webnovel

"You're Only Mine"

Although why anybody get married these days? Dahil ba gusto nilang makulong sa pang habangbuhay na relasyon? Dahil ba takot silang maiwan? O kaya takot silang mawala ang kanilang minamahal? Baka naman takot silang palitan kaya atat na atat silang mag pakasal? O baka naman maagang nabuntis at kailangang ikasal? May iba nga dyan napilitan lang dahil sa pangangailan diba? Pati matandang mayaman pinapatolan. Well, i dont blame them dahil sabi nga nila "age doesnt matter, pag mahal mo si partner." Gano ba ka importante ang kasal para sa mga babaeng katulad ko? My answer is "I dont know and I dont care about that fucking married." Anybody can get married, but it takes genuine love to stay married. But in my case? My parents want me to marry the man i dont even know. I dont know his name, or i should be known his standard or what he does. I want to get married but not this time, but my parents say I should marry a rich man only. This is so unfair, gusto nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala. How come? I've never met him and i dont even know if his handsome, cute, intelligent, loyal or whatsoever. At alam nyo nong ikinasal kami? bigla niya lang sinabi sakin. "YOU'RE ONLY MINE." and thats the beggining of a real war between that mysterious man and me. I marry the man that I dont love, I wish i knew but i know now that i am one of a victim that what we called Arrange marriage. "YOU'RE ONLY MINE" (Edelbario Series#2) All Rights Reserved Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
41 Chs

KABANATA 14

Dali-dali akong naligo bago nagbihis at inayos ang sarili. Kailangan kong umalis ng maaga sa mansion dahil alam kong galit na galit si daddy sa pagtakas ko kagabi, alam kong makakatanggap ako ng sermon galing sa kanya.

Mabilisan akong bumaba ng hagdanan na hindi lumilingon sa bawat sulok ng bahay. Gusto ko nang makalabas dito dahil alam na alam kong nandidito pa si daddy at ang stepmom ko.

"Marilou?" nanlaki ang mata ko sa isang buo at basag na boses mula saking likuran. Napalunok ako! Nasa huling sahig na sana ako ng hagdanan at bakit nahuli pa ako. "Gusto kitang makausap," boses ni daddy. Dahan-dahan akong lumingon saking likuran. Pababa si daddy habang inaayos ang kanyang necktie mula sa leegan.

"Dad mali'late na ako," aakmang aalis ako ng pinigilan niya ako.

"How can you be late at five o'clock?" natigilan ako sa sinagot niya. Napasinghap ako bago sinulyapan muli si daddy. Palapit sya sa akin ng walang ekspresyon. Nilagpasan niya ako bago humarap sakin.

"What is all about dad?" suhestyon ko. Sa ngayon ay nakapamulsa syang nakangiti sakin, nagtaka ako dahil sa ngiti niya.

"Sinabi sakin ng mommy mo ang nangyari kagabi, yes I was angry but at the same time I was happy. Why you didn't tell me Marilou? That Clifford and you together lastnight?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni daddy. Kumalma ako, bakit feeling ko ay kasalanan ko pa? bakit feeling ko ay kailangan ko pang mag explain sa kanilang lahat?

"Hindi ko kasalanan daddy, kasalanan iyon ni Clifford, dahil hindi sya nakapag paalam sainyo ng mabuti na sinama niya ako sa lakad niya." iyon lang ang tangi kong naisagot. Kasalanan niya naman talaga diba? Kong bakit nagsinungaling pa sya sa stepmom ko, ayan tuloy kailangan ko pang mag explain sa daddy ko. Bweset talaga ang lalaking iyon. "Tsaka dad, kailangan ko ng umalis. Tataposin ko pa ang project ko." huli kong sabi bago talikuran sya. Hindi pa ako nakakaabot sa main door ng tinawag niya ako ulit.

"Marilou," napalingon ako sa kanya. Bumalik ang pagiging galit ng kanyang mukha. "Ikakasal kana, please be matured and patience sa mga kasagotan mo." natahimik ako sa sinabi ni daddy. Dahan-dahan kong naikuyom ang aking kamao. Sumagot lang ako dahil iyon ang tama para sakin.

"Okay dad," ngiti kong pilit bago sya tinalikuran. Hindi ko na narinig ang pagtawag niya. Mabilis akong pumasok saking kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Pagdating ko sa University ay unang nahagilap ng mata ko ay ang dalawa kong kaibigan na naghihintay sakin mula sa gate.

