webnovel

Chapter 1

"Bakla, bakla, bakla" yan ang mga salita na palaging naririnig ni Arion tuwing siya ay naglalakad sa labas ng kanilang bahay.

Si Arion ay isang ampon na anak nina Luna at Andrew, natagpuan nila ito sa gubat na malapit sa kanilang nayon balibalita na sa gubat na iyon ay may mga kababalaghang nangyayari .

Habang naglalakad siya patungo sa tindahan ay nakasalubong niya si Arnold at ang mga kaibigan nito ,palagi nilang tinutukso si Arion at kung minsan ay sinasaltan nila ito, "Oh bakla saan ka pupunta" pagtatanong ni Arnold "Pwede ba Arnold ayaw ko nang away" sabi ni Arion "Aba aba sumasagot kana ngayon ha, gusto mo bang malintikan?" pagtatanong nito subalit hindi na ito sinagot ni Arion at naglakad nalang patungo sa tindahan ngunit isang hakbang palang ay napabalik siya agad ng hilahin ni Arnold ang kanyang mahabang buhok " Ah ano ba bitawan niyo ako" pagpupumiglas nito hinawakan siya ng dalawang kaibigan ni Arnold sa magkabilang braso "Oh ano ka ngayon ngayon lampang bakla?"pang iinsulto nito ngunit hindi na sumagot si Arion dahil alam niya na sasaktan na naman siya ng mga ito "Bakit hindi ka sumasagot gusto mong mabugbug?" sabi ni Arnold "Please Arnold ayoko nang away pakawalan mo na ako please" pagmamakaawa nito ngunit isang malakas na suntok lamang ang kanyang natanggap "ahh" pamimilipit nito sa sakit "Ano masarap ba bakla" binigyan ulit nito nang malakas na suntok sa mukha ang na mimilipit na ngayon sa sakit na bata "Arnold tama na please" ngunit si arnold ay hindi parin nakikinig ,sinuntok ng sinuntok ulit nila ang kaawa-awang bata hanggang siya ay mawalan ng malay.

Arion POV:

Nandito ako ngayon sa isang madilim na lugar, at ang puso ko ngayon ay halos lalabas na sa aking katawan dahil sa takot. Inikot-ikot ko ang aking mata at nakita ko ang isang lalaking may ginintuang baluti na nakatingin sa akin, sa hindi malamang dahilan, ang takot sa puso ko ay biglang nawala at napalitan ng galak, lumapit ako dito at nagtanong "sino po kayo?"magalang na tanong ko ngunit tinititigan niya lang ako at bigla biglang ngingiti "Baliw ato tong si manong e kasi naman ngingiti ng walang dahilan" saad ko sa isip ko "Hindi ako baliw" sabi ng manong "Ha paano niya nalaman ang iniisip ko?" sabi ko ulit sa isip ko "Dahil nababasa ko ang isip mo " sabi niya ulit nagtatakang tumingin ako sa kanya at nagtanong "Sino po kayo?"magalang kong tanong ulit sa kanya "Ako si ASTRAIOS ang iyong Ama" nabigla naman ako sa kanyang sinabi, ibig sabihin anak ako ng taong ito agad naman akong nabalik sa ulirat at nagtanong. "Kung anak mo ako bakit ang hina ko?" naluluha kong tanong sa kanya "Magtiwala ka lng sa sarili mo at magpakatatag dahil darating din ang panahon na lalakas at makikilala mo ang tunay mong sarili"pagsasaad nito at unti-unting naglalaho "sandali lang po" TAY! sigaw ko at agad na nagising.

NEXT CHAPTER