1 First Met

Ako si Alana Ramirez isa akong high school student,(si Alana ay panganay sa kanilang magkapatid, mabait sya, matulungin, masunurin, madaldal, at palakaibigan, kaya lang minsan lutang sya o wala sa sarili, mahilig syang umarte at magaling syang sumayaw, top student din sya sa kanilang klase.)nung nagsimula ang klase bago ako pumasok sa loob ng classroom tinawag ako ng kaibigan ko (by the way sya si Reachelle Mendez, matagal na silang magkaibigan ni Alana since childhood, palagi silang magkasama halos mapagkamalan na nga silang may relasyon pero magkaibigan lang sila.)sinabi nya sakin na may crush daw sya, ang sabi ko "wag kang maharot, nasa school tayo" tapos pumasok na kami sa school. So pagkatapos nang klase pauwi na kami ni Reachelle sa bahay namin bigla naming nakita yung lalaking tinutukoy nya kanina, nahihiya sya dumaan kasi nandoon daw yung crush nya, so nauna na ako umuwi habang si Reachelle tinitingnan pa rin yung crush nya, nung nakita ko yung tinutukoy nyang lalaki ang ganda ng mga mata nya, matangkad syang payat, at gwapo sya pero hindi ko pinansin kasi alam kong gwapo lang sya at hindi ko kilala ang pagkatao nya at hindi ko sya magugustuhan.

Noong sumunod na araw nakita kong may bagong lipat sa amin at sya yung lalaking nakita ko kahapon, yung kinababaliwan ng kaibigan ko, so magkapit-bahay na kami ngayon, palaging lumalabas yung kaibigan ko para makita sya pero nahihiya syang makipag-usap, naka-upo ako sa taas ng lamesa sa harap ng bahay ng kaibigan ko tapos nakita ko rin syang(my friend's crush) nakaupo sa isa pang lamesa kaya umalis ako, tinanong ko kay Reachelle kung anong pangalan nya, "Justin my love" ang sabi ng kaibigan ko, " my love ba surname nya?", "ano ka ba hindi noh, Justin Banggalisan ang buong pangalan nya" ang sabi nya tumango ako at umuwi ako sa bahay habang iniisip kung ano ang nagustuhan ng kaibigan ko sa kanya eh gwapo lang naman sya, pero 'di ko pa naririnig ang boses nya kasi 'di naman ako curious na malaman yung tungkol sa kanya.

Kinabukasan pagkatapos maligo ni Alana lumabas sya kasi niyaya sya ni Reachelle hindi nya alam kung anong gagawin nila at kung saan sila pupunta, nung nasa labas na sila napansin ni Alana tinitingnan nya lang pala si Justin tapos tinanong niya si Reachelle kung bakit sila nasa labas ang sabi nya

"wala lang" habang nakangiti, lumingon sya at tiningnan si Justin nagulat sya kasi nung pagkatingin ny nakatingin rin si Justin sa kanya pero pagkatapos nun umalis na si Alana sa lugar na 'yon kasi wala rin syang ginagawa, nagtataka pa rin si Alana kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya pero inisip nya na kasi gwapo lang sya "di ko sya nagustuhan kasi ayaw ko yung mga naging kaibigan nya, yung mga kaibigan nya kasi yung dating nang-bubully sa akin dati" ang sabi nya sa isip. Pero kahit di sya curious na malaman ang tungkol kay Justin marami pa din syang naririnig na tungkol sa kanya, nalaman nya nga na mas matanda pa pala sya sa kanya ng dalawang taon😦. Sa lugar nila may mga babaeng mahaharot sila Stacy, Nicole, at Aby ,lahat ng lalaking lumilipat dito inaangkin nila at kung sinong magkagusto sa kanila hinahamon nila nang away, minsan na nga nilang pinaglaruan si Alana pero dahil wala syang time pinabayaan nya nalang muna sila. Noong sabado ng umaga lumabas si Alana para mag-bisekleta niyaya nyang sumama ang nakababata nyang kapatid kapatid na lalaki si Jae, kahit palaging may giyera sa bahay nila magkasundo naman sila, so hayun na nga habang nag-bibisekleta sila nakita nilang may paparating na malaking sasakyan, mabilis na naka-iwas ang kapatid nyang si Jae pero si Alana nadapa dahil muntik nang masagasaan ng sasakyan, malayo pa naman sila sa bahay para kumuha ng first aid kaya tiniis nya lang muna yung hapdi nang sugat nya, habang papauwi na sila Alana at Jae nakasalubong nila si Sean (si Sean Lopez yung dating crush ni Alana lagi syang iniinis ni Sean, matagal nang naka-move on si Alana sa kanya.) tinanong ni Sean kung bakit may sugat si Alana, "wala toh, ayos lang ako" ang sabi ni Alana.

avataravatar