"Ayan na ang prinsesa," bulong ni Jilheart kay Jazzy, na buong akala niya hindi ko mababasa ang kanyang labi. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang aga nyo, sinong hinihintay nyo dito sa labas?" tanong ko at diretso-diretso ang lakad ng hindi sila binabati, naramdaman ko ang pagsunod nila sakin papasok ng University.

"Ikaw sino pa ba?" si Jazzy. Napailing ako bago natawa!

"Ahh akala ko kong sino," tamad kong sagot na may tawa. Lumingon ako sa dalawa na ngayon ay nakakunot noo. "Oh sya mauna na ako sa klase ko. Bye girls!" kaway ko bago sila tuluyang iniwan.

"Sya yong hinintay, tayo pa ang iniwan." narinig ko pa ang pagmamaktol ni Jilheart kaya napahinto ako. Mabilisan akong humarap saking likuran ngunit nakaalis na ang dalawa. Napailing ako, siguro nga't wala lang ako sa mood ngayong araw. Pati kaibigan ko nadadamay sa kamalditahan ko.

Buong araw akong nakaupo sa klase, yong feeling na lutang ang utak mo buong klase,  wala akong naintindihan kahit ni isang katiting na pangungusap sa bawat sinasabi ng mga guro sa harap. Hanggang sa umabot ang lunch break ay nanatili akong lutang. Hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito, para bang may iilang paru-paro ang nararamdaman ko saking dibdib. Kinakabahan ako sa puntong ito!

Nanatili akong nakaupo sa silya at hinintay lumabas ang mga klase ko. Ayaw na ayaw ko kasing makipagsiksikan sa pintoan dahil naiirita ako sa mga ganong bagay. Gusto ko bawat nadadaanan ko ay maluwag, maaliwalas at walang nakaharang. Tumayo ako ng makalabas na ang lahat, kanina ko pa iniisip ngayon kong saan ako pupunta. Kakatext lang sakin ng dalawa na may ginagawa silang project kaya di nila ako masasabayan ngayong lunchbreak.

Wala sa sarili akong naglakad sa corridor, at bawat nadaanan ko ay umalis saking harap. Dahil alam na alam nila kong ano ang pinakaayaw ko!

"Marilou," isang mapaklang boses ang umalingaw-ngaw saking likuran. Mabilis akong humarap sa kanya. Lahat ng studyante sa corridor ay binabati si Lolo. Lumapit sya sakin. "You need to leave now," kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Leave? I dont understand, Lolo. Para saan?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Tinalikuran niya akong nakapamulsa. Kunot noo akong sumunod sa kanya na para bang alila. I hate this time, napaka bad timing talaga. "Lolo may klase pa ako mamaya," sambit ko ngunit hindi niya ako sinagot.

"I know but you have to leave now with your fiance." nanlaki ang mata ko sa narinig. Dali-dali akong tumabi sa kanya palakad. Palabas kami nang University!

"No, busy ako ngayon Lolo. Marami akong gagawin." sagot kong galit. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. Huminto sya sa paglakad at humarap sakin na taas kilay. Nananatili syang nakapamulsa na para bang kalmado at walang pakialam sa sinasabi ko.

"Like what Marilou?" ma awtoridad niyang wika. "Smoking? baring? always sitting in the chair?" sagot niya sakin. Napakagat ako saking labi. Alam na alam niya talaga kong ano ang ginagawa ko. "Marami kang gagawin? Tulad ng ano Marilou? hindi pakikinig sa klase? hindi ka nga nagsusulat diba? so anong kinakabusy mo dito? pambubully sa ibang studyante?" sunod-sunod na wika ni Lolo. Mas lalo kong naramdaman ang galit ko. Umiwas agad ako ng tingin. Ayaw kong magalit sa kanya ngayon, dahil Lolo ko parin sya.

"Fine," singhal ko nang hindi tumitingin sa kanya. Pandamay na naman ang Clifford na iyon, saan na naman niya ako dadalhin. Bweset talaga! "Saan ba kasi kami pupunta ng lalaking iyon? Ang disturbo niya huh!" pagmamaktol ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Lolo. Naningkit ang mata niya sa sobrang galit.

Ilang sandali lang ay may nag park na kotse sa harap namin. Umirap ako sa nakita, pababa sya ng kotse niya at lumapit samin na nakangiti. Hindi ko sya tinignan at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Nawala tuloy ako sa mood.

"Hello po, Sir. Medyo traffic kaya na late ako." nagmano si Clifford kay Lolo. Tinapik ni Lolo ang kanyang braso na nakangiti.

"Its okay hijo, no worries. May pinag-usapan rin kami ng apo ko." napasulyap ako kay Lolo at nakangiti na ito sakin. "Anyway kailangan nyo ng umalis. Becareful when driving, hijo. Kasama mo ang apo ko!" pagbabanta ni Lolo sa kanya. Natawa ako saking isipan, buti sa kanya.

Iniwan kami ni Lolo at nanatili kaming nakatayo ni Clifford sa daan. Nakaiwas parin ako ng tingin, dahil ayaw kong tignan ang pagmumukha niya.

"Saan ba tayo pupunta at nang didisturbo ka talaga?" sa puntong ito ay nakatingin na ako sa kanya. Walang eskpresyon niya akong tinignan. Para syang si Lolo sobrang kalmado ng mukha, nakakainis! "Ano? tutungaga nalang ba tayo dito? mahal ang oras ko, Clifford." singhal ko rason kong bakit bumalik ang diwa niya.

"Follow me," iyon lang ang tangi niyang naisagot bago ako tinalikuran. Bastos to ah! Nagtatanong ako kong saan niya ako dadalhin hindi manlang niya ako sinagot.

Tumungo sya sa kabila bago buksan ang pintoan, kong saan sya mismo ang magmamaneho. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Nakasara ang kabilang pintoan at hindi manlang niya ako pagbubuksan? Gago to ah.

"Excuse me? Hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng pinto? Hindi ka naman pala gentleman." wika ko. Umigiting ang panga niya sa sinabi ko. Ang kanyang isang kamay ay nakaakbay sa pintoan ng kanyang kotse. Napatitig ako sa kasuotan niyang nakapormal at masyadong malinis.

"Malaki kana, kaya muna ang sarili mo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pumasok sya loob ng hindi ako niyayaya. Kuyom ang dalawa kong kamao, nanatili akong nakatayo sa gilid ng kotse niya. Naiisip ko palang na tumakas ay sigurado akong panibagong sermon at alburuto ang matatanggap ko galing sa pamilya ko. Malalim akong nangbuntong hininga bago buksan ang pintoan ng kotse, malakas kong isinara ang pinto sabay tingin sa kanya.

Umuusok ang tenga ko sa galit. Taas kilay syang tumitig sakin.

"Kaya mo naman pala, ang dami mo pang sinasabi." wika niya bago paandarin ang kotse. Mas lalong kuyom ang kamao ko sa galit. Gusto ko syang sigawan ngayon.

"I dont say anything, I just described your behavior." galit kong sagot at padabog na sumandal sa backrest ng upoan. Mahina syang nagpatakbo ng kotse niya. Ang init-init talaga ng ulo ko pagdating sa gagong to.

"Ginagaya ko lang kong ano ka, Marilou. Kong gusto mong alalayan at pagsilbihan ka, huwag kang mang-api." sa pagkakataong ito ay sobrang nanlaki ang mata ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil mas masahol pa syang magsalita sa daddy at Lolo ko. Sino ba sya para pagsabihan ako ng ganyan? Sobrang sakit huh.

"What?" sigaw ko. Pulang-pula ang mata ko sa galit. "Ulitin mo ang sinabi mo sakin, kundi makakatikim ka sakin." natawa sya ng mahina sa sinabi ko. Sumulyap sya sakin na may ngiting pang-aasar.

"Once is enough, Marilou. At hindi ako sirang plaka para ulitin ang sinabi ko." bagsak boses niya at ibinalik ang tingin sa daan. Pilit kong kinakalma ang aking sarili. Masyado na akong stressed sa bahay, at dadagdag pa ang gagong ito. Shit! I hate him!

Napagdesyonan kong tumahimik nalang at umiwas sa sagotan namin. Nagsasayang lang ako ng oras sa kanya. Hindi sya importanteng tao para kausapin sya ng matagal. 20 minutes din akong nakaupo sa kotse niyang walang silbi. Maganda nga ang bagal naman tumakbo.

Kumunot ang noo ko nang e pinark niya ang kotse sa isang magandang building. Hindi masyadong malaki ngunit magarbo ang bawat pader at salamin. Build your own wedding dress? basa ko saking isipan. Mabilis akong sumulyap sa kanya na ngayon ay nakatitig na pala sakin. Biglang kumalbog ang puso ko nang hindi ko alam, siguro ay nagulat sa pagmumukha niyang nakakabweset.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko na para bang hindi ko alam, ngunit alam ko saking sarili na kailangan ko ng pagha daan ang darating naming kasal.

"I dont know," tanging sagot niya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "My mom just text me na dalhin ka dito." dugtong niya. Umirap ako bago bumaba sa kotse, hihintayin ko pa ba syang magbukas ng pintoan? Huwag na noh! Napaka ungetleman.

Pumasok kami sa loob at ramdam ko ang pagsunod niya. Napatingin ako sa buong paligid, maganda ang bawat desinyo na pagdating sa gown ngunit hindi masyadong classic.

"Marilou, Clifford andyan na pala kayo." napalingon ako sa gilid. Papalapit samin ang mommy ni Clifford. Nakipag beso-beso sya sakin bago niyakap ang kanyang anak. Napatitig ako sa mommy niya, bakit kaya sobrang sweet ng mommy niya samantalang si Clifford napakagago. "Buti nalang at nadala mo si Marilou dito. Kailangan na kailangan nyo na talagang magsukat dahil papalapit na ang kasal nyong dalawa!" dugtong niya bago ako tignan. Walang ekspresyon akong tumitig sa kanya.

"Do I have a choice?" sagot ko ngunit nakangiti parin sya sakin.

"You have chosen the right," aniya at hinawakan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko bago nag-iwas ng tingin. "Come here, pumili ka nang simpleng gown." hinila niya ako patungo sa isang mahabang mesa. May medyo matandang babae ang nakaupo mula roon. Tumayo sya at lumapit sakin.

"It's nice to meet you, Ms. Marilou. Ang ganda mo palang bata." wika niya bago naglahad ng kamay. Bata? Mukha ba akong bata? Oo siguro sa edad ko pero hindi sa mukha ko.  "I am Mrs. Gobson, a fashion designer, wedding gown designer. I am aslo a member of the council of fashion designers of America." nanatiling nakalahad ang kanyang kamay. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang nasa ere. Wala akong pake kong anong meron sya at kong ano ang kayang niyang gawin, hindi ako namangha. I have no choice, kailangan kong umasta na masaya syang makilala.

"Okay," tinanggap ko ang kamay niya bago kami nag shakehands. Ngumiti akong pilit at umupo agad sa sofa. "Hindi ako magtatagal dahil may pasok pa ako mamaya. So anong gagawin natin?" sumulyap ako sa mommy ni Clifford bago kay Mrs. Gobson. Napasulyap ako kay Clifford sa kabilang sofa, nakanumber syang nakaupo habang busy sa kakapindot ng phone niya. Busy? kanino? Bakit nga ba ako nagtataka? wala akong pakialam sa kanya.

"I will do the gown for you personally, so here is some preview books. Baka may magustohan ka, if ever wala? I will follow what you want style. We will create new, para bago." salaysay ni Mrs. Gobson, tinanggap ko ang preview book tsaka namili. Bakit ko naman bobonggahin ang kasal ko? kong sa hindi ko gustong tao ang  mapapakasalan ko. Isa-isa kong tinignan ang bawat pahina ng books, inaamin ko lahat maganda ngunit may isang dress akong natipuhan na paniguradong ikakagalit ni Clifford.

"This," ibinalik ko ang books kay Mrs. Gobson, itinuro ko ang isa sa mga disenyo niya. Nagkatinginan si Mrs. Gobson at ang mommy ni Clifford.

"You sure Ms. Charleston? Take your time to look for more pretentiousness. I can wait anytime," sambit ni Mrs. Gobson!

"Marilou," napalingon ako sa Mommy ni Clifford. Hinawakan niya ang kamay ko. "Its your wedding day, you cannot wear a simply dress." natawa ako sa sinabi niya. Napasulyap ako kay Cliffford at nakatingin na ito sa direksyon namin. Taas kilay niya akong tinignan, umirap ako bago ibinalik ang tingin sa mommy niya.

Wedding ko nga diba? kaya ako ang magdidesisyon sa kong ano ang gusto ko.

