi.