1 Hide and Seek

"HER POV"

CURIOSITY started it all.

Hindi ko naman siya kilala, e. Ni wala akong kaalam-alam that he exists. But one night, in the very first night of my transfer, may nakita akong gwapo yet when I tell my roommate about him...

"Spiky ang buhok na may dalang bola ng volleyball. Naku! Si Ryle ata 'yong nakita mo. Hindi naman 'yon gwapo, may mas gwapo pa roon."

"Weeh? 'Di nga? Ang gwapo na no'n para sa'kin."

"Wait mo lang makita si Jayvince, tingnan ko lang kung sasabihin mo pa ring gwapo si Ryle. Ka-year level lang din natin siya."

At napukaw niya ang interes ko. Inaabangan kong mag-lunes na para makita ko na siya and when that fateful day comes...

"Gie Ann, si Jayvince," bulong sa'kin ni Myrna, ang ka-roommate kong may sa manika kahit pa medyo mataba, sa gitna ng klase.

Agad kong binitiwan ang ballpen kasabay nang paglingon sa labas ng classroom. Ang leeg ko nag-ala giraffe bigla. Pero ang dami ng mga dumaraan."Sino sa mga 'yan?." Wala akong narinig mula kay Myrna kaya kinalabit ko siya. "Hoy..."

"Sandali lang hinahanap ko pa," pigil ang boses niyang turan sabay tapik sa aking kamay.

"Monteza, Gonzalez, ano'ng kaguluhan 'yan?"

Patay!

Pasimple kong tinulak ang nasa aking armchair para gumulong. Kasunod ay umuklo. "Kinukuha ko lang po ang nahulog kong ballpen. Excuse me, Myr 'yong paa mo."

"Ay! Sorry, Gie. Okay." Kunyari namang itinaas ni Myrna ang kanyang paa.

Nang magsulat muli si Prof. sa white board, saka ko nilapit ang bibig sa tainga ng aking katabi. "Nasa'n na siya?"

"Lumampas na."

"Ay..."

Nakakapanghinayang, pero 'di bale dahil magkaklase naman kami sa dalawang subjects. Yon na lang ang iniisip ko.

At first, disappointed ako sa aking schedule. Hello? Ang hassle kayang magpalipat-lipat ng classroom. Not to mention ang pag-aadjust sa mga kaklaseng sandali ko lang makakasama pero may choice ba ako? Unfortunately, wala. Kasalanan ko rin naman, e. Inabot pa ako ng isang taon sa education bago ko narealize na mas gusto ko palang magtanim kaysa magturo. Good thing magkapareha ang minor subjects ng education at agriculture kaya major na lang ang babalikan ko sa first year at karamihan sa mga subject ko ay nasa second year.

  

TUESDAY.

Isa sa mga araw kung saan kaklase ko siya sa isang subject. Regular student kasi siya, may regular schedule at classroom samantalang ako shifter na, transferee pa kaya 'yong classroom ko, palipat-lipat.

Excited akong pumasok. Anticipating the moment when I will finally see him.

Ang aga ko nga ring nagising.

Pero nakakadismayang announcement ang bumungad sa'kin pagdating ko ng classroom.

"Classmates, wala raw tayong klase ngayon. Wala pa raw tayong instructor sa Physics."

'Yong mga kaklase natin ang sasaya, parang nanalo sa lotto. Samantalang ako? Pinagsakluban ng langit at lupa.

Okay lang, Gie. May huwebes pa naman, pangpalubag-loob ko.

Matiyaga akong naghintay hanggang sumapit ang araw na 'yon. Habang tumatagal mas lalong tumitindi ang kagustuhan kong makita siya.

Thursday.

Eto na... eto na 'yong araw na pinakahihintay ko.

"O, Gie saan ang punta mo?" tanong sa'kin ni Myrna nang makita akong bihis na bihis.

Kita mo 'tong babaeng 'to. Alas otso na pero nakapambahay pa rin siya. "Sa school. Ikaw ba? 'Di ka papasok?"

"Nakalimutan mo ba o wala ka lang no'ng flag ceremony? Walang klase ngayon kasi orientation ng first year."

Pwedeng magwala? Ba't huwebes pa? May biyernes naman!

"Aaah... salamat. Hapon kasi ang klase ko kapag Lunes. Kaya hindi ako obliged na umattend ng flag ceremony." Lulugo-lugo akong bumalik sa loob at nagpalit ng damit.

Hindi nga talaga siguro meant to be.

Nawawalan na ako ng pag-asang makita siya. Magkatabi lang 'yong classroom namin ngunit bakit tila ang ilap niya? Nakakahiya namang magtanong-tanong baka sabihin pa nila, may gusto ako sa kanya.

Sunday.

Kababalik ko lang galing probinsya. Hindi ko nagawa ang assignment ko kaya pumunta ako sa internet cafe sa likod ng boarding house namin para mag-research.

Ang daming tao, pulos lalaki pa. Nag- aalangan akong magpatuloy pero wala akong choice. Ayokong mapagalitan kung wala akong maipapasang assignment. Kaya kahit naiilang ako, sumige pa rin ako.

Thirty minutes lang, natapos na akong mag-research. Saka ko naalalang hanapin ang account niya sa facebook. Luminga muna ako sa paligid.

Kaso bago ko pa maitipa ang kanyang pangalan, inunahan na ako ng pag-aalala.

Paano kung may makakita sa akin?

Haiist! Di bale na nga lang.

Tatayo na sana ako papunta sa counter para magbayad nang may biglang nagsalita mula sa aking gilid.

"Ano ba! Jayvince. Galingan mo naman. Matatalo tayo niyan, e."

Nanigas ako mula sa aking kinauupuan.

Posible kaya?

Hindi pa ako sure ng time na 'yon na siya talaga 'yon.

Sumagot siya, "Ikaw ang umayos diyan, Donatello. Huwag mo 'kong pakialaman."

Nasa likuran sa may kaliwang bahagi nagmula ang boses. May bakanteng space sa pagitan namin, daanan papuntang counter. Dahan-dahan akong lumingon sa kanyang direksyon. Tumambad sa aking paningin ang topless na lalaking may likod na mas maputi pa ata kaysa sa'kin.

Phew!

Hindi ko maipaliwanag pero kinabahan ako. Huminga muna ako nang malalim, nagbilang hanggang sampu saka tumayo. Habang pagtungo ako sa may counter, pasimple ko siyang sinulyapan.

Tsk. 'Di ko makita 'yong mukha.

Dumiretso na ako para magbayad. Dahil nasa opposite side ng counter 'yong exit, bumalik ako sa aking dinaanan. Tinapunan ko ulit nang mabilisang tingin ang gawi kung saan siya nakapuwesto pero 'di ko pa rin makita ang mukha mo.

Sagabal na screen!

Sumuko nalang ako sa kasusubok na masilayan siya, baka mapansin pa niya ako o ng mga kaibigan niya, magkaroon pa ng issue. Laglag ang mga balikat, umuwi ako sa boarding house.

Habang nasa daan, panay ang padyak ko. Kainis! Ayun na sana, e.

Quotang-quota na ako sa pagkabitin.

"Argh!" impit kong sigaw sabay hila sa'king buhok na abot hanggang balikat.

Napapiksi tuloy 'yong makakasalubong ko. Tapos 'yong tingin niya sa'kin... tipong tinubuan ako nang mahigit sa isang ulo? Loko.

  

ANOTHER Tuesday comes.

Anticipation, excitement, nervousness, lahat 'yon naramdaman ko nang sabay-sabay sa loob lang ng umagang 'to. And thankfully, may professor na kami sa Physics--wala ng rason para i-cancel pa ang klase namin.

Yes! This is it, pansit!

Palinga-linga ako sa paligid, naghahanap sa kanya pero paano ko siya makikilala gayung walang ibang description si Myrna maliban sa gwapo raw siya? Hello? In all fairness, maraming gwapo sa mga kaklase ko.

Nakakafrustrate!

Alangan namang ipagsigawan kong: "Sino sa inyo si Jayvince Angelo?"

Aba! Never ever.

Hanggat maaari ayokong may makaalam na interesado akong makilala siya.

Kahit pa may itinuturo si Prof. wala sa kanya ang atensyon ko. Kamukat-mukat ko nalang tinatanong na pala niya ako.

"Hija, may galit ka ba sa akin?"

Napamulagat ako. "Po? Bakit po?"

"Nakasimangot ka kasi. Lame ba ang joke ko?"

At doon ko lang napansing panay pala ang tawanan ng mga kaklase namin.

The perks of sitting in front.

"Pasensya na, Prof." Sabay kamot sa ulo kahit wala namang makati. Wala akong ibang masabi, e.

Mabuti nalang ipinagsawalang-bahala ni Prof. ang undesirable behavior ko at nagpatuloy muli sa pagtuturo. By that time, attentive na ako. Then I find out the reason of amusement our classmates have---hinahaluan ni Prof. ng green jokes ang lesson niya at naman... 'yong mga kaklase naming lalaki kung makatawa, wagas!

Wait! Don't tell me ini-enjoy rin niya 'tong green jokes ni Prof.?

  

TIK! TOK! Tik! Tok!

One hour lang ang meron ako para ma-discover kung sino siya sa mga kaklase namin. Actually, may isang guy talaga na nag-stand out the moment I set my feet in our classroom but I need to know if that was really him.

Silently, I'm praying that our professor will call for attendance kasi 'di naman siya nag-check kanina before discussion. 'Yon nalang talaga ang pag-asa ko. But to my dismay, nagbigay lang siya ng papel at ipinasulat do'n ang mga pangalan namin.

Siyempre, dahil nasa unahan, sa akin inabot. Ako ang naunang magsulat.

O, di ba? Ang swerte ko talaga. Sarcastic 'yon.

Natapos ang klase namin, kailangan ko nang lumipat ng ibang classroom. Nakakapanghinayang, wala akong napala nang araw na 'yon.

I guess I should patiently wait again for Thursday but 'di na ako mag-i-expect. Nakakainis na kasi. Kung kailan ka takam na takam saka naman ipinagdadamot.

If only I knew na guguluhin pala ako nang bonggang-bongga nitong curiosity ko, sana most of my subjects ay sa section ko nila kinuha. Pero sino ba kasing mag-aakala? Kasalanan 'to ni Myrna, e. If only she didn't mention that Jayvince.

At sa pagdating nang pinagpalang Huwebes...

Pagpasok ko palang, bumungad na sa akin ang color neon green na wall pero ang umagaw talaga sa pansin ko ay ang nagkakagulo naming mga kaklase. 'Di ko naman alam kung bakit kaya kinalabit ko ang lalaking nakaupo sa tabi ng silya ko. "Anong meron?"

In all fairness, tall and dark si Manong. Fit na fit sa katawan ang suot na puting P.E t-shirt. If I will to describe him in a word, "makisig" will be the term.

Nakapangalumbaba, lumingon siya sa akin. "Reporting."

Talo ko pa ang binuhusan ng isang bucket na punong-puno ng ice nang marinig ang boses niya. If I will to describe it in a word, probably, "malamya" will fit in.

"Kaya pala," tanging nasabi ko para mapagtakpan ang pagkasorpresa kasabay ng paglapat ng aking likod sa sandalan. Tas ang mga paa ko'y nakapatong sa unoccupied chair na nasa aking unahan habang ang mga braso'y nasa aking ulo. Pero ang mga mata ko? Ando'n, sinusuyod ng tingin ang paligid; nagbabakasakaling makita ang faceless niyang anyo. "Sino naman?"

"All group. Ikaw anong group---"

"What! Kailan pa nag-groupings?" Napatuwid ako bigla ng upo. By that time, one hundred percent nawaglit sa aking isipan ang paghahanap sa Jayvince na 'yon.

"Kahapon lang, nag message 'yong prof. natin sa P.E kay representative."

At may nginuso 'yong baklita na hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin.

Takte! Ba't 'di ko alam?

Malamang! Irregular ka, e. Wala ka pang friend sa section na 'to. So, sinong magsasabi sa'yo? sagot ko naman sa sarili kong tanong.

Napahilot ako sa aking sentido.

Akala ko pinagpalang huwebes, isinumpa pala!

"Sa tingin ko wala ka pang grupo, sa amin ka nalang. That's if you want lang naman."

Kung 'di lang ako magmumukhang timang, kumanta na ako ng 'Hallelujah' with matching blinking of eyes pa. However, because I'm trying to appear as prim and proper, pasimple akong ngumiti instead. "Talaga? Thank you, ha?"

Nginitian din niya ako bilang tugon. Nakilala kong Louie pala ang pangalan niya.

"Don't mention it. But under one condition."

"Sure." Kahit ano, h'wag lang akong mabokya.

"Isa ka sa magrireport."

"Ha!"

"Ayaw mo?"

"May sinabi ba ako? Asan ang hard copy ng topic at pag-aaralan ko." Bahala na si Batman.

Inabot niya sa akin ng three pages long bond paper.

Shocks! Ba't ang haba?

"So girl, may crush ka ba rito?" Out of nowhere ay tanong ni Louie habang naglalagay ng nail color. Palibhasa napasa sa ' kin ang problema niya kaya papetiks-petiks nalang.

Naku! Kung 'di lang talaga kailangan, 'di ako papayag. Cramming kasi.

"Wala," sagot ko sabay pakli sa kabilang pahina.

Totoo naman. Si Ryle kasi 'di ko na nakita. 'Di ko na nga rin maalala ang mukha.

Tsk. Kinain na nga ata no'ng Jayvince 'tong sistema ko.

"Bakit ikaw, meron?" dugtong ko.

At ang baklita, ang tamis ng ngiti habang panay ang tango. "He's popularly named as 'Mateo Doo' ng campus."

I know that Korean actor from 'My Love from the Star' sa GMA. Fan din kasi ako ng show na 'yon.

"Sino naman 'yan, aber?" Nakatikwas ang isa kong kilay na tanong sa kanya.

Masyado naman ata niyang nilalagay sa pedestal 'yang crush niya. Sana lang mapangatawanan ng kung sino mang Poncio Pilato ang bansag na 'yan. Kahit sa hitsura man lang.

"Ayun siya, o!"

Napalingon ako sa direksyon kung saan siya may inginuso.

"Jayvince Angelo."

As Louie uttered his name, my jaw literally dropped.

avataravatar