webnovel

Excuse me ate!

"Hays, paharang harang kasi sa dinadaanan eh!" pagalit na sambit na lalaki na nakabangga sa kanya.

Bahagyang nainis si Steph sa masungit na pananalita ng lalaki.

"Aba, teka lang naman.. sorry ha kung nakaharang ako, wala kang galang sa mga nakakatanda sayo ah. Parang ate mo na ako, dapat rumespeto ka naman, ikaw na nga itong nakabangga sakin eh." nakapameywang nitong sagot sa aroganteng lalaki.

"Ewan ko sayo, (pasupladong sagot nito) mali-late nako dahil sa isang ate na kagaya mo, sige ate, excuse me ate!" maangas na sabi ng lalaki.. Payat, may kaputian, matangos ang ilong, manipis ang labi, at ang mga mata'y tila nangungusap. Infairness, may dating ang hitsura niya kaso sinalo na yata niya ang lahat ng kasungitan sa mundo. Mabilis na lumakad paalis ang lalaki, halatang naghahabol ito ng oras pabalik sa trabaho.

"Yabang mo, madapa ka sana!" aniya sa lalaki. Dali-daling inayos ni Steph ang kanyang sarili at kanyang suot na damit dahil unang araw nito sa kanyang trabaho ngunit mukhang naunahan pa siya ng malas...