"Why am I supposed to wear an elegant wedding dress? Kong sa hindi ko gustong tao ako mag papakasal? Ang useless lang naman diba? and beside, kasal ko ito at ako ang mag didecide sa kong anong gusto ko." sagot ko na ikinatahimik ng dalawa. Ramdam ko ang pagbuntong hininga ng mommy ni Clifford. Napasulyap si Mrs. Gobson sa mommy ni Clifford na tila nagtataka sa sinagot ko. Siguro ito ang unang pagkakataon na may client syang magpapakasal na hindi gusto ang isat-isa.

"Follow what she want, mom. She's going to wear it. And beside I dreamed of being married to a lumpy girl." wika ni Clifford bago kami tinalikuran. Marahan syang lumabas ng building at tanging buntong hininga lang anf narinig ko mula sa mommy niya.

Kuyom ang dalawa kong kamao. Hindi ko alam pero nainsulto ako ng sobra sa sinabi niya. Bakit ang hilig niyang mang insulto?

"Okay okay, lets back to our conversation." putol ni Mrs. Gobson sa katahimikan naming lahat. Hindi ko magawang tignan ang mommy niya ngayon.

Sinukat ko ang gusto kong wedding dress na susuotin ko sa kasal namin ni Clifford. Tinulongan ako ni Mrs. Gobson na pagandahin ang sarili ko, kasama ang dalawa niyang assistant. Nasa isang silid kami kong saan ay nakahanger at nakamanequin ang kanyang ibang disenyo.

Hinahayaan ko lang sya sa ginagawa niya. Hanggang sa natapos kami at hinarap niya ako sa salamin. Sobrang laki ng ngiti ni Mrs. Gobson ngayon. Maging ako ay natahimik sa nakita. Kahit simple kong tignan, hindi ipagkakaila na mas nangingibabaw ang ganda ko.

"Hali ka, lumabas na tayo. Mrs. Edelbario need to see it. Napaka gorgeous mo, Ms. Charleston. Bagay na bagay sayo." sobrang saya ni Mrs. Gobson habang umiikot-ikot sakin, sa harap hanggang likod. Hindi ko alam kong bakit wala sa sarili akong lumabas sa silid.

Sumunod ako kay Mrs. Gobson, sabay ng pagtayo ng mommy ni Clifford.

"Wow, ang ganda-ganda mo Marilou." lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam kong bakit ako natahimik ngayon. Hindi ako makasagot dahil kanina ko pa sinisilip ang sarili ko mula sa salamin.

"Sinabi mo pa, Mrs. Edelbarion. And im sure matutuwa ang anak nyo dito." biglaan akong napasulyap sa sinabi ni Mrs. Gobson, tila bumalik ang diwa ko sa pagiging isang galit na tigre.

Nagulat kami ng biglang napatili si Mrs. Gobson at dali-daling hinarangan ang lalaking papasok sa loob. Nanlaki ang mata ko dahil si Clifford iyon. Hindi ko alam kong bakit biglang tumakbo ng mabilis ang puso ko.

"Sir Clifford bawal na bawal mong makita ang fiance mo, hanggat suot-suot niya ang wedding dress." natatarantang humarang si Mrs. Gobson, ngunit sa kaliitan niya ay nakita ako ni Clifford dahil matangkad ito. Nagtama ang dalawang mata namin ni Clifford, natigilan sya ng panandalian bago nag-iwas ng tingin at tinakpan ang kanyang noo.

"Im sorry, my mistake. I'm going out!" mabilisan syang lumabas nang hindi ako tinignan ulit. Napailing ako, hindi ko alam kong bakit bawal niya akong makita.

"Why you banned him?" tanong ko kay Mrs. Gobson. Nakahat ko ang aking ibabang labi. Bakit ko nga natanong iyon?

"Its because, your marriage might not end. Baka hindi matuloy ang kasal nyo. kasabihan lang naman ng matatanda. But dont worry its just old beliefs." nakangiti niyang sagot bago lumapit sakin at inayos ang buhok ko. Napasulyap ako sa mommy ni Clifford at nakangiti itong humawak saking dress.

"I believe in you!" bulong niya sakin. Kumunot ang noo ko, hindi ko alam kong ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya sakin. Naniniwala sya sakin? Saan?

She believe in me? Pwes, maniwala ka sanang ayaw ko sa anak mo Mrs. Edelbario. Mas mabuti na yong nakita niya ako, dahil ayaw ko rin matuloy ang kasalan na gusto nyo ng pamilya ko.

Sana hindi nalang matuloy!